Chapter 10

713 66 17
                                    

Kai's POV

Monday na ngayon pero di pa rin ako maka paniwala na kami na ni aura. Papunta ko sa bahay niya ngayon para sunduin siya

*Beep* *Beep*

Busina ko ng nakarating na ko sa tapat ng bahay nila para ipaalam na nandun na ko

Nakita ko naman na agad lumabas ang babaeng mahal ko at lumapit papunta sa kotse ko. Sumakay siya sa harapan at nagsimula na kong magmaneho

"Good morning baby" masaya kong bati sa kanya

"Good morning din" Nakangiting sagot niya sakin. Hay...mahal ko talaga tong babaeng to

"Ay oo nga pala baby, Iniimbitahan ka nga pala nila mommy sa saturday sa bahay. May dinner tayo, uuwi sila sa friday eh" bigla kong kinabahan sa narinig ko

"Gusto ko makilala ng parents mo?" kinakabahang tanong ko

"Yup, Wag kang kabahan baby. Mabait naman sila mommy eh" sagot naman niya sakin. Isang ngiti niya lang ay nawala na ang kaba ko. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya

"Sige baby. Oh. Nandito na pala tayo" Sabi ko ng makarating na kami sa univeristy.

Aura's POV

"Sige baby. Oh. Nandito na pala tayo" Sabi ni kai sakin nang makarating na kami sa university

Bumaba kaming magkahawak ang kamay kaya automatic na nagbulungan kagad ang mga nakakita samin

"Sila na ni kai?"

"Oo nga eh, magka holding hands na nga sila eh"

"Noooo. Kai my labs" bakla naman nagsabi niyan kaya napatawa ako

"Bitch" bulong ng iba. Kaya agad nawala ang ngiti ko

"Don't listen to them baby" bulong ng lalaking mahal ko

Patuloy lang kami sa paglalakad at patuloy naman sila sa pagbubulungan.

Napatingin ako sa lalaking humarang sa harapan namin ni kai habang naglalakad. Si sehun

"Ang kapal din ng mukha mong syotain ang bestfriend ko habang may girlfriend ka pa!" sigaw niya kay kai at kwinelyuhan niya ito

"A-ano?!" gulat na tanong ni kai sa kanya.

"Sehun. Tama na" sabi ko habang tinatanggal ang pagkahawak nito sa kwelyo ni kai

"Hindi. Niloloko ka lang nitong g*gong to aura!" sigaw ni sehun.

Nagsimula nang magbulungan yung mga tao. Nagawa na kami ng eksena dito

"K-kai, totoo ba ang sinasabi niya?" naluluhang tanong ko. Kasi alam ko namang di magsisinungaling sakin ang bestfriend ko

"H-hindi! Aura, maniwala ka sakin" Binitawan na siya ni sehun. Maglalakad na sana ko papunta kay kai para yakapin siya nang may nagsalita

"Baby kai! I miss you" may babaeng biglang sumulpot at yumakap kay kai. Inaasahang kong kakawala siya sa yakap pero kabaligtaran ang ginawa niya.

Niyakap niya pabalik ang babae. Napahawak ako sa puso ko...Ang sakit

Natauhan naman si kai at kumawala sa yakap. Tch. Sino ba tong babaeng to?

"L-lucy, bakit ka nandito?" takang tanong ni kai na parang wala ako dito

"Why? Don't you miss your girlfriend?" malanding sagot ni linta este lucy

Don't you miss your girlfriend?

Don't you miss your girlfriend?

Don't you miss your girlfriend?

Paulit ulit yan sa utak ko...Niloko lang ako ni kai?

"Awww. Niloko lang pala siya ni kai"

"Laruan lang siya. hahaha"

"assuming kasi masyado eh"

bulungan ng mga tao dito. Di ko na kaya...

Tumakbo na ko palayo

Palayo sa mga taong gusto lang akong saktan

----------------------------------

Short update lang po

salamat sa pagbasa :))

-----> author

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon