Chapter 14

152 0 0
                                    

[Mitch]

Binalewala ni Gabby yung mga sinabi ko. Na nakita ko Si Althea, na mahal ko pa siya. Ang hindi ko masabi-sabi kay Gabby is...hindi pa ako sure kung mahal ko ba talaga siya. Sakit noh? Kahit ako mismo, nasasaktan. Ang gulo noh? ang gulo-gulo ko! Hahaha! Ayoko na kasing masaktan tulad ng dati. Ang sakit ng ginawa ni Althea sakin before. Pero mahal ko pa siya. Ang gulo ko talaga, noh? Bigla na lang niya akong iniwan noon eh. Ewan ko kung bakit. Tas ayun, nakilala ko si Gabby.

Nung isang linggo pa lang ang relationship namin ni Gabby, every Sunday, umiiyak ako. Sunday kasi nakipag-break sakin si Althea, eh di ako maka-get over. Di ako maka-move on. Nung hindi pa kami ni Gabby, sabi ko sa kanya, hinding-hindi ako ma-iin love ulit. Tas eto, girlfriend ko na siya. Nagdarasal ako na sana hindi katulad ng ibang babae si Gabby. Yung basta na lang nang-iiwan, yung two-timer, mga ganun.

Mabait naman si Gabby eh. Sabi niya, she's willing to do everything for me, at ganun din ako...kasi ang sakit parin talaga. Ilang times ko na hinalikan si Gabby, pero feeling ko, malalaglag ako sa kinatatayuan ko pag hinahalikan ko siya. Ewan ko ba.

Pero alam naman ni Gabby na takot ako. Sabi niya, hindi niya ako sasaktan. Ganun din sinabi sakin ni Althea. Speaking of Althea, ayan na siya, papalapit sakin.

"Hi Mitch!" sabi niya, smiling.

Alam ba niyang nanghihina ako pag nakikita ko siyang nakangiti?!

"Hi.." hindi ko siya matignan sa mata.

"Kamusta kayo ni...what's her name?"

"G-gabby.."

"Ayun, kamusta kayo ni Gabby?"

"Ok lang. Napakasweet niya. At maaalalahanin pa. Mapagmahal. Malambing." ang weird, pero parang nagsisisi ako na sinabi ko yung pangalan ni Gabby kay Althea.

"Talaga? Hmm. Gabby. What a boyish name." natawa siya.

"Short for Gabriella Kylie." ano ba, Mitch! Manahimik ka!!! Masyado kang madaldal!

"Ah. Can I call her Gab?" natawa ulit siya.

"Kung pinuntahan mo ako para lait-laitin si Gabby, pwede ka nang umalis." bakit ganun siya kay Gabby? Grr. >_<

"Mitch, no..." tas tumigil na siya kakatawa.

"Ano na naman?!"

"Andami nating hindi nagawa nung tayo pa. Do you think we can make it up to each other kahit hindi na tayo?"

Natahimik ako. Wrong timing yung pananahimik ko.The f*ck.

"A-ano?.." Nakanganga pa ako. Seriously, Mitch.

"Mitch, kasi...

gusto ko makipagbalikan sayo."

Hayop na yan!

"Pagtapos mo akong saktan, yan ang sasabihin mo?! Althea, sino niloloko mo?!" oops, napalakas. Hihihi! Teka, asan na nga ba yung girlfriend ko?

"Mitch, she doesn't deserve you! Naging tayo bago naging kayo! Ano ka ba! Andali mo magpauto sa kanya!"

"Hindi, hindi ako nagpauto sa kanya! Ano akala mo sakin, basta basta na lang namimili ng babae?! PBB Teens?!"

"Mitch, tayo na lang please?! Leave her alone!"

"What makes you think na makikipagbalikan ako sayo, Althea?"

"May sakit ako, Mitch."

WAAAA. Nababaliw na ako! Kailan pa siya may sakit?!

"Althea, I..."

"Please, Mitch?"

"Pero...

hindi ko kaya."

"Mitch, may sakit ako, please."

Natahimik na naman ako.

"S-since when?.."

"Nga...ngayong buwan lang...Please Mitch, pagbigyan mo na ako. I'm suffering, please..."

"So, let me get this clear..."

I cleared my throat. I don't know what to say next, pero I'm getting her point.

"Makikipagbreak ako kay Gabby just to be with you." sabi ko.

Umiiyak na si Althea.

"Mitch, please. Please. Sige na, Mitch?" tinignan ko si Althea, with eyes full of...anger.

"No. Hinding-hindi ako makikipag----"

"----alam kong mahal mo pa ako and I'm sure natatakot kang mahalin si Gabby sa ngayon kasi ayaw mo nang masaktan tulad ng dati. Alam ba yun ni Gabby?"

o_O Pak na pak. Bawat salita. Bawat letra.

"H-hindi..." oo nga noh. Napaisip tuloy ako.

"Kung ganun, eh di sasabihin ko na lang yun kay Gabby. Lahat yun." tumayo si Althea but I stopped her.

"Althea...hindi ako makikipag-break kay Gabby, pero I will allow you to give it up to me...in one condition."

"Ano?"

"Wag mo yung sabihin kay Gabby."

Ngumiti si Althea.

"Deal."

Tama kaya? Tama kaya ang naging desisyon ko na pagbigyan si Althea? Ok lang naman diba? I mean, we won't fall for each other anymore, right?

*ring*

1 new text mesage

Sender: Gabby Dearest <3

Mitch, it's Liezel. Nkigmit ng fone. Hehe. Pmunta k d2 s infirmary NOW NA.

What?! Bakit?! Bakit na kay Liezel ang phone ni Gabby?!

To: Gabby Dearest <3

Bkit? Wat hppned to Gabby?!

Nag-alala na ako. Iniwan ko si Althea. I know it's rude and all, but I need to go to the infirmary, now na daw. Hindi na ako nakapagpaalam kay Althea. Bahala siya. Ang gulo ko talaga noh?

1 new text message

Sender: Gabby Dearest <3

Hnimtay c Gabby. Dmudgo ung ilong nya til now. Sbi ng nurse bmagal ung hartbeat nya. D nla alam kng bkit. Nanghihina c Gabby til now. Ktkot nga eh. she needs u hir, now na.

Lalong napabilis yung takbo ko. I'm coming Gabby! Hintayin mo ako!

A Typical Love Story (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon