"And let us all give round of applause to our valedictorian this school year 2017-2018, Dyan Segunda" mga palakpakan, mga salitang bumabati sa akin ang narinig ko nang tawagin yung pangalan ko.
Ilang buwan na pala ang nakalipas at dumating na rin yung pagtatapos ko ng highschool. Masarap sa pakiramdam dahil sa pagtapos kong ito ay may napagtagumpayan ako na labis kong ipapasalamat. Pagkatapos kong marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ng ina ni Hailey ay parati na ako nito binabagabag, pero hindi ko lang ito pinagtuunan medyo ng pansin.
May lumandas na luha sa aking pisngi hindi dahil sa takot kundi dahil sa saya na aking naramdaman ngayon.
Nalulungkot ako dahil hindi manlang nasaksihan ni inay yung aking pinaghirapan pero alam kong nanunuod siya sakin ngayon at may ngiting nakapaskil sa kanyang labi dahil napagtagumpayan ko ang ninanais kong diploma.
Para sa'yo to nay.
Umakyat na ako sa stage at binigkas na ang speech na galing sa puso kong sinabi.
Ilang oras nakalipas ay natapos na ang graduation namin. May nag-iyakan, nagyakapan at may mga taong may ngiti sa kanilang labi marahil dahil natapos na rin sa wakas yung highschool at dahil na rin sa haharapin naming bagong yugto ng aming buhay.
Nakita ko ang mga kaklase kong nagsipuntahan na sa kani-kanilang mga pamilya, may pamilyang naghihintay sa kanila na may mga ngiti. May nanay at tatay na nakabukas ang mga bisig para salubungin ang anak nila.
Masaya ako, pero may kulang.
Aanhin ko itong napagtagumpayan ko kung wala akong pamilya para bumati sa aking pagtapos. Oo alam kong masaya si inay pero hindi ko masabi sa puso ko na talagang masaya ako.
Nagpaalam na ako sa mga guro ko at sa iba kong mga kaklase, wala ako gaanong kalapit na kaklase siguro na rin dahil binuhos ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral.
Hinubad ko na yung toga ko at kinuha na yung bag ko, uuwi na rin naman kasi ako. Habang papalabas na ako ng gate ay may kumalabit sa aking batang lalaki, tinignan ko naman siya.
"Ate, ito po oh. Congratulations daw po." Pagkasabi niya yon ay doon ko lang napansin ang kumpol na mga mapupulang rosas na hawak niya.
"Hi, sino galing to?" Nagtatakang tanong ko
"Hindi ko po alam eh, ito po oh" mas pinalapit niya pa yung mga bulaklak kaya wala na akong pagpilian kundi kunin nalang yun.
"Salamat" nag aalangang sabi ko. May tatanungin pa sana ako pero nakita ko nalang na papalayo na siya sakin.
Naglakad na ako papuntang sakayan, ang sakit na ng paa ko hindi pa naman ako sanay mag heels. Hayy
Habang nakasakay na ako ng traysikel ay nakatanggap naman ako ng text galing kay steph.
Binati niya ako na rineplyan ko naman ng salamat.
Hindi ko manlang naisip na may mga tao pa pala na nandiyan para sakin. Para bumati sa napagtagumpayan ko at nagpapasalamat ako para dun.
Nakadating na rin ako sa bahay, pumunta muna ako ng kwarto ko para makapagbihis at ang natira kong pera ay linagay ko sa isang notebook kung saan dito din yung ibang pera ko na galing sa pagpapartime job dahil luluwas ako ng Maynila para doon na mag-aral.
Ipinatong ko naman yung rosas sa lamesa dito sa kwarto, at ilalagay ko na sana ng makita ko yung notebook ko na may drawing na mukha. Kaninang umaga ay napanaginipan ko naman uli yung lalake, hindi ko alam kung ano yun at kung ano yung koneksyon sakin. Nung una ay mata niya palang yung naguhit ko pero ilang buwan na ang nakalipas at dahil sa panaginip ko tungkol sa kaniya ay natapos ko na rin sa pagguhit yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Ficção Adolescente"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...