Hindi na nagparamdam si Yurika kay Allen. Hindi na rin nagpaparamdam si Stellar kay Regan at wala ng pakialam ang binata rito. Pinatutunayan lamang ni Stellar kay Regan na may malaking kasalanan ito sa kanya. Ginugol niya lang ang panahon upang bumawi sa kapatid. Bumalik na ulit ang kanilang samahan ni Yurika. Magkasama na sila sa lahat ng lakad. Gaya ng nakagawiang mamalengke, kumain sa labas, manood ng sine, maglibot sa National Bookstore, sumali sa mga cosplay convention at pumunta sa mga art exhibit. Kontento na siya kapag nakikita niyang masaya ang kapatid. Kahit papaano ay naiibsan ang sakit na kanyang nadarama dulot ng pagtataksil ni Stellar sa kanya.
"Kuya Regan ngiti ka!" Kinuhanan ni Yurika ng photo ang binata habang nakaharap sa laptop nito habang nakatungtong naman sa balikat nito ang ibon nilang si Prutty. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Oh..! Tingnan mo ang pogi talaga ng Kuya ko."
"Ikaw Yuri binobola mo na naman ako. May gusto kang ipapabili ano?"
"Huh? Wala ah. Ganyan na ba talaga tingin mo sa akin ha Kuya?"
Tumawa si Regan . "Ngayon mo lang kasi ako pinuri na pogi ako."
"Dati ka ng pogi kaya hindi na kailangan ng acknowledgment."
Pailing-iling na lang ang binata. "Gano'n? Ewan ko talaga sa'yo. Hali ka nga groufie tayo kasama si Prutty."
Parang bata siyang tumakbo sa kinaroroonan ni Regan . "Yehey!" Pagkatapos ng photo shoot ay tiningnan nila ang kuha. "Oh talaga naman ang lahi natin, lahi ng photogenic!"
Humalakhak si Regan . "Talagang confident ka sa sarili mo na maganda ka ah."
"Siyempre naman! Ang gandang 'to ang nagpanalo sa College of Information Technology noong Intrams!"
Ngumiti lang si Regan . "At dahil diyan may ipapakita ako sa'yo hali ka."
Sumunod naman siya. Pumasok sila sa kwarto ni Regan . Napa-wow siya ng makita niya ang portrait niya na nakasabit sa dingding. Isa itong black and white drawing na ang gamit ay charcoal crayon. Nakangiti siya roon.
"Sino 'yan? Si Leonor Rivera?" Pabiro pa niya.
Ngumiti si Regan na tumingin sa kanya. "Hindi 'yan si Leonor. Ikaw 'yan Yuri. 'Yan ang signature mong eye smile. 'Yan ang paborito ko sa'yo kapag nakangiti kang ganyan. Dito lang 'yan sa kwarto ko para palagi kitang nakikita kahit nasa kabilang kwarto ka. Maganda ba?"
Hindi siya agad nakapagsalita. "O-oo naman Kuya. Ikaw talaga ang pinaka the best artist para sa akin."
Agad siyang niyakap nito. "I love you Yuri. Sana ay mapatawad mo ako sa pinako kong pangako sa'yo na hindi ako magbabago."
Ang kaninang sigla ay napawi na. Bigla siyang nanigas sa sinabi nito. Sana hindi na lang niya sinabi iyon! Paano pa niya lalabanan ang kanyang nararamdaman? Hanggang kailan niya ito itatago? Hindi niya namalayan ang pagtulo ng mga luha.
"Yuri umiiyak ka?"
Siya ay kumalas at dali-daling pinunasan ang kanyang mga luha. "Wala ito Kuya. Nato-touch lang kasi ako. 'Wag mo ng isipin 'yon. Napapatawad na kita." Siya naman ang yumakap dito. "Thank you Kuya Regan !"
Tumunog ang cell phone ni Yurika. Si Allen ang tumawag. Nag-aalangan siyang sagutin ito. Hindi na niya kasi pinapansin ang mga text message nito at hindi na siya sumasama rito. Pinindot niya ang answer call button. "Hello?"
"Yuri kumusta? Alam mo bang miss na miss na kita?" Halos pabulong na wika nito na nagpapataas ng kanyang mga balahibo. Bahagya niyang inilayo ang cell phone sa teynga niya at napangiwi. "Yuri? Are you there?"
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
Любовные романыMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...