Chapter 16

140 0 0
                                    

[Liezel]

Napipikon talaga ako kay Vince! Pagkatapos niya sabihin yung mga salitang yun, lalo akong nalait sa room...

*FLASHBACK*

"Ang babading niyo. Ano naman kung wala siyang alam? Sige na, pagsabihan niyo na siya ng bobo, pero ano bang ginagawa niya dito, nag-aaral diba? Ang bababaw ng mga kaligayahan niyo. Ganyan din kayo dati...Mangmang. Diba? Tss. Sa inakto niyong yan, yung pagtawanan ang iba, sinong walang alam ngayon? Ano ba tong pinasukan ko. Ang tatanga ng mga tao."

Tas lumabas siya ng room.

"AHAHAHA!! Bobo ka pala Liezel eh!" "Mangmang ka dati? Hanggang ngayon naman ata ah?" "Nagtourism ka pa, hindi ka naman pala marunong mag ibang langauge."

Nag head down na lang ako.

Nakakahiya.

HAYOP KA VINCE! ANG GWAPO MO SANAAA! >_< Huhuhu Y_Y Paano na to.

"Ms. Gonzales, Principal's Office, now."

Ugh. :| Sumunod na lang ako kay Prof. Eto namang si Vince, lumabas pa ng room! Ako lang tuloy yung napatawag! Kakaasar talaga. Sana ipatawag siya.

Sa Principal's Office...

Nag-announce si Principal sa mic na dinig sa buong camous.

"Mr. Vince Alvarez, you are needed here in the Principal's Office now."

Ewan ko kung bakit, pero bigla akong natuwa. Hahaha! Bad ba ako? Eh nilait ako sa room dahil sa kanya. Dapat lang na ipatawag din siya.

*END OF FLASHBACK*

LIEZEL! Ano bang naisip mo at sumama ka kay Vince sa detention?! Alalahanin mo, dahil sa kanya, nasira image mo! Ang tingin na sayo ngayon ng mga blockmates mo, bobo! Hay. Sina Ryza at Kate, pinatawag naman ng prof namin sa science, kailangan daw sila sa lab. Ayun, naiwan ako. >__< Wala tuloy ako mapaglabasan ng sama ng loob, but there is this one person...

"Hoy Vince."

Nasa iisang room kami. Asa vacant room kaming dalawa. Dun lahat ng nadedetention. Kakainis.

"Bakit?"

"Wala kasi yung mga best friend ko, kaya sayo ko na to sasabihin."

"Alin?"

"Napipikon ako. Sana hinayaan na lang kita dito mag-isa. Sana hindi na ako sumama sayo sa detention. Sana natututo ako ngayon. Sana marami na akong alam. Sana---"

" 'Sana'. 'Sana'. Puro na lang 'sana'. Pwede bang 'buti na lang' naman? Wala na akong narinig sayo kundi regrets."

Natahimik ako.

"Kasi naman! GRRR! Nasisiraan na talaga ako ng ulo. Sana...buti na lang hindi kita sinagot nun."

Tumingin siya sakin.

"Nasisiraan ka na talaga. Hindi mo nga ako sinagot, sumama ka naman sakin. Hindi ka lang bobo sa studies. Pati sa decision-making, sablay ka."

"ANG YABANG MO NAMAN! Paano mo napatunayan na bobo ako sa decision making?"

"Mamili ka. 10 million pesos o house, lot at bagong kotse?"

"Syempre house, lot at bagong kotse!"

"Kitams. Bobo talaga."

"Bakit na naman?!"

"Kung ako sayo, 10 million na lang. May bahay, lupa at sasakyan ka nga, wala ka namang pera."

Toink.

"Teka, pwede mo naman ibenta yung bahay, lupa at kotse diba? Eh di magkakapera na ako!"

"Engot ka ba? Eh di walang natira sayo ngayon."

"Pwede kang bumili ulit ng bahay, lupa---"

"---ganun din. Paikot-ikot lang. Sana hindi ka na nagbenta kung bibili ka rin pala. Pahangin lang ako."

Lumabas siya ng room. Ano ba yan! Naaasar na talaga ako! Lagi na lang niya akong pinagmumukhang tanga. Tama. Sige. Magpahangin siya. Tutal mahangin na naman siya eh. Kakaasar. Ang gwapo niya sana. Andun na eh, crush ko na siya, malapit na. Kaso...errr!! >_______<

Sana mabait na lang siya!....

Pero buti na lang mayabang siya, kung hindi, ko siya makakasama dito ngayon.

Hay nakakainis talaga! Lagi na lang ako yung tanga. T^T

A Typical Love Story (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon