Chapter 7

869 69 14
                                    

Aura's POV

Pag kagising ko ay agad akong dumiretso ng banyo at naligo. Pupunta pala kami mamaya maya sa EK. Nagbihis ako ng simpleng jeans at t-shirt para makagalaw akong komportable.

Pagkababa ko ay nakita ko sila mom sa dining table at kumakain na.

"Oh aura. Nandyan ka na pala. Tara kain na tayo anak" nakangiting sabi sa akin ni dad kaya umupo na ako at nagsimula nang kumain

"Mag ingat kayo mamaya sa pupuntahan niyo ha? Lalo ka na aura. Ikaw luhan, bantayan mo tong kapatid mo" sabi samin ni papa

"Opo dad" sabay naming sabi ni kuya kay papa.

"Mamaya maya dadating na sila dito. Van ni lay gagamitin natin para sama sama na tayo sa isang kotse" tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Makalipas ang isang oras ay dumating na sila. Kaya lumabas na kami ni kuya para puntahan sila. Nakita ko din sa di kalayuan si sehun na papunta na din samin.

"Good morning bes" nakangiting sabi sakin ni sehun sakin. Nginitian ko siya at nag goodmorning din ako.

Pagkabukas ng van ay nakita ko sa loob si yeol, lay, kris, at teka--sino yung natutulog sa dulo? Nakapako lang yung tingin ko dun nang tapikin ako ni kuya.

"Oy baka matunaw si kai. Tara pasok na tayo" kai? Teka. Nakalimutan ko. Kaibigan nga pala siya ni kuya. Pumasok na kami at umupo na. Ganto yung pag ka ayos namin

Lay               Kris

Yeol             kuya luhan

Kai       ako       sehun

Nasa pagitan ako ni kai at sehun. Mukhang walang kamalay malay si kai dahil tulog na tulog pa din siya. Nagsimula na mag drive si lay at nag patugtog sila dahilan para magising si kai

Unti unti siyang dumilat at agad na napatingin sakin sunod naman kay sehun na katabi ko.

"Nandito na pala kayo" nginitian niya ko pero sinamaan naman ng tingin si sehun. Problema nito? Pinabayaan ko na lang siya at nakisabay sa pagkanta nila kuya

Mabilis lang ang byahe kaya agad kaming nakarating sa EK. Bumili na ng tickets sila kuya at pumasok na kami.

"Oh? Ano uunahin natin?" Masiglang tanong ni kris na parang bata pa.

"Sa anchor's away na lang tayo" sabi ni lay sabay hila samin papunta dun. Pag karating namin ay wala masyadong tao sa pila dahil di naman summer ngayon o holiday.

Mabilis kaming nakasakay at pinili nila kuyang umupo kami sa dulo kung san pinaka nakakatakot.

Nagsimula na ang ride. Nasa gitna ako at katabi ko si sehun pati yeol. Katabi naman nila kuya si kai.

"Whooooooooo!" Sigaw namin ng tumaas na ang pag sway nung barko. Puro sigawan lang naririnig namin. Tinaas ko na din ang kamay ko. Nagulat ako ng tinaas din ni sehun ang kamay niya at hinawakan anh kamay ko

Natapos ang ride na pagod kami sa kakasigaw. Naisipan naming sumakay sa extreme at iba pang nakakalula na rides. Sa gabi na daw kami sasakay sa ferris wheel.

Pagod na pagod kami at napag isipan na mag pahinga muna at kumain na din. Pumunta na kami sa food court na may nag pperform pang mga dancers.

Umorder sila kuya at nagsimula na kaming kumain. Naisipan namin na mag ikot ikot muna at maglaro ng mga games. Madilim na din naman kaya malamig na.

Naglalakad kami pero naalala kong naiwan ko yung panyo ko sa lamesa namin kanina

"Guys. Kukunin ko lang yung panyo ko. Sunod na lang ako sa inyo" sabay takbo para makabalik sa table namin.

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon