Chapter 27.1

118 0 0
                                    

[Gabby]

Madalas na akong inaatake ng sakit ko. After P.E., nagha-hyperventilate na lang ako bigla. Pag sobrang init, naninikip ang dibdib ko. Congenital Heart Disease daw to, sabi ng doctor. Meaning? It runs in the family.

Si Mitch? Ayun, madalas kasama si Althea. I know he still likes her, pero hello! May girlfriend na siya eh! Naalala ko nga nung sinabi niyang makikipagbreak siya sakin just for Althea. Hay buhay, parang life. -.-

Asa multi-purpose gym ako ngayon, nagbabasketball kasi si Mitch and I'm doing my job as a girlfriend...syempre, sinusuportahan ko siya kahit unstable ang relasyon namin.

"WOOOO!! GO MITCH DEAR! SHOOT MO YAN!!" I yelled.

Nashoot naman.

Ayos talaga powers ng cheering ko! xD

Tumawag ng time-out yung coach nila. Lalapitan ko sana si Mitch but...

"Mitch! Pagtapos ng game, labas tayo ah?" lumapit si Althea at pinunasan ang pawis niya. Umatras na lang ako. Pag atras ko, nabangga ko yung kapatid ni Liezel na si Kenny.

"Ay, sorry." I said.

"Wala yun." he smiled. Aba'y may itsura naman pala tong kapatid ni Liezel eh!

Bumalik na ako sa upuan ko kanina.

Nagstart na ulit yung game.

"UWAAAAA!! GO MITCH! I LOVE YOU!!" I yelled again.

"GO MITCH!!!!!! WOOOHOOOOO!!" hiyaw ni Althea from the front.

Nginitian siya ni Mitch. Ehem, ako, hindi man lang niya pinansin?! Ugh.

Natapos yung game. Tumakbo ako pababa para salubungin si Mitch.

"Mit----"

"MITCH! Ang galing mo!" alas, inunahan na naman ako ni Althea.

"Aalis ba tayo?" he said.

"TARAA!" she said.

Inikot-ikot ni Mitch yung mga mata niya and he saw me. Kumawala siya sa grip ni Althea at nilapitan ako.

Ako naman, umalis na sa gym.

"Gabby! Gabby dear! Ui, mahal ko!" napatigil ako saglit sa paglalakad nung marinig ko yun.

"Mitch, hey!" narinig ko ulit yung boses ni Althea.

Nagsimula ulit akong maglakad. Lakad, Gabby. Nagbrisk walk ako para hindi ako maabutan ni Mitch. Unfortunately, naabutan niya ako.

"Gabby! Hindi mo ba ako naririnig?" sabi niya, holding my hand. Umiling ako. Niyakap niya ako.

"Pasensya na ha, basa ako ng pawis." he giggled. Ewan ko, pero I missed his sweet laugh and his warm hug. I hugged him back.

"Ok lang, mabango ka parin." I said.

Hinalikan niya ako sa noo.

"Mitch!.." sabi ni Althea from behind.

"Althea!" sabi ni Mitch.

Nagkatinginan kami ni Althea. Nagulat ako ng irapan niya ko. I swear, inirapan niya ako.

"Tara na?" she said.

Excuse me, may tao pa dito.

"Dear, I------"

"Sige, ingat kayo ha. Bye Mitch." kumawala ako sa yakap niya and I went out of the gym. Mag-e-emo ulit ako. xD

"Teka, Gabby!...." hindi ko na narinig yung susunod na sinabi niya kasi sumara na yung pinto ng gym.

I went out and it was raining. *opens bag, halungkat ng gamit, hanap ng payong*

Shet walang payong. T^T Tumakbo na lang ako sa ulan. Di bale nang mabasa.

Natapilok ako. Shunga ko talaga.

*BOOGSH TOOOGSH*

"AAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!" I yelled. Takot kasi ako sa kidlat.

Uwaaaaa!!! Ayoko ng kidlat!! Ajujujuuuuu! T________T T__________T T_____________T

*TOOOOOGSH*

Tumakbo ako pero biglang nanikip yung dibdib ko.

Shet shet shet I can't breath!!

Air! Air....I need air!! *gasp gasp*

Natumba ako sa kinatatayuan ko.

No...no no no!...

Kapag inatake kasi ako, anytime, pwede akong tuluyang malagutan ng hininga.

Pero wag ngayon. No!! T___________T

Unti-unti nang pumipikit yung mga mata ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Ang sakit sakit talaga. Hindi ko to kaya.

"Ok ka lang? Miss?!" someone was shaking me, pero blurry na yung vision ko, at tuluyan na akong nagblack-out.

A Typical Love Story (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon