Chapter 2

493 8 0
                                    

"Ahh, magandang umaga po nandito po ba si Dyan Segunda?"

Natigilan ako at tinignan ko sa pintuan kung sino ang naghahanap sa akin.

"Dyan Segunda, may naghahanap sayo"

Nabunutan ako ng tinik ng pinakita niya saakin ang envelope ko. Pumunta naman ako kaagad sa pintuan at kinuha yung envelope.

"Salamat talaga steph" tumango lang siya saakin, nginitaan ko rin siya. Kinuha ko sa kanya ang envelope at pinasa ko kaagad ang aking takdang aralin.

"Diba estudyante siya galing sa school na nag vivisit ngayon dito" Narinig kong pabebeng tanong ng mga babae kong kaklase na parang nakikilig.

"Hay buhay" sabi ko nalang sa sarili ko habang pabalik sa aking upuan. Tinignan ko naman kung nandoon pa rin siya sa pintuan. "Salamat talaga" sabi ko nalang sa sarili ko.

Nagsimula na kami ng aming pagsusulit.

***

Natapos na rin sa wakas ang klase namin ngayong umaga. Nagmadali akong pumunta sa ilalim ng puno ng acacia, maraming estudyante dito nagpapalipas ng oras o di kaya kumakain at nag aaral.

Nang matanggap ko ang text mula kay stephen na doon kami magkikita ay kaagad akong pumunta. Magpapasalamat pa ako sa kanya.

Kasalukuyan akong umuupo sa isa sa mga upuan dito. Inilabas ko yung isang notebook ko para gumuhit ng isang larawan. Gawain ko na talaga na mag dadrawing habang naghihintay, mapa tanawin o tao man yan.

"Ang tagal naman nun" bagot na kausap ko sa sarili ko.

Nagugutom na po ako, parang awa mo na steph.

Kusang gumalaw yung mga kamay ko at gumuhit ng isang mukha, pagkatapos ay mga matang nakakatunaw na parang kung tinitignan mo ay parang tinitigan ka.

Iguguhit ko na ang isang mata ng---"Boo"

"Shems steph, nanggugulat ka ba!?" Inis na tanong ko, kaagad ko namang tiniklop yung notebook ko.

"Uh ano sa tingin mo?" I just roll my eyes, anong klaseng sagot yun?

"Ito naman hindi na mabiro, pakita nga yung drawing mo yan." Pilit nya namang inabot yung notebook ko.

"Heh, bahala ka diyan" linagay ko na yung notebook ko sa bag ko, mahirap na kung magtanong pa si steph at tanungin kung sino yun, hindi ko naman masagot dahil hindi ko naman talaga alam. Ang gulo noh?

"Tsk, cge na nga. Bakit ang aga mo naman Yan" ginulo niya ang aking buhok ng nakaupo na siya sa upuan.

"Ano ka ba, bakit mo ginulo yung buhok ko" masama ko siyang tinignan habang inaayos lang naman yung buhok kong ginulo niya.

"Hehe, wala lang. Ito pala oh, bumili nalang ako ng pagkain sa canteen bago ako pumunta dito."

"Nagaasenso na ang kaibigan ko ahh." Ngising sabi ko sa kanya.

"Sa iyo lang to Yan." Bulong na sabi niya

"Ano yun goy?" Tanong ko kahit narinig ko naman siya. Nangunot naman ang noo niya.

Hanggang dito nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon