"Gusto kita Dyan"
Napatingin naman ako sa gawi ni Danna, nabulunan ata.
"Uy Danna, ok ka lang ba?" Hinagod hagod ko naman yung likuran niya.
At napagtanto ko na lamang kung ano nga yung sinabi ni Brandon, napaubo naman ako.
"Ok ka lang ba Dyan?" Nag-aalalang tanong ni Brandon. Tinanguan ko naman siya at tinignan sa mata.
"Pa'no ba to?--- ito kasi Brandon. Pa'no ko ba sasabihin to?" Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi pa naman ako magaling sa mga ganito.
"Brandon, hindi ko intinsyon na saktan ka pero hanggang sa pagiging kaibigan lang ang kaya kong maisukli sa'yo" tama naman diba yung ginawa ko? Bakit ko pa patatagalin na kaibigan lang pala ang turing ko sa kanya, edi mas lalo siyang masasaktan kung pinaasa ko lang siya.
Nakita ko naman siya na napatingin sa lupa, hindi naiwasan ng mga mata ko ang sakit na nakita ko sa mga mata ni Brandon.
"I'm sorry" napatingin naman ako kay Danna "Ok ka na ba?" Tumango tango naman si Danna.
"Brand, I'm so sorry. Bakit ako? There are lot of girls that is prettier than me. I'm just a simple person, you deserve a love that I can't give and that's the one who you truly love."
Nakita ko naman siyang tumango tango.
"I shouldn't tell you, sorry" napailing naman ako.
"No, Brandon. There's nothing wrong about saying your feelings. You're a great person kahit hindi naman tayo ganon kalapit, I know you are. It's just that, it's not me" tumango naman siya at nagpaalam na pupunta muna ng kanilang hotel room. Nagsorry ulit ako at nginitian niya lang ako.
Hayyy, ang hirap makasakit ng damdamin ng ibang tao.
"Woah, Dyan" nabaling naman yung tingin ko kay Danna na parang hindi makapaniwala sa nangyari.
"What? Tama ba yung ginawa ko?"
"Did I just witnessed a rejection scene" hindi niya sinagot yung tanong ko.
"Danna tell me, tama ba yung ginawa ko?"
"Uhm, of course Dyan. I just didn't expect those words will come out from your mouth knowing na ang bait bait mo ha" Napatahimik nalang ako.
"Stop this, pumunta na lang tayo sa kanila---"tinuro niya naman kung saan nakapwesto yung mga kaklase namin."---baka maubusan pa tayo ng mauupuan and besides, he can move on" tumango nalang ako at naglakad na papunta sa kanila.
***
Kasalukuyan namin tinatapat sa apoy ang marshmallow na hawak namin na nakatusok sa manipis na kahoy. Nag rereminisce kami ng mga nangyari sa highschool life namin.
Ang ganda lang sa feeling, marami rami din palang mga alala ang nabuo namin noong mga nakaraang taon na naging silbing aral sa amin sa realidad na hinaharap namin sa kasalukuyan.
"Guys, what if maglaro tayo?" Suggest ng isang kaklase namin.
"Hindi lang yung spin the bottle ha, nakakaumay na yun" napangiwi naman yung isa ko pang kaklase na nagsabi nun. Oo nga eh, parati nalang spin the bottle yung nilalaro.
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Teen Fiction"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...