Prologue

1.6K 26 1
                                    

Isa sa mga natanong ko sa buhay ko, bakit ko naranasan ang ganitong paghihirap? Bakit may mga sikretong patuloy na tinatago na maaaring rin malaman ng isang tao sa takdang panahon? Bakit kailangan pa nitong itago kung pwede lang namang kusa itong sabihin para hindi na magulo ang sitwasyon? at bakit kailangan pa nitong patagalin?

***

Hindi ko maiwasang tumigil at makinig sa isang nakasaradong silid. 

Curiosity kills ika nga nila

"Iwanan mo na siya! Hindi kayo pwede sa isa't isa. Hanggang maaga pa, nagmamakaawa ako sa'yo anak, iwanan mo na siya." naging mahinahon ang pagkasambit ng lalaki sa huling mga salitang binitawan niya.

"Dad, you know I love her. I really do, d*mn give me a f*cking reason why should I leave her. Hindi naman ito dahil sa kumpanya diba? nagliwanagan naman tayo diba." Hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa aking mga mata.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo ang katotohanan anak, hindi pa ito ang tamang panahon." naguguluhan ako sa sinasabi ng lalaki at alam ko ring ito rin nararamdaman ng lalaking mahal ko sa oras na ito.

"Wow dad! just wow. Sasabihan mo 'kong hiwalayan siya ng walang dahilan? Are you insane?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang anak.

"Hindi pwede dahil mag---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaki, kusa nalang tumakbo ang aking mga paa. Kailangan kong lumayo sa lugar na yon. Hindi ko man narinig ng buo ang sasabihin ng lalaki ay kinabahan nalang ako sa hindi ko malaman laman.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa dinala ako ng aking mga paa dito sa hardin.

Sa bawat makukulay na mga bulaklak, sa bawat mga mahalimuyak nilang amoy, sa mga paru-paro na masasayang lumilipad ay ninanais kong ganito rin kaligaya ang aking buhay. Pero mapaglaro ang tadhana.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak napaupo nalang ako sa isang upuan, at hindi ko maisip na tatanungin ko ang sarili kong...

"Hanggang dito nalang ba?"

********

A/N 

Kyahhh, thank you sa pagclick ng story na'to. Hindi ko man maipapangakong maganda ito pero ipinagmamalaki ko pa rin na nanggaling ito sa aking mga imahinasyon na bumubuo sa aking munting isip.

Guys kung may mga typo, error at maling grammar pasensya po. Pasensya, tao rin po ako, hehehehe btw this is my first novel na ipupublish dito sa wattpad. 

I hope you'll like it. Mwah

-MissTerious_0331

Hanggang dito nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon