Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong matulis at malamig na bagay na ipinasok sa aking balat sa bandang palapulsuhan ng aking kamay.
Napangiwi ako sa sakit, wala pa akong lakas para magsalita at gumalaw.
Binuka ko ng bahagya yung mata ko at nakita ang puti at nakakasilaw na ilaw.
At ganun nalang ng pumasok sa alaala ko kung anong nangyari, masasagasaan na ako nun. Hindi ko alam kung may parte ba ng sasakyan ang dumikit sa balat ko.
Pinakiramdaman ko yung sarili ko kung may masakit ba saakin. May kaunting kirot sa aking tagiliran at masakit medyo yung pwetan ko dahil baka napaupo ako ng malapit na ako maabot ng sasakyan.
Idinilat ko na ang mata ko at may naramdaman akong nakatingin sa akin. Inilibot ko naman yung tingin ko at may nakitang isang nurse na nagaalalang tumingin sakin.
"Ok ka na ba miss? Ano po yung nararamdaman mo?"
"Ok naman po ako, sino po pala yung nagdala sakin dito?"
"Yung may ari po ng hospital na ito"
Parang nangyari na to eh, Deja vu. Ito rin yung nangyari ilang buwan na ang nakalipas, yung may nangyari sa akin at tatanungin kung sinong nagdala sakin at magugulat na lamang ako na ang may ari ng hospital yung nagdala sakin dito sa hospital niya. Naalala ko naman yung may ari ng ospital, yun yung matandang lalaki na nasangga ko at humingi ng tawad, siya rin pala yung nakita ko sa labas ng coffee shop noong isang araw, yung may kasamang babae.
"Ano po pala yung nangyari sakin? Bakit napunta ako dito? Huli ko pong naalala nung malapit na yung sasakyan sakin eh" napakamot naman ng ulo yung nurse.
"Ah eh, nahimatay po kayo eh pagkatapos hindi ko alam yung buong nangyari dahil hindi naman po sinabi ni sir." Tumango tango nalang ako. Susubukan ko sanang umupo ng maramdaman kong sumakit yung tagiliran ko.
"Uhm ate nurse, ano po pala yung nangyari sa tagiliran ko? Para kasing kumikirot"
"May matigas na bagay ka kasi na nahigaan nang nahimatay ka kaya kumikirot pero wag ka nang mag alala makukuha narin yung sakit niya ilang minuto lang." tumango nalang ako
"Ate, pano po ako dito madidischarge eh wala naman po akong pera. Ok naman po kasi ako, pwede na po ba akong umuwi?" Tanong ko, may pasok pa kasi ako bukas. Nakita ko kung paano ngumiti ng bahagya si ate nurse na nagpagaan naman ng loob ko.
"Wag ka nang mag alala, si sir na raw yung bahala sa lahat lahat. Pasensya na pero bukas ka pa pwedeng umuwi, kailangan mo pa kasi magpagaling. Bibigyan ka lang ng doctor mo ng medical certificate para maibigay mo sa teacher mo kung papasok kana. Tumango nalang ako at ngumiti bilang pasasalamat.
"Sige ate salamat, iidlip nalang muna ako."
"Sige, babantayan nalang kita dito"
"Huwag na po kayong mag abala"
"Sabi kasi ni sir na bantayan ka, sige na matulog kana uli." Tumango nalamang ako at ipinikit na ang mga mata. Pagod pa ako makipagtalo.
***
Nakakabinging katahimikan, yan yung bumungad sakin pagkamulat ko ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha ang lumandas sa aking pisngi, maraming mga katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.
Ang hirap, hindi ko maipagkaila na nahihirapan ako sa dinaranas ko ngayon. Wala manlang akong pamilya na maasahan dahil lahat sila ay nawala na sakin. Sakit, pagod na ako emotionally and physically pero hindi dapat ako susuko. Alam kong may ibang tao na mas malala pa yung sitwasyon kaysa sakin, hindi man ako sigurado pero alam kong nalampasan din nila yung pangyayari kung saan gustong gusto na nilang sumuko.
Nang marinig ko ang mga yapak malapit sa pintuan ay mabilis kong sinarado yung mga mata ko, hindi ko alam kung bakit pero parang may bumulong sakin na pumikit na lamang.
Narinig kong bumakas ang pintuan, ipinikit ko parin ang aking mga mata.
"Angel" pag-aalala, sakit yan yung mahihimigan mo sa boses. Boses lalaki, dapat ba akong matakot? dapat ba akong mangamba? Hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot sa mga sarili kong tanong.
Habang ang mga mata ko'y nakapikit, naramdaman ko nalang na marahan niyang hinahaplos yung aking ulo. Hindi ko man siya nakikita, pero ang gaan gaan ng loob ko. Patili ko pa rin pinipikit yung mga mata ko, hindi ko na namanlayan na tuluyan na pala ako nakatulog pero bago pa yun ay may narinig akong isang salitang nagpataka sakin.
"Sorry"
***
"Salamat ate nurse" ngumiti ako sa nurse na nag alaga sa akin at ginantihan niya naman ito.
"Ito pala ang medical certificate mo, ipapakita mo lang yan sa mga teacher mo."
"Ok po thank you po. Pwede mo na rin po bang sabihan yung may ari ng hospital na 'to na salamat sa pagtulong sakin."
"Sige, huwag mong kalimutan ang mga sinabi ng doctor, ok miss Segunda? ---Sige mauna na ako." Tumango tango nalang ako.
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad na sa mahabang pasilyo ng ospital na'to. Sumakay na ako ng elevator at pagkabukas palang nito ay may narinig akong hagulhol.
"Daddy! daddy. Please wake up." nakuha ang atensyon ko ng isang batang babae. Humahagulhol na hinahawakan yung kamay ng ana niya habang papunta sa emergency room.
Napako na lamang ako sa kinatatayuan ko at sinundan ng tingin yung bata. Kinausap siya ng doctor at nakita ko na lamang siyang umupo sa mga nakahilerang metal na upuan sa labas ng silid kung saan yung ama niyang naghihirap, yung mga kamay niyang sapo-sapo yung kanyang mukha na may nangingilid na mga luha. Hindi ko namalayan yung sarili ko na papalapit na pala ako sa batang babae.
Umupo ako sa tabi niya at hinagod yung mahaba niyang buhok, naramdaman ko naman na parang tumigil siya sa pag-iyak at tinignan niya ako. Pula na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak, sabog sabog na rin yung kanyang mahabang buhok. Nginitian ko siya para ipahiwatig na sa kabila ng ganitong pagsubok, alam kong hindi tayo pababayaan ng diyos.
Humagulhol lamang siya at ilang sigundo lamang ay naramdaman ko nalang yung mga kamay niya para yumakap sakin. Ginantihan ko naman ito at hindi alintana yung nababasang damit ko dahil sa mga luhang puno ng takot, sakit at pag-aalala na alam ko sa sarili ko na naranasan ko narin 'to.
Ilang minuto ay huminto na rin siya sa pag-iiyak at kumalas ng yakap. Pinunasan niya naman yung kanyang mukha at napansin ko na lamang na may mga dugo sa kanyang puting damit.
"I'm Sorry" Tinignan nya yung nabasa kong damit at mga dugong nabakat din dito.
"No. It's ok. By the way, do you feel better now?" nag-alalang tanong ko.
"Yeah and thanks for that. It's just that, I can't face what's happening right now. I'm scared, very scared." Humagulgol na naman siya. Hindi ko na napigilan yung sarili kong yakapin siya.
Nakikita ko yung sarili ko sa kanya ilang buwan na ang nakalipas.
Pinatahan ko na lamang siya at isang oras makalipas ay may matandang babae na patungo sa direksyon namin.
"Oh my---Hailey, where's your dad?" Naghehesterical na tanong ng babae, siguro siya yung nanay ni Hailey na pinapatahan ko.
"Mom" humihikbing tawag niya. Niyakap naman ng nanay niya si Hailey.
Ilang minutong lumipas ay humilaway na ito at tinignan ako. Bago pa siya magsalita ay nagsalita na si Hailey.
"Uhm mom, she's---"
"Dyan" ako na nagdugtong, hindi pa naman namin kasi kilala ang isa't isa.
"Thank you miss, salamat sa pagsama sa anak ko." Tipid lang ako ngumiti.
"Walang anuman po." Binalingan ko naman ng tingin si Hailey, nakikita ko sakanya yung mga pamangkin ko "I hope for your dad's fast recovery Hailey"
"Sige po mauna na po ako." Magsisimula na akong maglakad ng napako ako sa kinatatyuan ko sa sinabi niya.
"You look familiar"
***
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Novela Juvenil"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...