"Guysss gising na!" Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga. Tinignan ko naman si Mia dahil parang mahuhulog siya sa lakas na sigaw ni Ella.
"Gosh Ells ano ba yan!" Naiinis na tanong ni Mia.
"Ang dilim dilim pa naman sa labas." Napaikot nalang ako ng mata.
"Ella! Ang aga aga pa" rinig kong sabi ni Danna. Walang salita naman ang lumabas sa bibig namin ni Sasha.
"Grrr guys, nalimutan nyo na ba? Diba aalis pa tayo ng 6:30, we should fix ourselves duhh" napasapo nalang ako. 6:30 ba yun?
"Geezzz Ella it's still quarter to 5. Ok ka lang ba?" Ano? So 4 pa lang ng umaga?!
"You're crazy, matutulog pa ako" at ayun nagtalukbong na ng kumot si Mia.
Narinig ko naman na parang gumagalaw yung kumot sa ilalim ng hinihigaan ko, parang babalik sa tulog sina Sasha at Danna.
"Guys, we should ready na noh. Ang tagal tagal pa naman natin kumilos."
"Ikaw lang 'yon." Natawa naman ako sa sinagot ni Mia.
"Dyan?" Nakita kong tumingin sa gawi ko si Ella.
"Matutulog pa ko"
"Hmph, bahala kayo diyan" at ayun padabog siyang pumunta sa banyo para siguro maligo? Ah ewan ko, matutulog muna ako.
***
"Guys!" Ano na naman ba ito?
"Gosh Ells, what is it this time?!"
"Naiwan tayo, iniwan tayo ng bus!"
"Ano?!" Shems, seryoso ba siya?!
"Ella sabihin mo nga ang totoo" naiinis na sabi ni Danna.
"Guys, waaahhhh totoo. Pumunta ako kani kanina lang sa labas, at hindi ko na makita ang bus natin. Huhuhu baka iniwan na tayo." Maiyak iyak na sabi ni Ella.
Nakita ko namang dali daling bumaba si Mia sa hinihigaan niya tsaka pumasok sa banyo.
"Guys bilisan nyo na"
Bumaba na rin ako sa hinihigaan ko. Tinignan ko naman si Ella. Nakaayos na siya, mabuti naman siya. Waahhh
"Pero hindi eh" natigilan naman ako sa sinabi ni Sasha, tinignan ko naman siya na nagtataka.
"Diba parating nagcocount off si John sa atin, paano niya naman tayo iiwan nun." Tumango naman ako, ito rin naisip ko nung una.
Narinig kong bumukas yung pintuan ng banyo ng kwarto namin.
"Gosh, ang lamig." Halata nga kay Mia, nanginginig pa nga siya. Nakasuot narin naman siya ng damit niya.
"Ella" pagbabanta ni Danna
"Ahh, hehehehe. Malapit na rin naman kaya mag 6:30" pagkasabi niyang yun, tinignan ng masama ni Mia si Ella tsaka handa na sanang batukan ng,
"Guys?" May kumatok naman sa pintuan.
"Ako na" pagprisinta ni Danna, siya rin naman ang malapit sa pintuan.
"Girls mag-ayos na kayo, aalis na tayo, sa labas nalang tayo ng bus magkikita kita." Nakadungaw na ulo ni John ang sumalubong sa amin.
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Dla nastolatków"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...