Princess Lory POV:
Nandito na kami sa bahay parang ang bilis ng araw ngayon kasi nasa bahay na agad kami.
Ang saya kanina nakakakilig silang dalawa.
Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit at para makapagluto narin ako.
Nagpalit ako ng mahabang t-shirt at jogging pants.
Pagbaba ko ng hagdanan ay nagulat ako sa aking nakikita kaya ang ginawa ko ay kinusot ko ang mga mata ko.
Totoo ba ang nakikita ko na ang isang Campus King na si Carlo Reed ay nagluluto ng dinner namin.
Himala malaking HIMALA.
"Himala ang isang CAMPUS KING ay nagluluto ng dinner??" pang-aasar ko sa kanya.
Tuloy-tuloy parin siya sa pag-luto at hindi ako pinapansin.
Kaya ang ginawa ko nalang ay naupo na lang ako sa upuan nakaharap ako sa kanya mga ilang minuto ay natapos narin siyang magluto kaya tumingin siya sa akin ng masama.
At kumuha siya ng plato para sa sarili niya lang.
"Ayaw mo di wag nagkusa na nga yong tao eh." pabulong na sabi niya na narinig ko naman.
"Sorry na nagugutom na ako e." sabi ko sa kanya.
At alam niyo ba ang ginawa mga readers inisnob lang ang lola niyo.
Kaya ang ginawa ko nalang ay kumuha ako ng plato ko at kutsara at tinidor.
At nagsandok ng sarili kong pagkain at nagsandok ng sabaw.
"What are you doing??" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Kumukuha ng pagkain bakit masama ba??" tanong ko sa kanya.
"Don't answer a question with a question." sarkistatong sabi niya sa akin.
"Bakit masama bang kumain?? Nagugutomna yong tiyan ko." sabi ko sa kanya at natameme nalang siya at bumalik sa pagkain niya at ako sinimulan ko ng kumain.
"A saan pala si Tita??" tanong ko sa kanya.
"Asa states with Dad." sabi niya sa akin at nagtuloy-tuloy sa pagkain.
Kain lang kami ng kain hanggang sa matapos kami at siya naman ay dumiretso na sa sala para manood ng basketball sanay na naman ako na ganyan siya eh.
At ako naman ito naghuhugas ng pinagkainan namin. Syempre IM THE SLAVE remember.
Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Naghilamos ako ng mukha at nahiga sa kama ng pabagsak.
Binuksan ko ang phone ko at inopen ang facebook ko at nagpost ng:
HUGOT HERE HUGOT THERE HUGOT EVERYWHERE ^_^
At pinost ko na wala pang isang minuto ay marami na agad ang nagreact ng 'haha'
Carlo Reed POV:
Nandito ako sa sala nanonoood ng basketball nang biglang tumunog ang notification ko sa fb.
Tinignan ko naman ito at nakita kong nagpost na naman si Princess Lory.
HUGOT HERE HUGOT THERE HUGOT EVERYWHERE ^_^
At nakita ko na ang daming nagreact ng 'haha'
Kaya nagreact nalang din ako ng 'haha' at bumalik sa panonood ng basketball.
Princess Lory POV:
Nagwawattpad ako ngayon sa laptop. Mas sanay kasi ako magtype sa laptop eh.
Naguupdate ako ng story ko hehehe nagagalit na yong mga readers ko eh.
Naka 2000 words narin ako kaya pinublish ko na nakakapagod din magtype mga readers hehe.
Pagkatapos kong magwattpad ay inoff ko na ang laptop ko at natulog na.
------------------------------------------KINAUMAGAHAN----------------------------------------
"GOODMORNING WORLD." sigaw ko habang nag-uunatunat at tumayo na ako at ginawa ang morning rituals ko.
Pagkatapos ay sinuot ko na ang uniform namin.
Oo nga pala ang uniform namin ay parang pang KOREA.
Pagkatapos ay bumaba na ako. Hindi ko susuotin ang glasses ko ngayon.
Carlo Reed POV:
Nagising ako dahil sumigaw si Princess Lory.
Kaya bumangon ako at ginawa ang morning rituals ko.
Pagkatapos ay nagbihis na ako ng school uniform namin.
Sinuot ko ang cap ko at bumaba na.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd meets Mr. Yabang (Slave)
RomanceOne day si Ms. Nerd ay merong tahimik na buhay ng pumasok siya sa Charm Academy meron sa kanyang mga nambubully na grupo ng mga babae ng tinulungan siya ni Mr. Yabang at kinausap siya nito sa restaurant at may contrata sa pagiging slave ni Mr. Yaban...