Chapter 4

291 3 0
                                    

Anong problema nun?

Hindi na naka reply. Tsk, bahala siya sa buhay niya.

Pauwi na ako ngayon kina auntie. Pagkatapak ko pa lang sa bahay eh may nagsisigawan na.

"Ano ba yan Anton, ilang araw kang nawala sa trabaho pagkatapos wala ka manlang dalang pera?!" Narinig kong sigaw ni auntie sa kanyang asawa. Nakikita ko naman ang mga pinsan kong umiiyak sa tabi.

Nagmadali akong pumunta sa aking mga pinsan at balak ko sanang pumunta kami sa kwarto ko.

Naawa ako sa kanila, hindi naman ganun kayaman sina auntie at yung asawa niya naman ang nagpapalala ng kahirapan dahil sa pagkakaroon ng bisyo.

"Ano akala mo sakin? Nagdudumi ng pera? Ikaw kaya yung magtrabaho"

"Palibhasa kasi, ginagamit mo yan sa mga babae mo!"

Hindi ko na kinakaya ang alitan ng mag-asawa. Kaagad kong dinala sa aking kwarto ang mga pinsan ko.

Patuloy parin sila sa pagsigawan kaya tinakpan ko kaagad ang tenga ng mga pinsan ko.

"Tara sa itaas, huwag na kayong umiyak Lyn at Larry" hindi parin sila tumitigil sa paghikbi habang paakyat kami.

Mabuti nalang at hindi kami napansin nina auntie at tito pero yun nga lang patuloy parin sila sa pagbato ng masasakit na salita.

Hindi ba nila alam na may mga batang nakikinig sa kanilang usapan?

Pagtungtong palang namin sa kwarto ko ay nagsimula nang umiyak ang aking mga pinsan. Hinayaan ko lang sila at kusa naman nilang sinabi kung ano ang naging ugat ng alitan ng mag-asawa.

Nakatulog ang mga pinsan ko sa kaiiyak siguro na din sa sakit na kanilang dinadamdam.

Nagdesisyon akong bumaba muna para malaman kung nag aalitan pa rin sila. Nagulat ako ng may mga gamit na nagkalat sa sahig at may narinig akong hikbi. Tinuloy ko ang paglakad hanggang sa makita ko si Auntie na may pasa sa braso at umiiyak, naawa ako. Hindi ko na napigilan na puntahan si Auntie at niyakap ng mahigpit, nagulat pa ako ng ginantihan niya rin ang yakap ko. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa aking balikat, wala na akong pake kung mabasa yung damit ko basta maging magaan lang yung loob ni Auntie.

"Auntie, ayos lang po ba kayo? gusto nyo na po bang magpahinga?" nag-aalalang tanong ko. Hindi ako sinagot ni Auntie at pumunta nalang siya kaagad sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako, bakit ba kasi may mga taong sinasaktan yung mga taong nagmamahal sa kanila ng lubos, hindi ba pwedeng pahalagahan nalang nila ito at mahalin din.

Naglinis lang ako ng bahay, maraming nakakalat na mga gamit. Tinignan ko na ang orasan, hay malapit ng mag 12 am. Malapit na pala yung kaarawan ko, ilang minuto nalang.

Napagpasyahan ko na ring matulog, dahil yung mga pamangkin ko ang nasa kama ko, sa lapag lang muna ako. Balewala lang naman sakin kung sasakit yung likod ko, yung nararamdaman nila ngayon walang katumbas sa pagsakit ng katawan ko.

Bago ko pinikit yung mga mata ko, binati ko muna yung sarili ko.

Happy Birthday Dyan

***

Himala, walang sigaw na nagpapasampal sakin na hindi ako nagpakaprinsesa. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Nag-inat muna ako, Aray. Ang sakit ng katawan ko.

Iginala ko naman yung mata ko at nandito pa rin sina Lyn at Larry.

"Lyn, Larry gumising na kayo. May pasok pa kayo diba" Kinusot naman nila yung kanilang mga mata at makikita pa rin sa kanilang mukha na umiyak sila kagabi.

Hanggang dito nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon