Chapter 15

151 0 0
                                    

[Vince]

Hay. Ang hirap pala ng tourism ang course. Andaming kelangan kabisaduhin! Kelangan marunong ng iba't ibang languages, buti na lang JaPinoy ako. (Japanese + Pinoy) Grabe, sa tropa ko, ako lang asa tourism. Silang dalawa, asa Engineering. Grabe lang.

"Ms. Liezel Gonzales."

Ay oo nga pala. If I haven't mentioned, blockmate ko si Liezel, the girl in the park, remember?

"Yes Sir?"

"Do you know any languages from Asia?"

Ako meron. :P

"Uh...Sir..I..."

"DO YOU KNOW any languages from Asia?"

"Uh....ye--no."

Nagtawanan ang buong klase. Sa side ko, nakakatawa din, kasi nagtourism ka tas wala kang alam, pero ang sama naman nila para pagtawanan si Liezel...

ANO BA YAN VINCE! BAKIT KA GANYAN?! BAT GANUN ANG PAKIRAMDAM MO?! Haay.

Tumayo ako.

"Ang babading niyo. Ano naman kung wala siyang alam? Sige na, pagsabihan niyo na siya ng bobo, pero ano bang ginagawa niya dito, nag-aaral diba? Ang bababaw ng mga kaligayahan niyo. Ganyan din kayo dati...Mangmang. Diba? Tss. Sa inakto niyong yan, yung pagtawanan ang iba, sinong walang alam ngayon? Ano ba tong pinasukan ko. Ang tatanga ng mga tao."

Teka sinabi ko ba yun?

Lumabas ako ng room. Nakakahiya eh.

Readers, sinabi ko ba talaga yun? Lahat yun? Damn. Yaan niyo na, marinig na kung anong kailangan marinig.

Feeling ko ipapatawag ako sa Principal's Office in 10 seconds...

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

"Mr. Vince Alvarez, you are needed here in the Principal's Office now."

O diba.

Pumunta kaagad ako dun, super chill. Pagpasok ko, akala ko ako lang---

Andun din pala si Liezel. Lagot na.

"You two wait here, I'm going to get something from the faculty room." sabi nung principal sabay labas ng office.

"Epal ka." sabi niya.

"Bakit na naman? Pinagtanggol ka na nga eh." sabi ko.

"BAKIT MO SINABI NA WALA AKONG ALAM?! LALO NILA AKONG PINAGTAWANAN! BAKIT MO SINABI NA SABIHAN NILA AKO NG BOBO?! SINABIHAN NGA NILA AKO! KUNG AKALA MO NAKAKATUWA, PWES HINDI! TAMO, ANDITO AKO NGAYON IMBES NA NATUTUTO AKO! ANDITO AKO NGAYON...KASAMA KA!"

Nabigla ako. I never thought na napakatapang niyang babae.

"Eh di babalik ako dun, babawiin ko lahat ng sinabi ko." tumayo ako pero pinigilan niya ako.

"So ganun kadali sayo yun, ha?! Palibhasa hindi image mo ang nasira!!"

"Ano ka ba?! Big deal na ba yun sayo?! Na pagtawanan ka?!"

Aba naman to! Ang arte!

"Hindi. Pero....

Ang pagsabihan ako ng bobo, ng walang alam...

OO!"

Umiyak siya.

"Masyado kang madrama."

Tas bigla siyang tumigil kakaiyak. Ngumiti siya and she gave that I-know-your-secret kind of look.

"O, bat ganyan ka makatingin?"

"Alam ko na. Para malaman mo yung feeling, ipagkakalat ko sa buong school na cosplayer ka! Na ikaw si Hideaki Torio! Na nagdadamit Anime ka!"

Ha?! What the heck! Paano niya nalaman yun?! SHEMAAAI!

"Teka, wag!!!" pinigilan ko siya.

"Bakit? Walang nakakaalam noh? Kasi pagtatawanan ka nila, ha?! Yun ba ang dahilan?! Heartthrob ka kasi dito at pag nalaman nilang nagcocosplay ka, iisipin nilang baduy ka?!" sabi ni Liezel, umaapoy yung mga mata. Not really, but you know what I mean.

Paano niya nabasa isip ko?

"Liezel, wag, please!"

"HAHAHA! Gusto ko lang iparamdam yun sayo----"

Hinila ko yung kamay niya, eh na-off balance ako. Siya din napahiga. Ganito yung posisyon namin: Nakahiga siya sa ilalim facing me, tas ako nakadagan sa ibabaw, facing her. Gets?

Tsaka ko lang narealize na...

Ang ganda ganda pala talaga niya.

*sampal sa sarili* No, Vince! Sila ang dapat nagkakagusto, hindi ikaw! NO NO NO!!!

Tumayo na ako. Tumayo rin siya.

SILENCE.

Awkward naman nito. Nagkatinginan kami tas sabay din umiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit, pero parang may paru-paro sa tiyan ko nung tinignan niya ako. Ewan.

Pero no, Vince. NO. NO. NO!!!!

Tas dumating si principal.

"So, Mr. Alvarez....sumasagot ka pala sa professors, ha?" sabi niya.

"Uhmm...pinagtanggol ko lang po siya. Hindi naman po ata tama na...

na pagsabihan siya ng bobo at walang alam. Nakaksira po yun ng image."

Naramdaman kong tumingin sakin si Liezel.

"Tama nga sila, sumasagot ka nga. At dahil diyan...

2 days detention for you."

Napayuko ako. Ewan. Wala tuloy akong maiharap na mukha kay Liezel. Akala ko, high school lang ang detention, pati rin pala college. Damn.

"And as for you Ms. Gonzales...

you may go back to your room."

Naramdaman kong huminga ng malalim si Liezel.

"Sasama na lang po ako kay Vince sa 2 days detention." sabi ni Liezel.

A Typical Love Story (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon