Chapter 5

271 6 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata. Nakakasilaw, nasan ako? Ang huli kong natandaan ay aalis na sana ako nun pagkatapos kong humingi ng tawad sa matandang lalaki na nabangga ko.

"Hi miss, ok na po ba ang pakiramdam mo?" linibot ko muna ang aking paningin at napagtanto ko nalang na nasa ospital ako.

"Bakit po ako nandito? Sina Larry at Lyn? Si auntie" hindi ko na uli napigilan na tumulo ang mga luha ko.

"Ahh miss, nahimatay po kayo. Dala po ng pagod at gutom. magpahinga po muna kayo at ito po pala ang pagkain"

"Sino po nagdala sakin dito?"

"Yung may ari po ng ospital na'to"

"Haaa? bakit niya naman ako dinala dito?at ilang oras na po ba akong tulog?" nagtatakang tanong ko

"Bigla ka nalang po kasi nahimatay habang nag-uusap kayo at basta sinabihan niya nalang po ako na bantayan ka. mga 2 at kalahating oras po kayong walang malay" Tumango nalamang ako, bababa na sana ako ng hospital bed ng hinarang niya ang kamay niya. Tinignan ko naman siya ng nagtataka.

"Ang bilin po kasi ni sir ay pakainin ka po muna. Nahimatay ka po kasi dahil walang resistensya yung katawan nyo." Sinabihan ko nalang na kailangan kong puntahan yung mga pinsan ko at pinadala niya nalang sakin yung pagkain kahit nag-aalinlangan.

"Salamat po Ms.Nurse" nginitian niya naman ako at tumungo na ko palabas ng silid na yun.

Dinalian ko na yung pagpunta ko sa mga pinsan ko, ang sabi ko lang naman sa kanila ay bibili ako ng tubig hindi ko akalain na hihimatayin ako.

***

Ilang araw na ang nakalipas ay ngayon na ang araw, ang araw kung saan namin ihahatid si auntie sa huling hantungan niya. May mga katanungan saking isip kung paano nabayadan ang mga gastusin ni auntie sa ospital, nagpapasalamat na lamang ako sa mabuting taong gumawa nito.

May mga matang lumuluha, mga salitang nakakawasak, mga damdaming nagdadalamhati ang pumaibabaw. Mga kaibigan at pamilya lamang ang dumalo sa libing ni Auntie, ako lang ang nakapunta na pamilya ni auntie sa side niya dahil narin sa layo nito kung saan ang iba naming nalalayo na pamilya nakatira. Pero ang pinagtataka kong lubos ay kung bakit hindi manlang magawa ng kanyang asawa na makadalo.

"Inaayyy! inayy" Malungkot na sigaw ng aking mga pinsan, niyakap naman sila ng kanilang mga lolo at lola sa kanilang father side.

"Mga anak, tahan na. Huwag na kayong umiyak" pagpapatahan ng kanilang lola.

One of the most heartbroken scene, masakit sa kanila ang pagkawala ng kanilang ina lalo na at hindi pa ito ginagawadan ng hustisya. Patuloy pa rin ang mga pulis humahanap ng ebidensya at ang kriminal sa gumawa nito kay auntie, pero hindi ko maisikmura ang larawan na nagpapakita saaking utak kung sino ang maaarig gumawa nito---si tito Anton.

Kasalukuyan kami ngayon nagbibigay ng mensahe tungkol kay auntie, at hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha sa bawat hikbing aking naririnig at sa mga salitang binibitawan ng nagdadalamhati at higit sa lahat ang mga pagkakataon at mga alaala na aming pinapahalagahan.

"Si auntie, masasabi kong isa siyang mabuting anak, kapatid at ina. Naging sandalan nila ang isa't isa ni inay ng sila nalang ang natitira na magkadugo na malapit sa isa't isa. Hindi ko maikaila na kahit naging malabo na ang aming pagsasamahan ni auntie pagkatapos din pumanaw ni Inay ay nagpapasalamat pa rin ako dahil tinanggap niya ako, pinakain, pina-aral. Salamat sa lahat Auntie, mahal kita at hanggang sa muli." Pinunasan ko nalang ang aking mga luha, sariwa pa sa'kin ang nangyari ilang buwan ang nakalipas.

Naglahad na rin ng mensahe ang ibang dumalo pero ang mga katagang iniwan ni Larry ang tumatak sa aking isip.

"Inay, gagawin ko lahat ng aking makakaya, mag-aaral ako ng mabuti at ipaglalaban ko ang hustiya sa pagkamatay mo. Gabayan mo po ako at gagawin ko ang lahat para hanapin ang walang pusong taong gumawa nito sa'yo"

***

Umuwi na rin kami sa bahay ni Auntie at kasalukuyan na nag-iimpake ang aking mga pamangkin ng kanilang mga damit. Hindi ko mapigilang lumuha, maiiwan na naman ako.

Flashback

Nandito kami ng ina ni tito Anton sa labas ng bahay ni Auntie, nagpapahangin. Tinawag niya ako pag karating palang namin sa bahay na mag-uusap daw kami.

"Iha, Dyan nagpapasalamat ako dahil hindi mo iniwan ang aking mga apo"

"Wala pong anuman, hindi ko po sila iiwan dahil naransan ko narin po ang naranasan nila. Basag pa ang kanilang mga puso sa ngayon, gusto ko po sanang gabayan natin silang humilom ito at maging matatag sila sa susunod pang mga pagsubok na dadating sa buhay nila." tumango ang ina ni tito Anton at nagpatuloy sa pag salita.

"Iha, napagdesisyunan ng aking asawa na dadalhin sa America ang aming mga apo at doon na maninirahan." Para naman ako nabuhusan ng malamig na tubig, may tumakas na luha sa aking mga mata na akin naman pinahiran.

"Po? bakit po" nahihirapang tanong ko.

"Iha, iniisip namin ang makakabuti sa kanila. Wala namang mag-aalaga sa kanila kapag dito sila maninirahan, at doon na sila magtatapos ng kanilang pag-aaral. Hindi ka na mag alala sa may kagagawan nito sa Auntie mo, pinapahanap na namin sa mga imbistigador at mga pulis kung sino ang gumawa nun sa kanya."

"Rinerespeto ko po ang desisyon nyo. Ang hinihiling ko lang po sa inyo ay alagaan at mahalin po sana nyo sila ng buong puso, mabuti po silang mga anak." Tumango lang ang matanda at napagpasyahan nalang namin na pumasok.

-End of flashback-

"Paalam, Lyn at Larry. Mamimiss kayo ni ate." Niyakap ko naman sila at hinalikan ang ibabaw ng kanilang ulo.

"Ate salamat po sa lahat, salamat po dahil nandiyan ka palagi na pagaanin ang loob namin." nginitian ko na lamang sila.

"Mga apo, kailangan na nating umalis baka iwanan tayo ng eroplano"

"Sige na Lyn at Larry. Mag-ingat kayo ha, pray lang palagi. Mahal ko kayo." isang huling yakap na galing sa kanila na alam kong mangyayari uli sa takdang panahon. Kumaway na ako sa kanila sa papalayong sasakyan kung saan ang huling mga pamilya na natitira sa'kin. May pamilya pa kami pero sa malayo na silang lugar at minsan lamang kami nagtatagpo.

Hayyy, mag-isa na naman ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula neto. Kailangan kong buhayin ang aking sarili, mahirap man pero dapat kong gawin. Wala ng may magpapakain at magpapaaral sakin, kailangan kong kumita ng pera para makauwi narin sa bahay kung saan ako lumaki.

Napagpasyahan ko nang matulog, may pasok pa kami bukas.

5 buwan na lamang, kailangan kong matapos ang pagiging graduating student ko, para sa maynila na ako magkokolehiyo.

Inay, gabayan nyo po ako. This will be another chapter of my life lalong lalo nang ako nalang ang bubuhay sa aking sarili.

***

To be continued...

Hanggang dito nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon