"Dyan. Dyan" Napamulat ako ng mata ng may tumawag sa akin, nakatulog pala ako. Tinignan ko naman kung sino ang yumuyugyog sakin.
"Sorry Dyan sa pagabala ng tulog mo. Pero pinagigising tayo ng driver. " Tinignan ko naman si Sasha ng nagtataka. Tumingin ako sa labas tsaka ko lang napagtanto na nakatigil kami sa isang conveniece store at gabi na pala.
"Sige Sasha salamat." nginitian ko siya at binaling na ang tingin sa mga kaklase kong nagigising na rin.
"Nandito na ba tayo?" Rinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko. Oo nga noh, saan na ba kami. Tinignan ko naman kung anong oras na, malapit na pala mag 7 ng gabi, naalala ko pa kung ano oras kami kanina umalis mga alasdos kaninang hapon.
"Hindi pa classmates, mga dalawang oras pa bago tayo makarating sa resort. Pero bago tayo makarating dun ay kailangan pa nating sumakay ng bangka, may malapit pala ditong motel dun muna tayo magpapalipas ng gabi." Tumango tango nalang ako, mabuting huminto muna, delikado pa naman kung gabi na sasakay pa ng bangka.
Ilang minutong nakalipas ay unting unti na nagsipagbabaan ang iba kong mga kaklase, inayos ko muna yung sarili ko, sabog sabog pa yung buhok ko mula sa pagkatulog.
Ang natira nalang sa bus ay si Sasha, John, ang isa pa naming kaklase tsaka ako. Dito palang ay naririnig ko na ang mga ingay ng mga kaklase ko. Tumayo na ako sa pagkaupo, kinuha ko muna yung wallet ko at yung cellphone ko. Bumaba na yung isa kong kaklase tsaka naglakad na ako papuntang pintuan ng bus ng may narinig ako.
"Babe"
***
Kasalukuyan akong pumipila para bayadan na ang pinangbili ko, bumili lang naman ako ng tubig tsaka cup noodles. Dito na siguro kami kakain ng hapunan, wala namang malapit na restauran dito para doon na kami kumain. Isa pa hindi naman ako gagastos ng malaki, nag-iipon pa ako.
Tinanaw ko naman kung saan may bakanteng upuan.
"Dyan," narinig kong tawag sakin at kumaway kaway pa si Danna nung makita ako kasama niya yung dalawa niyang malapit na kaibigan na kaklase namin. Pumunta naman ako sa table nila tsaka umupo.
"Uhm thank you pala Danna" Sabi ko tsaka ngumiti.
"Ano ka ba wala yun noh," Sinimulan ko ng kainin yung cup noodles, mabuti nalang talaga may mainit dito na tubig sa convenience store. Susubo na sana ako ng marinig ko si Ella, yung isa sa mga kaibigan ni Danna.
"Parang may something sa kanila." Tinignan ko si Ella at sinundan ang tingin niya. Tsaka ko lang nakita ang papasok na si John at sa likod nito ay si Sasha na nakasunod, hindi sila magkahawak kamay at malayo rin ang espasyo sa pagitan nila.
Nagkibit balikat nalang ako, hindi sa wala akong pakialam pero buhay naman nila yan eh. Tinignan ko naman yung nasa harapan ko tsaka ko lang nakita si Danna na nakayuko.
Nakita ko naman si Mia na bumuka yung bibig at sinabing 'hala ka' kay Ella, pero walang boses niyang sinabi yun.
"Geez, guys ok lang ba kayo? bakit kayo natahimik." pilit pang tumawa si Danna, kahit may ngiti sa kanyang labi ay makikita mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"hehehe wala lang, kain na nga tayo." at ayun pagkasabi ni Mia nun ay nilantakan na namin yung cup noodles na pinamili namin.
***
"Grabe nabusog din ako dun ah" tsaka dumighay si Ella, nagtawanan na lamang kami. Bumalik na rin naman sa dati yung mood ni Danna, mabuti nalang. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng convenience store para sumakay na ng bus papuntang motel na pagtutuluyan muna namin.
"Ok guys!" Nakuha ang atensyon namin sa pagpalakpak ni John, " Count off muna tayo"
"36...37..."
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Roman pour Adolescents"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...