Chapter 5

1K 78 15
                                    

Aura's POV

Dirediretso ako ngayon sa hallway at hindi pinapansin yung mga kumag na kanina pa sumusunod sakin. Kanina pa din sila salita ng salita pero dahil bad mood ako ngayon, bahala sila sa buhay nila. Di ko sila papansinin.

"Aura! Lingunin mo naman ako oh" sabi ni sehun

"Oy aura. Tuturuan mo pa ko di ba?" sabi naman ni kai

"Oy sorry na" sabay na sabi nila

Panong di ako maiinis sa kanila eh pati ako nadamay

F L A S H B A C K

Nagkarating na kami sa Guidance office kasama si Ms. Drew

"Take your sits" sabi niya at dumiretso na sa upuan niya

"Kai at Sehun. Ano bang problema niyo? magsasapakan na lang kayo sa school property pa. Okay lang sana kung sa labas eh. Di na namin sakop yun" mataray na sabi niya

"He started it" malamig na sabi ni kai sabay irap kay sehun. Di ko alam kung dapat ba akong matawa nang nakita ko na inirapan din siya ni sehun. Kung wala lang kami sa haral ng dean,  tawa na siguro ako ng tawa.

"Sinaktan niya si aura. Dapat lang sa kanya yun" Napatingin ako sa kamay ko na may pasa na pala. As I said earlier, mabilis ako mag kapasa. Di pa ata alam ni kai yun.

"Mr. kim, totoo ba yun?" tanong ng dean kay kai.

"I didn't mean to hurt her" sagot ni kai na halata namang nagsisisi nang nakita na may pasa na sa braso ko.

"But you hurt her" mabilis na sagot ni ms. drew at tinaasan pa ng kilay si kai.

"The two of you will have a community service for a week" sabi sa kanila ni ms.

"Ms. Lee, I noticed that you also violated a rule in this university" Hala. Lagot. Akala ko witness lang ako.

"Cutting classes is strictly prohibited" Dagdag pa niya. Muntikan na akong mapa face palm sa sinabi niya. ang dami daming gumawa nun,  ako pa ang malas na napansin.

"But miss--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya

"No buts. You will join them in community service but for 3 days only. Dismiss" sabi niya at tinuro na ang pintuan. pahiwatig na umalis na kami

E N D O F F L A S H B A C K

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi sila pinapansin

"Aura" napatigil ako ng sabay nilang hinawakan ang braso ko

"Ano bang problema niyo? nadamay na nga ko kinukulit niyo pa ko" mataray na saad ko sakanila at inirapan sila parehas.

"Sorry na bestfriend" sabi ni sehun

"Sorry na dora ay este aura" dora?! sino pa ba magsasabi nun edi yung playboy.

"Ulul. dora ka diyan" sabi ko at binatukan ko siya

"Awww. amazona ka pala aura" sabi niya at hinimas himas ang ulo niya

teka. anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko at nakita ang oras. 11:50 am

magla lunch na pala. Humarap ako sa kanila at ngumiti *bright idea*

"Dahil pinahamak niyo ko. Ilibre niyo ko ng lunch ngayon" sabi ko sa kanila

"No problem. lika na" sabay na sabi nila. Di man lang nagdalawang isip? Okay na yun, libre. Hahaha

lumakad na kami papunta sa cafeteria pero alam kong mainit pa din ang ulo nila sa isa't isa. Di na lang sila nagkikibuan dahil alam nilang mapag uuntog ko sila pag nag away pa sila.a

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon