Aura's POV
Monday nanaman. Ang pinaka exciting na araw /insert sarcasm here/
Lumipas din pala ang ilang araw na tinuturuan ko si kai. Napunta siya sa bahay at dun ko siya tinuturuan. Di naman siya mahirap turuan, actually matalino siya. Di lang talaga napasok sa klase
Sa mga araw na yun ay naging close na din kami kahit papaano. Di pa rin nawawala ang pagkamalandi niya pero hindi naman na ganun ka grabe. Naalala ko nung tinuruan ko siya mag bake ng cookies dahil maaga kami natapos mag aral.
F L A S H B A C K
"Natapos din! Sige na mauna ka na. Tapos na yung ituturo ko sayo" walang ganang sabi ko kay kai dahil medyo inaantok na din ako. Kahit di siya mahirap turuan. Nakakatamad pa din.
"Mamaya na ko aalis" nakita kong nag pout siya at umupo sa sofa. ano ba to? Lagi na kaya siyang tambay sa bahay namin. Akala niya di ako nakakahalata?
"Oy ikaw--ay!" Nagulat ako ng bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa tabi niya sa sofa. In-on niya yung tv at sakto namang nasa food channel yun.
Cookies. Ayun yung nasa palabas. Bigla akong nag crave at nakita ko din na natakam din bigla si kai.
"Aura" tumingin siya sakin na parang bata at niyugyog yung balikat ko.
"Ano ba yun?" Inis na sagot ko sabay tingin sa kanya. Di ako makapag focus sa mga mahal kong cookies eh.
"Gusto ko nun. Gawa tayo ng cookies" sabi niya na parang bata at tinuro yung nasa tv na chocolate cookies. Dahil nag ccrave na din ako ay pinagbigyan ko na siya.
"Turuan mo na din ako aura" parang bata ang kausap ko ngayon. Ano ba akala nito sakin? Nanay niya?
Tinuruan ko siya kung pano gumawa ng cookies at may mga oras pa na pinag lalaruan niya ang mga ingredients at pinapahid sakin. Agad naman akong naganti kaya ang dumi dumi namin pati na ang kusina.
"Tadaaaaaaaah" nakangiti kong nilabas sa oven ang cookies at pinagsaluhan namin yun.
"Sharap naman nito aura. Salamat" nagsasalita siya habang ngumunguya. Ang dumi niya pa kumain pero napangiti niya ko sa kakulitan niya.
May ganung side pala siya.
E N D OF F L A S H B A C K
Tama na ang day dreaming. Mas lalo lang akong malalate nito eh
Nandito na ko sa school at naglalakad sa hallway na parang zombie.
At syempre...kailangan pa bang sabihin?
LATE NANAMAN AKO. Pwede na akong tawaging reyna ng mga late sa university namin eh. Mag pagawa na kaya ako ng club ng mga late? Tama. Hahaha
Lagot ako kay Mrs. Reyes, lagi pa namang highblood yun
8:30 am na pala, next subject namin 9:00 am ... Kaya naisipan kong sa next subject na lang pumasok.
Pumunta muna ko sa cafeteria at umorder ng kape sa counter. Di kasi ako nakapag kape sa bahay kasi nga nagmamadali na ako, effort pa ako magmadali pagdating ko din naman dito late ako.
Naghanap na ko ng table at umupo na dun. Ang loner ko naman. Di ko alam pero di talaga ako lapitin ng mga tao o kaibigan. Mabait naman ako pero parang ayaw nila ko maging kaibigan. Yung bestfriend ko naman laging nawawala.
"Hay buhay" tinuloy ko na lang ang pag inom ng kape ko para mabuhayan naman ako. Ang lamya ko pa din kasi
Nagsesenti ako nung biglang dumating ang bestfriend kong bakla. lol. Syempre lalaking lalaki to.
BINABASA MO ANG
Let's play a love game (Exo kai FF)
HumorL O V E That is the feeling that he doesn't know he doesn't know how to love but I will prove him wrong I will make him fall inlove but what if I'm the first to fall? Will he catch me or let my heart be broken? Will I just be one of the...