Ayy, ano ba yan.
Kinuha ko naman yung bagay na parang kinikiliti yung tenga ko.
Pinikit ko parin yung mga mata ko. Hindi iniisip kung sino yun, baka pusa lang yun dito sa bahay at napagtripan ako ng buntot niya.
Ilang minuto na ang nakalipas ng hindi parin humihinto.
Aishh, napabangon nalang ako ng wala sa oras. Habang nakapikit yung mga mata ko ay "tsk, bruno wag nga ng butot mo pagtripan yung mukha ko" naiinis na sabi ko.
Natapos naman yung pang-iinis ng pusa ay may narinig akong tumawa.
Tumawa? Pusa. Tawa. Lalaki.
Eh babae yung pusa naming si bruno.
Napabalikwas nalang ako ng may naalala ako.
"Ahhhh" sigaw ko sa taong nasa harapan ko na parang malalagutan na ng hininga dahil sa kakatawa. Ang pula pula na ng mukha niya.
"Oy, sino ka?!" Naghehesterical na tanong ko, ilang minutong lumipas ay naalala ko siya. Siya pala yung inalagaan ko kanina.
"Oh, bakit huminto ka?" Pagpigil niya ng tawa.
"Ok ka na ba?" Nag aalalang tanong ko, eh kanina parang inaapoy na siya ng lagnat.
"Ahh oo salamat pala sa pag aalaga sakin. I owe you very much"
"Ano ka ba, dapat lang yun no. Hindi naman kita maiiwan sa labas na ang taas taas ng lagnat. Sigurado kang ok ka na?"
"Oo, salamat talaga."
Awkward, awkward silence.
Naisipan ko na ring tumayo, tinignan ko kung umuulan pa rin sa labas. Kaunti nalang pala, tinanaw ko lang yung daanan kung bumabaha pa at laking salamat ko na hindi naman pala. Nahagip ng mata ko yung isang maganda at mamahaling sasakyan sa di kalayuan. Woah, baka sa kanya yun. Hinarap ko naman siya.
"Gusto mo ba ng tubig? Uminom ka nalang pala ng gamot." Dali dali naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig at gamot. Binigay ko naman yun sa kanya at tinignan kung mataas pa ba yung temeratura niya, buti nalang hindi na siya gaano kainit.
Para naman siyang natigilan sa ginawa ko, at napagtanto ko nalang yung ginawa ko. Kaagad ko namang kinuha yung kamay ko sa kanyang leeg.
"Ay hehehe pasensya na po, tinignan ko lang yung temperatura mo."
"Ok lang, by the way I'm Angelo and you are?"
"Dyan po" kinuha ko naman kaagad yung kamay niya at nag handshake. Kanina pa pala kami nag uusap pero hindi manlang namin alam yung pangalan namin sa isa't isa.
"Ok, Dyan. Thank you pala sa pag aalaga, but I have to go now. May dapat pa akong gagawin."
"Ok po" nag bow naman ako ng kaunti at sinamahan na siya papuntang pintuan. Tinanong ko siya ulit kung ok na ba talaga siya at sinasabi niya namang ok siya.
Marami pa sana akong tanong, kung paano ba siya napadpad dito at kung anong ginagawa niya. Pero it's none of my business naman eh, kaya hindi ko nalang tinanong.
Bibigyan niya sana ako ng pera dahil sa pagtulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nainis ako, mukha ba akong pera? Tsk, ang pagtulong sa kapwa ay dapat walang kapalit. Yan yung tinatak ni inay sa aking munting isipan noong bata pa lamang ako.
Tumila na ang ulan na kanina eh parang gigibain na yung mga bubong dito saamin, mabuti nalang. Ginawa ko na yung mga dapat kong gawain, at pupunta pa ako sa aking pinagtatrabahuhan. Part time ko yun at pagkatapos ng klase ay pumupunta ako sa coffee shop para magtrabaho. Tuwing Wednesday at Thursday lang kasi yung wala akong part time job dahil gabi na yung uwian namin pag ganoong araw.
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Teen Fiction"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...