MNMMY(Ms.Nerd meets Mr.Yabang) Wedding Day

1.4K 31 2
                                    

  Princess Lory POV:

"Kailangan kayong magpakasal anak." Mom said to me.

Nasa bahay na pala ako sa totoong bahay namin ni Mom.

Dahil pinauwi muna ako ng Mom ni Carlo Reed para pag-isipan ang arragemarrige namin.

"Mom I said I don't want to marry him. I don't love Him." Sinabi ko yan kahit hindi totoo.

Dahil mahal ko si Carlo Reed.

"Anak alam kong gusto mu si Carlo Reed ayaw mu lang sabihin sa Mom mu eh." Sabi ni Mom.

Nagulat naman ako pero hindi ko pinahalata.

"That's not true Mom." Pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi ako mamahalin ni Carlo Reed.

Iniisip ko kung tatanggapin ko yun baka saktan niya lang ako.

Tapos magpapakamartyr ako dahil nga mahal ko siya.

"Sige Mom papayag na ako dahil Mahal ko siya." Sabi ko kay Mom.

Niyakap naman ako ni Mom.

"Thanks anak siya talaga ang bagay sayo dahil napabago ka niya hindi ka na nagsusuot ng malaking salamin at napabago mu rin siya hindi na siya masyadong nagmamayabang." Sabi naman ni Mom at nginitian ako.

FAST FORWARD

"Carlo Reed kailangan samahan mu siya mamili ng isusuot niya na wedding dress sa kasal niyo bukas." Sabi ng Mom ni Carlo Reed.

"But hindi ako magaling sa pagpili ng mga dress dress na yan." Sabi ni Carlo Reed kaya napatingin nalang ako sa sahig.

Bakit pa kasi ako pumayag?

"Basta samahan mu siya." Sabi ng Mom niya.

"Ok fine." Sabi naman niya.

Pumunta na kami sa malapit na wedding dress shop.

Naupo siya sa sofa doon at ako kasama ang sales lady para mamili ng magandang wedding gown.

"This one Mam." Sabi nung saleslady sa akin kinuha ko naman yon at sinukat.

Pagkatapos kong suotin ay lumabas ako.

At tinignan naman ako ni Carlo Reed pero hindi siya tumango umiling lang.

Hayst ang tipid.

Mapapanis yang laway mu boy.

Nagtry ako ng nagtry ng mga wedding gown and dress pero puro iling lang ang sagot niya.

"Here try this." Sabi ni Carlo Reed.

Kinuha ko naman yong inaabot niya.

At sinuot iyon pagkatapos kong soutin ulit ay lumabas na ako ng dressing room.

"What do you think?" Tanong ko sa kanya.

"That's good. Miss ito na kukuhanin namin." Sabi ni Carlo Reed.

Ang napili ni Carlo Reed ay isang simpleng dress na bulaklakin maganda siya tapos yong belo niya ay flower crown ang nakalagay sa itaas.

At ang sapatos ko ay flat shoes.

Gets niyo ba?

Nasa akin na ang wadding dress.

Nung nakita kong hindi kami papunta sa bahay ay tinanong ko siya.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito pauwi ah?" Tanong ko sa kanya.

"Just chill." Sabi niya sa akin.

Ang iniisip kong gagawin niya sa akin ay ibabaon niya ako sa lupa para hindi niya na ako pakasalan.

Or papatayin niya ako tapos itatapon sa ilog.

"Ahhhhhh tulong!" Sigaw ko sa loob ng kotse.

"Tumahimik ka nga diyan." Sabi sa akin ni Carlo Reed.

"Bakit ba natatakot na ako sayo! (At kinuwento ko sa kanya yong naisip ko)" sabi ko.

"Hahahaha hindi ko gagawin yan dahil mahal kita." Sabi niya sa akin pero hindi ko na narinig hanggang sa dahil lang.

"Ha?!" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala tumahimik ka nalang sabi ko." Sabi niya sa akin.

Tumahimik nalang ako.

Huminto kami sa tapat ng parang maze.

At iniwan niyo ako tumakbo agad siya sa maze.

Hala uwi nalang kaya ako.

Eh paano yan hindi ako marunong magdrive?

Arrgggghhh sakit sa ulo.

"Sundan ko nalang siya." Sabi ko.

Carlo Reed POV:

Plano ko talagang dalhin siya dito sa maze hindi naman siya mawawala eh.

Dahil may surprise ako.

"Andyan na siya." Sabi ko.

Lahat naman sila nag-ayos na.

Tumayo na ako sa stage.

Para sa aking pagkanta.

Hahaha hindi ako sintunado ah maganda kaya boses ko.

Princess Lory POV:

Hala paano na ito?

Pagtapak ko sa unang unang ano ng maze ay nagulat ako biglang bumukas ang ilaw at may taong nag-abot sa akin ng rosas.

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya.

"Sundan niyo lang po ang rosas sa sahig." Sabi niya.

Dumiretso na ako at bawat pagtapak ng paa ko ay umiilaw ang paligid.

At may taong nag-aabot sa akin ng rosas pagtinatanong ko ay palaging sagot nila ay 'Sundan niyo lang po ang rosas sa sahig.' Naiinis ako sa mga sagot nila.

Hayst kung kayang-kaya kulang mag-umuwi mag-isa eh.

Hay naku!

Nakarating na ako sa dulo wala ng mga rosas walang mga tao.

Tinapak ko ng tinapak ang paa ko para umilaw ang paligid pero no effect.

"Mahal ko." Salita na nanggagaling sa isang tao.

Si Carlo Reed pero papaano mangyayari iyon?

"Mahal ko tumingin ka sa unahan." Kahit alam kong hindi ako yong kinakausap ay tumingin nalang ako sa unahan.

Biglang nagliwanag ang paligid.

Nasa harapan ko ang isang mini stage at nakatayo doon si Carlo Reed na may hawak na mic.

Ako ba yong kausap niya?

Tumingin ako sa likod ko pero wala nung napatingin ako sa paligid ay nakita ko ang mga kaclassmate namin sa Academy.

Andito rin ang family namin.

So plano talaga nila itoh.

Duya hindi ako sinali.

"Sisimulan ko na ang aking kanta." Sabi ni Carlo Reed.

"Para sa akin, ikaw noon ay isang kung sinuman lamang

At ngayon ikaw na ang aking mundo

Dahil sa'yo nagawa ko ang bagay na noo'y hindi ko nais gawin

Iyon ay ang umibig muli ng tunay

Nakakatawa, akala ko ang pag-ibig ay imposible na para sa akin

Pero salamat dumating ka, salamat at ngayon alam kong mayroon na akong papahalagahan

Medyo naninibago pa ako kaya...........

Pasensya na

Pasensya na kung nasabihan kita ng mga masasakit na salita

Pangako ko iingatan kita

Sana malaman mong

Mahal kita......

Mahal kita, patawarin mu ako gusto pa kitang makasama

Mahal kita"

Pagkanta niya.

Napaiyak nalang ako bigla dahil sa hindi ko alam.

Dahil siguro nalaman kong mahal niya ako or nagaashume lang ako dahil wala siyang sinabi na pangalan.

"Ikaw." Sabi niya at tinuro ako at sakin tumapat ang ilaw.

"Oo ikaw, ikaw ang taong mahal ko mahal na mahal ko." Sabi ni Carlo Reed habang papalapit ng papalapit sa akin.

"Mahal ko pwede ba kitang maging gf?" Tanong niya sa akin.

Nakalapit na pala siya.

At bigla siyang lumuhod.

At nilabas ang isang lalagyanan na alam ko na kung anong laman non.

"Ano?" Tanong niya sa akin.

Nakatulala parin ako.

Dahil baka panaginip lang ito.

"Sampalin mu ako." Utos ko sa kanya.

"Ha? Bakit naman?" Tanong niya sa akin.

"Basta gawin mu na kung hindi. Hindi ko sasagutin yong tanong mu." Pagbanta ko sa kanya.

"Oo na." Sabi niya at sinampal ako pero hindi malakas.

Oo totoo nga ito.

"Ano na?" Tanong niya sa akin.

"Oo nayan!" Sigawan ng mga tao dito.

"Yes." Bulong kong sagot na kami lang ang nakakarinig.

"Ano?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko na onti lang ang nakakarinig.

"Ano ulit? Isigaw mu." Utos niya sa akin.

"YES sabi ko YES its a YES!" Sigaw ko sa tuwa.

Sinuot niya na sa akin yong singsing ang ganda.

"Wooooohhhhh!" Sigawan ng lahat.

"Itong babaeng si Princess Lory Marifosque ay ang akin gf na magiging asawa ko na bukas!" Sigaw niya.

Kaya lahat ng tao naghiyawan.

"Kain na tayo." Sabi ni Carlo Reed.

"Kainan na!" Sigaw naman ni Mom.

Kumain na kami.

Bawat table ay pabilog katabi ko si Carlo Reed.

Ng bigla akong nahimatay.

Carlo Reed POV:


Nagulat ako ng mahimatay si Princess Lory.

"Princess Lory." Sabi ko habang tinatapik tapik siya.

"Ok lang yan iho ganyan talaga yan pag-inaantok na." Sabi ng Mom niya.

"Ahh okay po." Pag-sangayon ko.

FAST FORWARD

Nandito na kami ni Princess Lory sa bahay KO.

Dito ko muna siya dinala dahil nagpahinga lang siya sa kanila kahapon.

Dinala ko na siya sa kwarto niya.

Pinatay ko na ang ilaw at bago ko isara ang pintuan ay sinulyapan ko muna siya.

Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto at natulog para sa araw bukas.

Princess Lory POV:

Nagising ako nasa kwarto ako.

"Sabi ko na nga ba eh panaginip lang yon. Ang galing talaga ng panaginip ko sana totoo nalang." Sabi ko.

At pumunta na ako sa banyo para magtoothbrush.

Excited na ako bukas ikakasal na kami.

Nung nilalagay ko na yong toothpaste sa toothbrush ko ay nagulat ako.

Nakita ko sa daliri ko ang isang singsing.

Ang singsing na nilagay ni Carlo Reed sa kamay ko sa panaginip.

Paano to napunta dito?

Sa panaginip ko lang ito eh.

Hindi ko na muna inintindi ang singsing.

Pagkatapos kong magtoothbrush.

Ay pumunta ako sa kwarto ni Carlo Reed.

tok tok tok

Katok ko.

Maya-maya binuksan ni Carlo Reed.

Ang pintuan habang kinukusot ang mata.

Ang cute niya talaga.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

Na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Tinulak ko siya papasok sa kwarto niya.

At nilock ko ang pintuan niya.

"Hala anong gagawin mu? Hindi pa nga tayo kasal eh yan na agad ang gusto mu." Sabi niya habang may ngisi sa labi.

At nainis naman ako sa iniisip niya.

"CHE!" Sigaw ko.

"Bakit may singsing ako sa daliri?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kang naaalala?" Tanong niya sa akin.

"Wala." Sagot ko.

"Nagpropose ako sayo kani-kanina lang tapos nahimatay ka kaya dinala kita sa kwarto mu." Sabi niya sa akin.

"Nagpropose?" Tanong ko.

"Oo and sabi mu pa nga e'YES sabi ko YES its a YES!'." Sabi niya.

At yong line na iyon yon yong line ko na sinabi ko sa kaniya.

"Totoo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nahimatay ka nga eh tapos sabi ng Mom mu wala lang daw yon dahil nakatulog ka lang daw." Sabi naman niya.

"Ahhhh." Kinikilig na bulong ko.

"O sige mauna na ako." Sabi ko sa kanya.

At pipihitin na ang door knob.

Ng hilahin niya ang braso ko at napaharap ako sa kanya.

Kaya sa hindi sinasadya naglapat ang mga labi namin.

Matagal.

Ng marealize ko ang nangyari ay tinulak ko na siya.

At lalabas na ng marinig ko ang sinabi niya.

"Bye I love you!" Sigaw niya.

"I love you too." Bulong ko.

Hahahaha I love this day pati bukas.

Natulog na ako dahil sa excite bukas.

Oo nga pala GARDEN WEDDING ang gagawin dahil mahilig ako sa flowers.

At doon narin kami kakain.

Pero hindi dito sa Garden nila Carlo Reed gagawin.

Bye readers tulog na muna is me para sa bukas.

Ahihihi kaexcited.

ZZZZZZZZZZZZ  

Ms. Nerd meets Mr. Yabang (Slave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon