Chapter 1

771 11 0
                                    

"Anak, nandito na si mama, huwag ng umiyak. Hindi kita iiwa--"

"Dyan! Gumising kana hindi ka prinsesa sa pamamahay ko. Tandaan mong nanirahan ka lamang dito" napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa sigaw ng tiyahin ko.

"Bababa na po. Pasensya na po auntie" sagot ko dito.

Hindi ko namalayan na may tumulo na namang luha sa aking pisngi. Hanggang ngayon napapanagipan ko parin si mama. Isang buwan na ang nakalipas ng nawala siya sa amin. Nawala siya sa akin. Masakit isipin na ang taong masasandalan mo ay biglang mawawala.

Pinunasan ko na lamang ang patak ng luhang tumulo sa aking pisngi. Tinignan ko na kung anong oras na at hindi na ako nagulat ng alaskwatro palang ng umaga ay ginising na ako ng aking tiyahin.

Mga tatlong oras lang siguro yung tinulog ko. Napabuntong hininga nalang ako, marami akong tinapos kagabi at isa pa tumulong pa ako sa karinderia ni auntie.

"Bumaba ka na dito Dyan kung hindi mo gusto ako pa ang magdadala sayo dito sa baba!"

"Nandyan na po auntie"

Bumaba na ako galing sa kwarto at habang naglalakad ako ay itinali ko ang aking buhok na nakapusod.

"Pasensya na po auntie" pagpapaumanhin ko sa tiyahin ko ng makababa na ko.

"Hay nako Dyan. Huwag mong kalimutan na naninirahan ka lamang dito at wala kang karapatan na magpakaprinsesa dito. Oh sige na, kuhanin mo nga yung mga binili ko para makapagsimula na ako sa aking pagluluto." Yumuko na lamang ako sa sinabi ni auntie pero hindi ko maiwasan na maramdaman na parang may tinusok sa aking puso. Parang hindi niya ako kadugo kung pagsabihan niya ko. Pinahid ko kaagad ang takas na luha sa aking mata, sinunod ko na ang kanyang utos saakin.

***
Naglalakad na ako papuntang paaralan na parang zombie, sa bagay tatlong oras lang ang tulog ko at isa pa may tatlong pagsusulit pa kami ngayong araw.

Hay, ang saya nang buhay

"Good luck nalang sa akin mamaya." Naputol ang pag-uusap ko sa aking sarili ng may nakabangga akong matandang babae.

" Pasensya po nay. Pasensya po talaga. Tutulungan ko po kayo" wala ako tigil sa pagpapaumanhin habang kinukuha ang mga gamit ng matanda.

"Salamat iha"

"Pasensya na po talaga" umiling ang matanda na para ipahiwatig na tama na ang pagpapaumanhin. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

"Iha, dadating ang araw na magiging masaya ka rin, piliin mo kung ano ang tama. Huwang ng malungkot, hindi ka pababayaan ng diyos at mga taong nagmamahal sa iyo"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng matanda at hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ito palayo saakin. Wala naman akong lakas para tawagin siya ulit kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papuntang paaralan.

Malapit na ako sa gate ng paaralan ng may tumawag saakin.

"Dyaaann!" Nagtingin tingin ako sa paligid kung saan galing yun. Parang pamilyar yung boses, mga isang taon ko rin yun hindi narinig. Nang makita ko na kung saan nanggaling yun ay kumaway yung tumawag saakin at nagmadali akong tumakbo papunta sa kanya.

Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap at naramdaman ko rin na ginantihan niya rin ito.

"Oh, kamusta ka na Yan?"

"Namiss kitang unggoy ka"

Bumitiw siya sa pagyakap sakin at matalim niya akong tinitigan.

"Hoy, saan nanggaling ang unggoy na yan? Sa gwapo kong ito? Unggoy? Mag isip ka nga." Pinisil ko naman yung ilong niya na lalong nagpakunot ng kanyang noo, nginisian ko lamang siya.

"Hayy nako steph. Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya. Bakit kaya siya lumipat, at isa pa tumatanggap pa pala ang paaralan namin dito eh sa limang buwan nalang ay matatapos narin ang school year.

"Baliw ka rin eh no. Nakalagay kaya sa malaking tarpaulin sa tapat ng gate nyo na dadalaw ang school namin sa school n-" hindi na natapos pa ni Stephen yung sasabihin niya nang mag ring yung bell.

"Mamaya nalang tayo mag kwentuhan. May test pa kami ngayon. Byee!" Hindi ko na masyado narinig yung sinabi niya. Nagmamadali na akong umakyat sa third floor ng building namin.

Bakit kasi third floor pa yung first subject namin, nakakapagod naman oh.

Hinihingal ako ng makapasok na ako sa loob ng classroom namin. Pinahid ko kaagad ang pawis sa aking mukha.

"Nagmarathon ka pa ba Dyan?" Lumingon ako sa nagsabi.

"Ahh, oo siguro renna. Nanalo nga ako eh" inirapan niya lamang ako sa sinabi niya saakin. Hindi ko lng mapigilan yung sarili kong sagutin siya.

"Pasensya po papa jesus" sabi ko nalang sa sarili ko. Tumuloy na ako sa aking upuan.

Nagbasa nalang ako ng notes ko tungkol sa pagsusulit namin ngayon. Pagkatapos ng sampung minuto ay dumating na ang guro namin. Nag unahan ang mga kaklase kong lalaki na umupo at tinago naman ng mga babae ang mga koloreteng linalagay nila sa kanilang mga mukha, at ako naman ay tinago ko na rin ang aking kwaderno.

Kilala siya bilang isa sa tinatakutan na guro dito saamin, sa kilay pa lang niyang parang tutusukin ka sa talim nito at dahil sa pagiging strikta nito, pero isa rin siya sa hinahangaan kong guro dahil sa uri ng patuturo niya samin.

Bumati kami sa kanya at umupo narin kami sa aming upuan.

"Ok class. Ipasa niyo muna yung pinagawa kong takdang aralin sa inyo. Sa muli, hindi kayo makukuha ng pagsusulit kung hindi niyo maipasa yon."

Kinalkal ko naman yung bag ko at hinanap yung envelope na nilagyan ko ng assignment ko. Nakikita kong pinapasa na ng mga kaklase ko ang kanilang takdang aralin. Hindi ko maiwasang kabahan, dahil malaking persyento ang pagsusulit namin para mabuo yung grado namin sa partikular na asignatura. May namumuo na mga pawis saking noo, agad ko rin itong pinahidan. Mabilis na yung tibok ng puso ko.

"Ano na bang gagawin ko nito. Saan ko ba kasi nilagay yun." Kausap ko sa sarili ko.

"Wala na bang magpapasa? Hindi na ako tatanggap pagkatapos ng sampung sigundo." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ng guro namin. Maiiyak na ako.

"5" patuloy pa rin ako sa pagkalkal ng bag ko.

"4" parang wala ng pag-asa

"3" naiiyak na talaga ako. Hindi ako pwedeng magkaroon ng mababang grado. Ito nalang ang nagpapa-aral sa akin.

"2" pinagtitinginan na ako ng kaklase ko. Parang baliw ako ditong naghahanap habang lumuluha. Sabihin nyo ng OA ako, tatangapin ko nalang.

"Is---" naputol ang pagbibilang ng guro namin ng may kumatok sa pintuan.

"Ahh, magandang umaga po nandito po ba si Dyan Segunda?"

***

To be continued...

Hanggang dito nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon