Chapter 13

165 0 0
                                    

[James]

"James, anak, halika!" sabi ni mama. Mukhang may bisita sila ah.

"Bakit ma?" sabi ko.

"Anak, this is your Tito Mario and Tita Kat. Bless ka!" sabi ni mama.

"Good evening Tito, Tita."

"Naku, mars, ang gwapo na ni James!" sabi ni Tita Kat.

"Oo nga eh. Bagay sila ni Mary." sabi ni Tito Mario. Mary? Parang familiar...

"Naku, Mario! Sinabi mo pa! Saan na ba nakatira si Mary ngayon?" sabi ni mama.

"Binilhan siya ng lolo niya ng bahay sa Forbes. Meron din siyang sariling condo malapit sa Greenhills, birthday gift sa kanya ng lola niya. Tsaka may pinapagawang bahay ngayon yung ninong at ninang niya sa BF Homes sa Paranaque, bumabawi lang daw sila kay Mary kasi ang tagal nilang hindi nabisita yung inaanak nila. Only child eh, tsaka nag-iisang apo na babae. Lahat kasi ng pinsan ni Mary lalaki eh!" sabi ni Tita Kat.

"Pero madalas asa Forbes siya, kasama kami." sabi ni Tito Mario.

"Kamusta naman siya? May manliligaw na ba?" sabi ni mama.

"Naku mare, gabi-gabi, may 3 o 4 na lalaki sa labas ng bahay, hinihintay lumabas ang anak ko!" sabi ni Tita Kat. Wow, ganun siya kaganda?

"Uhmm...Sino po si Mary?.." sabi ko.

"Upo ka dito, hijo." sabi ni Tito Mario. Umupo ako sa tabi niya.

"Eto si Mary Kate, anak namin ng Tito Mario mo. Kalaro mo yan dati, hindi mo lang naaalala kasi matagal kayong nagkahiwalay. But I hope you still remember her." sabi ni Tita Kat, showing me a pic...ture...of...Kate.

Si Kate?! Si Kate ang anak nila?! WOW! Parang kailan lang, nakatabi ko siya sa jeep tas na-love at first sight ako sa kanya, ngayon malalaman ko na lang na kababata ko pala siya?! AMAZING!

"Si Kate?! Nakatabi ko po siya sa jeep nung isang araw, ma! Pareho kami ng school, ma!" sabi ko.

"I know you study in the same school, pero bakit hindi mo sinabi na nakatabi mo siya sa jeep dati?!" sabi ni mama.

"Aba, malay ko ba na siya pala yun! Ang laki na kaya ng pinagbago niya! Gumanda nga siya eh." napangiti ako nung naalala ko yung maamong mukha ni Kate.

"Talaga lang ha?" sabi ni Tita Kat.

"Opo. Nakita ko na po siya!" sabi ko. COINCIDENCE!! Yung crush ko ngayon, kababata ko pala! Cool!

*ring*

"Hello?...O, Mary anak...Andito kami ng daddy mo sa bahay ni Tita Jamie...Bigay ko sayo address niya, pumunta ka dito..." sabi ni Tita Kat.

KATE PUMUNTA KA PLEASE! GUSTUNG-GUSTO KITA MAKITAAA!

"Bakit?...Eh nasan yung driver mo?...Day-off? Mary, seriously?...Sa bagay may license ka naman...Gamitin mo na lang yung Mini Cooper ng daddy mo!...Saan ka ba matutulog ngayon?...Sa condo?....Ah, kasama mo sina Liezel?...O sige, sige. Sa Forbes na lang kami ng daddy mo matutulog ha?...O sige. Goodnight baby. I love you too Mary!" at pinatay na niya yung phone.

WAHAHAHA!! Hindi pupunta si Kate! T_T Wait...Liezel daw ba? Aba'y kapangalan niya yung nakilala ni Vince sa park dati! Naaalala niyo pa ba yun? Si Liezel Gonzales? Whoa.

"Sige na mars, una na kami ni Mario. Uuwi pa kami sa Forbes. Bisita naman kayo sa amin minsan!" sabi ni Tita Kat.

"Oo naman mars! Teka, saan kami bibisita ni James? Sa condo o sa Forbes?" sabi ni mama.

*cross fingers* FORBES! FORBES! FORBES!

"Kayo, kung saan niyo gusto. Itext niyo na lang kami ni Mario." sabi ni Tita Kat.

"Ikaw, James? Where do you want, anak?" sabi ni mama.

"Kayo na lang magdecide, nakakahiya naman po kina Tito at Tita."

"Wag ka na mahiya James! Tutal gusto ka rin naman namin ipakilala kay Mary. Although nagkita na kayo and all, pero, you know, so you two can grow closer to each other. Malay mo yang closeness niyo, mauwi sa altar, diba?" biro ni Tito Mario.

Naku Tito Mario, kung alam niyo lang...Gustung-gusto ko makilala si Kate!!!

"Hahaha! Ikaw talaga Mario!" sabi ni mama.

"Naku, halika na. Let's go home. Malapit na mag 8:30, bibiyahe pa tayo. sige na, una na kami ha?" sabi ni Tita Kat.

"Bye James! See you next time!" nagbeso-beso si Tita sakin, at nakipag shake-hands naman si Tito sakin.

"Ingat po kayo!" sabi ko sabay smile!

Pag-alis nila, nag-usap kami ni mama.

"Anak, si Mary. Si Mary yung kinukwento ko sayo araw-araw. Gusto ko ligawan mo siya pag nagmeet kayo ha? Tsaka tulad ng sinabi ng Tito Mario mo, magpapalitan kayo ng 'I Do' ni Mary ha? Tas gusto ko, babby girl, ok? Tsaka----"

"----ma, ma! Chill! Hindi tayo sure diyan. Baka may magustuhang iba yung tao."

"No, James. It can be the way you want, magsikap ka lang, ok? Mahalin mo siya. Love her with all your heart, and everything will be just the way you want it to be." sabi ni mama.

Oo nga, tama! Tama si mama! Kikilalanin ko si Kate at mamahialin ko siya! It won't be so bad, right? :D

"Sige, mama. Promise ko sa inyo na papakasalan ko si Kate. Siya lang at wala nang iba! Just the way you want it! Ma----"

ZzZzZzZzZz....

Yes, I was making a promise to a sleeping person. =_= Pero ma, promise ko yan sa inyo.

A/N: KENNY'S PICTURE --------->

And yes, crush ko po si Dino. :) LOL.

A Typical Love Story (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon