Panibagong araw, panibagong pamumuhay, panibagong pag-asa.
Tatlong buwan na ang nakalipas, tatlong buwan na akong kinakayod ang sarili. Sa loob ng tatlong buwan ay maraming kaganapan na aking hinarap, na aking binigyan atensyon.
Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang coffee shop dito sa amin, kailangan kong umipon ng pera para pangkain na rin sa araw araw at para na rin sa mga gastusin ko.
Narinig ko naman ang tunog ng wind chime malapit sa pintuan na nagpapahiwatig na panibagong costumer nanaman ang pumasok.
Binilisan ko ang pagpunas ng mesa para maasikaso ko na rin ang mga bagong pasok na mga costumer.
"Good morning ma'am, sir may I take your order?" Sabay kuha ng papel at ballpen na nasa bulsa ng aking uniporme. Tinignan ko ang costumer at ang ganda niya, siguro na sa late 40's siya at may kasama naman siyang lalaki na kaedad din niya.
"A slice of blueberry cheesecake and a cappuccino"
Tinignan ko naman yung kasama niya "What do you want sir?"
"Blueberry cheesecake also and a Frappé coffee, please"
Kinuha ko na ang order nila pero bago pa ako maglakad palayo ay may narinig ako na nagpataka sakin.
"Segunda? That's her last name now?" Nagtatakang tanong ng babae. Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko. Hindi lang naman ako yung Segunda dito eh ang dami kong kaparehong apelyido at hindi rin naman sinabi ang pangalan. Assumera ko talaga minsan.
Napabuntong hininga nalang ako, bakit ba kasi ako nakinig sa kanila, kaya ayon sumasakit na yung ulo ko kakaisip kung ano ang kailangan nila sa mga Segunda o sa isang Segunda.
Hindi dapat ako makisawsaw sa mga pag uusap ng ibang tao.
Binigay ko na ang order nila sa counter para na rin ihanda yung kanilang pagkain.
Habang hinihintay ay napatingin na lang ako sa bintana ng coffee shop. Glass wall kasi yung tinatrabahunan ko kaya makikita mo kaagad ang nasa labas.
Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita. Kasalukuyan siyang lumalabas ng kanyang mamahaling sasakyan at inaalayan ang isang magandang babae na kasing edad niya.
Patuloy pa rin ako sa pag iisip kung sino nga ba siya ng--- "Psst, Dyan!" Mahinang sigaw ng co worker ko.
"Ay! Anak ng tipaklong! Hehehehe pasensya po" kaagad ko namang kinuha yung pagkain at dinala na rin sa mga customer.
Habang ako'y nagtatrabaho ay hindi ko pa rin ma tanggal sa aking isipan kung sino ba talaga yung matandang lalaking yun.
Napatingin ako sa orasan, pasyado alasyete na pala. Dinalian ko na ang pagseserve dahil malapit narin yung off ko ngayong araw.
Nagpalit na ako ng damit at nagpaalam na rin sa iba kong katrabaho.
***
"Sino yan?" kinakabahang tanong ko habang naglalakad pauwi. Anu ba naman to, nakakatakot eh.
Tumingin ako sa likuran ko at napasinghap nalang ako na pusa lang naman pala yung nagiingay.
BINABASA MO ANG
Hanggang dito nalang ba?
Genç Kurgu"Hanggang dito nalang ba?" katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Nang makilala ko siya ay nag bago ang lahat. Mga sikretong hindi ko lubos matanggap na ito'y naging parte ng aking buhay. Mga sikretong nakakubli na ilang taon kong hina...