Ganun pa rin ang bungad sakin ni auntie, parang araw-araw na nga. Sisigawan, sasabihang hindi ako prinsesa sa kanilang pamamhay.
Hindi ko man sabihin ay lubos akong nasasaktan sa mga sinabi ni autie. Parang hindi ko lubos maisip na ang natitirang pamilya ay sila pa yung nakakasakit sa damdamin ko.
Huling araw na ngayon ng pagbisita ng paaralan ni steph sa amin.
Kasalukuyan akong naghihintay kay steph dito sa canteen. Buti nalang at vacant namin ngayon.
"Ang tagal tagal mo naman steph" reklamong sabi ko sa kanya pagkadating niya.
"Reklamo ka lang ng reklamo diyan Yan, tsk. Huling araw na nga namin dito pagkatapos ganyan pa ang pagbungad mo sakin." Nagtatampong sabi niya.
Inirapan ko lamang siya. Ang drama niya ha.
"Ano ka ba nagbibiro lang oh. Dadalaw din ako dito sa susunod ulit. Miss na miss ka na daw ni ate. Si mama naman at papa ay miss ka rin, tsk parang hindi ako yung anak dito." Tinawanan ko nalang siya
"Huwag ka nang mag-abala. Subukan ko sa susunod kung makakapunta ako sa atin. Miss ko na rin si ate at si tito at tita."
Lumipat kasi ako ng bahay ng iniwan ako ni mama, naninirahan ako ngayon kung saan ang bahay ni auntie na malayo sa bahay namin ni mama. Sinubukan akong sabihan ng mama at papa ni steph na sa kanila nalang ako maninirahan pero lubos ko itong hindi sinangayunan. Magiging pabigat lang ako sa kanila, hindi ko sinasabi na hindi ako naging pabigat kina auntie pero pagdating ng panahon na makatapos ako ay tutulungan ko rin sila.
"Payakap nga Yan" hindi na ako nakapagsalita ng bigla niya akong niyakap.
"Mamimiss kita Yan. Yung kakulitan mo mamimiss ko yan. Maging matatag ka, pinapanuod ka lang palagi ni tita mula sa heaven." Napahagulhol nalang ako ng marinig ang sinabi niya.
"Paano mo nalaman? Hindi ka ba galit sakin?"
"Bakit naman ako magagalit? Huo inaamin ko sumama yung loob ko. Nagpangako tayo na walang lihiman sa isa't isa pero ano yung ginawa mo?"
"Sorry talaga steph. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon" mahinang sabi ko sa kanya, hinagod niya lng ang aking likod para patahanin ako. Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa ibabaw ng ulo ko.
Pinaharap niya ako sa kanya, pinahidan niya naman kaagad ang luha sa aking pisngi.
"Pumapangit ka na Yan" tinawanan niya ako na ginantihan ko naman ng masakit na titig.
"Tsk, kung wala ka na rin magandang sasabihin ay itikom mo yang bibig mo" inirapan ko naman siya.
" Suplada nito. Basta mamimiss kita at tatandaan mo na mah---" hindi niya natapos yung sasabihin niya ng mag ring na yung bell.
"Ano yun steph?"
"Ahhh wala. Wala. Sabi ko pumasok kana sa klase nyo baka malalate ka nanaman. Hindi na siguro tayo magkikita bago kami babalik. May klase kayo siguro ng mga oras na iyon."
"Oh sige, paalam steph" tatalikod na sana ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Dahan dahan naman akong pumihit paharap sa kanya pero pinigilan niya ako.
Naramdaman ko nalang na may malamig na bagay siya na linagay sa leeg ko at namangha ako ng makita ang isang napakagandang kwintas.
"Hoyy steph. Ano to?"
"Malamang kwintas. Siguro bracelet o di kaya hikaw. Ano sa tingin mo?" Inirapan ko nalang siya.
"Hindi ko to matatanggap steph"
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Novela Juvenil"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...