Sehun's POV
Agad akong tumakbo para sundan si aura, kailangan niya ko ngayon. Kailangan ako ng bestfriend ko... ng mahal ko
"Aura!" sigaw ko habang hinahabol siya. Nahihirapan akong makitang sinasaktan ng isang walang kwentang lalake ang bestfriend ko na pinoprotektahan ko mula pag kabata namin.
"Tama na! Lumayo na kayo sakin, sasaktan niyo lang ako" sagot niya habang umiiyak.
Tumakbo lang siya hanggang nakarating kami sa ilalim ng puno. Dun siya umupo at umiyak
"Ang sakit...Akala ko ba mahal niya ko?" rinig kong daing niya. Kinuha ko ang panyo ko at inabot ito sa kanya. Naiyak ang babaeng mahal ko pero wala akong magawa para patahanin siya dahil yung lalaking nagpaiyak lang sa kanya ang makakapag patahan sa kanya.
Ganto na lang ba? Ako lagi ang tagapunas ng luha niya?
"Shhhh. Tama na aura. Wag mong iyakan yung babaerong yun" pagpapatahan ko sa kanya.
"Pero sehun....mahal ko siya" ayun lang ang sinagot niya sakin pero...
Sobrang nagpakirot ito sa puso ko...
"Ako rin naman aura eh, Mahal kita" bigla na lang itong lumabas sa labi ko. Agad namang napatingin sakin si aura
"h-huh?" Yan lang ang sagot niya sakin. kaya mo yan sehun....umamin ka na. Wag ka na maduwag. Ang tagal ko ng tinatago yung damdamin ko para sa kanya
"Ah kasi aura...
mahal na mahal kita
bilang kaibigan" Hindi....Di pa pwede. Masisira lang ang pagkakaibigan namin pag sinabi ko ang tunay na nararamdaman ko
"Ah! Yun naman pala eh. Wag ka mag alala. Mahal din kita bestfriend" nakangiti nang saad niya.
bestfriend
Ayun lang ang tingin niya sayo sehun. wag ka na umasa't magpakatanga. Tama na...
"Oh! Buti naman nakangiti ka na ngayon" masiglang puna ko sa kanya.
"Syempre. Nandito ka na sa tabi ko ang bestfriend ko eh" nakangiting sabi niya pero nakikita ko sa mata niyang nasasaktan pa rin siya
Masakit. Masakit makita ang taong mahal mong nasasaktan dahil sa ibang mahal niya
"Tama. Lagi lang akong nandito sa tabi mo bestfriend" sabi ko habang pinipilit kong ngumiti
"Salamat sehun. Kahit hindi na kita laging nakakasama simula nung dumating si kai nandito ka pa rin at
nagpupunas ng luha ko" Aura....Pano kita matitiis kung mahal na mahal kita.
"Oo naman. Lagi lang akong nandito para sayo aura" Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap
"Malungkot ako ngayon. Pero napapasaya mo pa rin ako" sabi niya habang nakayakap sakin
"Tssss. Pinuntahan pa kita. Nahuli na pala ko" Rinig naming may nagsalita. Si kai yun ah
"K-kai?" naiiyak na sabi ni aura pero tinalikudan lang siya ni kai
ng lalaking mahal niya
Aura's POV
Niyakap ko si sehun para ipakita sa kanyang masaya ko na nasa tabi ko siya ngayon
"Malungkot ako ngayon. Pero napapasaya mo pa rin ako" Totoo yun..sobrang lungkot ko pero napapangiti pa rin niya ko
Nagulat ako ng biglang may nagsalita
"Tssss. Pinuntahan pa kita. Nahuli na pala ko" Kilalang kilala ko ang boses na yan
"K-kai?" napaluha nanaman ako ng nakita ko siya
Pero sobrang sumakit nanaman ang puso ko sa ginawa niya
tumalikod na siya at naglakad papalayo sakin
Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya
"k-kai, mahal na mahal kita. Please" pagmamaka awa ko sa kanya
Di siya kumibo pero tumigil siya at humarap sakin
"Mahal mo ko?
Aura. Itigil na natin to"
Aura. Itigil na natin to
Aura. Itigil na natin to
Aura. Itigil na natin to
Paulit ulit yang mga salitang yan na nagpaguho ng mundo ko
-----------------------------------
What?! Pano na yan :3
Comment and vote po
Dedicated po to kay: LittleMissTamad ~(*0*)~
Hello ate *kaway kaway*
~~> author
BINABASA MO ANG
Let's play a love game (Exo kai FF)
HumorL O V E That is the feeling that he doesn't know he doesn't know how to love but I will prove him wrong I will make him fall inlove but what if I'm the first to fall? Will he catch me or let my heart be broken? Will I just be one of the...