Matagal ng hindi nakikita ni Yurika na nagda-drawing ang Kuya niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan mula sa bintana. Nagda-drawing si Regan sa labas ng bahay nila. Ito ay seryosong nakaupo sa outdoor patio chair. Naaaliw siyang titigan ito. Gwapo pa rin kasi si Regan kahit naka-side view. Parang kikiligin na yata siya. Bakit ba ako nakaramdam ng ganito? Kailangan ko itong labanan. Kumabog bigla ang kanyang dibdib nang napatingin si Regan sa bintana ng kanyang kwarto kung saan siya naroroon. Bigla siyang nagpanic. Palinga-linga siya sa kaliwa't kanan. Namula na talaga siya nang ngumiti ito sa kanya.
"Yuri ginuhit kita!" Masaya itong ipinakita ang guhit nito.
Sa halip na matuwa ay umalis siya sa bintana at humiga sa kama. "Nagbago ka na Kuya Regan . Wala ka ng oras para sa akin. Di na kasing saya tulad ng dati." At di niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha.
Nabigla naman si Regan dahil walang reaksyon si Yurika. Malungkot nitong ibinaba ang drawing.
"Galit pa rin talaga siya sa akin," ang naiutal nito. Malungkot itong nakatitig sa drawing nito. "Kailan tayo magiging ok ulit?"
Naging panata na kay Yurika na iwasan si Regan habang maaga pa. Dahil habang tumatagal mas lalo lamang lumalala ang kanyang nararamdaman para rito. Malinaw na ang kanyang nararamdaman. Umiibig siya sa kanyang sariling kapatid at isa itong kahiya-hiya at karumal-dumal na katotohanan na pilit niyang nilabanan at itinago sa kanyang sarili. Napag-isip-isip niyang mabuti na rin siguro na nagka-girlfriend si Regan para kahit papaano malalayo na ang loob niya rito kaya nakapagdesisyon na siya. Iiwas siya sa abot ng kanyang makakaya.
"Yuri, free ako ngayon may ipapatulong ka ba sa akin?" nakangiting tanong ni Regan sa kanya sa sala. Pareho silang nakaupo habang siya ay abala sa kanyang cell phone.
"No, thanks."
Tumabi na ito. "Talaga? Nakita kong may nakatewang-wang kang assignments sa study table mo."
"Saka na 'yon. May lakad kami ngayon ni Allen," sabi niya habang 'di man lang lumingon dito.
Nagtiim ang bagang ni Regan sa pagbigkas niya sa pangalan ni Allen. "Unahin mo muna ang pag-aaral mo bago ka gumala," mahigpit niyang utos.
"Don't worry Kuya, ni minsan hindi naman bumaba ang grades ko." Tumayo na siya "Mind you own business ok?"
Tumalikod na siya upang umalis ngunit hinablot ni Regan ang kanyang braso. "Sandali nga muna! Hindi naman tayo ganito dati ah. Wala ka ng respeto sa akin."
"Kuya, utang na loob ok? Masakit ang ulo ko. Wala ako sa mood makipag-away. Mamamasyal kami ni Allen ngayon para naman gumaan pakiramdam ko. Nakaka-suffocate dito eh. Masyadong tahimik, so boring you know."
"Alam mo ikaw nagbago ka na. Hindi ka naman nabo-bore kapag magkasama tayo. Masaya tayong dalawa kahit tayo lang. Ngayon naghahanap ka na ng ibang tao para mag-enjoy."
Tumaas ang kanyang kilay pagkarinig no'n. "Speaking of change Kuya ikaw ang unang nagbago sa ating dalawa. Sana naman naisip mo 'yan." Natigilan si Regan pagkarining no'n. Nabitiwan na rin nito ang kanyang braso. Tumalikod na siya at nagmartsa palabas. Bahagya niyang nasapo ang ulo nang matamaan siya ng sikat ng araw.
Pahabol siyang sinundan ni Regan . "Yuri sandali!" At naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod. "Yuri sorry na. Wag ka ng magtampo sa akin. Mag-usap tayo pwede ba? Na-miss kita eh. Na-miss ko 'yong samahan nating dalawa. Gusto ko lang naman maibalik 'yong dati."
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
RomanceMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...