Chapter 15

189 9 0
                                    

Aura's POV

Pagkabukas ko ng maliit na kahon ay nakita ko ang isang kwintas. Maganda ang pagkaka disenyo nito at mapag hahalataang mamahalin ito...

"Ma, Para san po ito?" takang tanong ko kay mommy. Di ko naman kasi birthday ngayon para bigyan ako ng regalo

"Kwintas yan ng ate mo baby---" Naputol ang pagsasalita ni mommy nang nakarinig kami ng kalansing, Nahulog pala ni kai yung kutsara niya.

"Okay ka lang baby? Bakit parang namumutla ka ata?" takang tanong ko kay kai. Para kasing tuliro siya ngayon.

"O-oo, Uhmmm...kailangan ko na po palang umalis tita at tito" Yan na lang ang nasabi niya. Aalis na kagad siya? Bakit naman?

"Oh, Ang aga mo ata umalis kai. May problema ba?" tanong sa kanya ni daddy.

"May naalala po pala akong dadaanan ko ngayon tito, importante po kasi talaga yun"

Di ko alam kung ako lang ang nakapansin o malamig talaga ang pagkakasabi niya nun. Tumango na lang si papa bilang tugon.

"Sige iho, mag ingat ka sa pag alis mo" nakangiting saad ni mommy kay kai na parang ansama ng aura ngayon...

"Opo. Salamat po" dirediretso na siyang naglakad papuntang pintuan ng bahay namin

"T-teka kai! Hatid na kita sa gate" humabol ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.

Napatingin ako sa mukha niya at nakitang malalim ang iniisip niya ngayon. Bakit kaya?

Nakarating na kami sa gate at lumakad papunta sa kotse niya. Sasakay na dapat siya nang nagsalita ako

"Kai. Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na mas lalong lumamig ang pagtingin niya sakin

"Yes. I'm fine" madiin na saad niya.

"Parang hindi naman eh. Kai, nandito lang ako para sayo ha? Pag nalulungkot ka, nandito lang ako sa tabi mo. Kaya sana hayaan mo akong makinig sa mga daing mo"

"Ayos lang ako aura. Aalis na ko. Bukas na tayo mag usap"

"Kai..." Wala na kong nagawa nung tumalikod siya at naglakad na palayo.

Anong nangyari? Tanong na sumagi sa isipan ko habang nakatingin sa kanyang nagmamaneho palayo

Malungkot akong bumalik sa loob ng bahay at nakitang nag uusap sila mommy at kuya

"So ikaw luhan. May girlfriend ka na ba?" Tanong ni daddy kay kuya.

"Wala pa po dad" nahihiyang saad ni kuya. Kung di lang sana ako malungkot dahil sa inasal ni kai, pinagtripan ko na si kuya kasi medyo nagbblush na siya.

Napansin ni mommy na nandun na ako kaya pinilit kong ngumiti para di na sila mag alala

"Oh aura. Nandyan ka na pala. Kain ka na dito, ano nga palang sabi ni kai? Bakit umalis kagad siya. Sayang di ko siya nakausap ng matagal" nagtatampong sabi ni mommy

"Uhm...May biglaang lakad po kasi siya kaya umalis siya kagad. Importante daw po yun eh" pagsisinungaling ko kala mommy. Ayaw ko na mag alala pa sila sa kung ano yung nararamdaman ko

"Akyat na po ako sa kwarto ko. Goodnight" Nginitian ko sila sabay punta sa kwarto ko. Pag kahiga ko ay di parin maalis sa isipan ko yung nangyari kanina.

Bakit parang gulat na gulat siya nung nakita yung kwintas ni ate mira? Mag kakilala ba sila?

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lalim ng mga iniisip ko

Kai's POV

Kwintas yan ng ate mo...

Paulit ulit kong naririnig yung sinabi ni tita kay aura.

Bakit ate niya pa ang dahilan ng pag kamatay ni dad? Hindi ko matanggap yung mga nalaman ko kaya umalis na lang ako sa bahay nila.

Si aura... ate niya ang pumatay sa daddy ko.

Patuloy lang ako sa pag mamaneho. Di ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang gusto ko lumayo. Di matanggap ng puso ko na yung babaeng mahal ko ay kapatid ng babaeng kinamumuhian ko.

Bakit siya pa? Paulit ulit na tanong sa isip ko

Lumalabo na yung paningin ko. Di ko namalayan na naiiyak na pala ako. Pinabayaan ko lang yung mga luha ko at patuloy pa rin na nag drive.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa...

Nakakasilaw na puting ilaw ang nakita ko. Di ko namalayan na may kasalubong pala akong isa ding kotse.

"BEEEEEEEEEEEP---booooogssh"

Ayun ang mga narinig ko bago magdilim ang paningin ko

Aura...

--------------------------------------------------------------------------------------

GUYS!

Short UD lang po :)

Thank you sa pagbabasa. After 1 year nakapag UD din.

HAHAHA

Sa mga nag papa update. Eto na po :)

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon