Napabuntong-hininga siya. Ang sabi hindi sila magpapakalasing,Oo,hindi siya nalasing pero ang kasama niya lasing.
Hindi na niya alam kung nasaan na ang dalawa lalaki. Magkasunod na umalis ang mga ito at hindi na bumalik pa.
Ngayon problema niya kung paano niya bubuhatin ang isa ito.
Bumukas ang pintuan at bumungad ang lalaki kanina na kausap nila.
Si Dion.
"Tulungan na kita isakay sa kotse ang isang yan," Anito.
Nakaalalay lang siya habang akay-akay ni Dion ang binata.
"Ang bigat niya...payat naman siya pero dalawa mataba ang timbang ng isa ito.."
Napangiti siya reklamo nito. Mabuti na lang may bouncer na tumulong sa kanila na isakay sa back seat ang binata.
"Salamat," aniya.
"Sige,ingat sa pag-uwi!" anito.
Saka lang niya natanto na siya ang magmamaneho?
Nagsasara na ang Bar kaya nahiya na siya bumalik sa loob para humingi ng pabor kay Dion.
Napabuntong-hininga siya. Wala siya choice kundi siya ang magmaneho.
Bahala na. Kapag nahuli siya na nagdadrive ng wala lesensiya,ang lalaki ito ang mananagot sa kanya.
Kinapa niya ang susi sa susi sa bulsa ng jacket nito at agad naman niya nakuha iyun pero bago pa man siya makalayo rito bigla na lamang siya nito hinapit at marahas siya napasinghap ng dumikit ang kanila mga katawan.
Bigla kumabog ang dibdib niya sa ayos nila dalawa. Nasa ibabaw siya nito.
"B-bitawan mo nga ko.." kabado niya saad.
"Ayisha..." halos paungol lang nito saad.
Nanlaki ang mga mata niya napatingala sa mukha nito.
Nahigit niya ang hininga ng makita na bahagya ito nakadilat.
"A-ariel.."
"Alam mo ba..na ikaw ang pinakamaganda babae na nakita ko sa buong buhay ko.." anas nito.
Hindi siya makapagsalita sa bilis ng tibok ng kanya puso.
Nabablanko siya sa hitsura nika dalawa.
"Gusto kita,Ayisha..." usal nito at napapikit na muli.
Doon lang niya naramdaman ang pagluwag nito sa pagkakahapit sa kanya kaya sinamantala niya makalayo roon.
Habol-habol niya ang hininga ng makalabas siya ng kotse.
Bigla siya nainitan. Pinagpapawisan pa siya.
Nyemas,ano ba ito?!
Gusto kita,Ayisha
Muli nagrigodon ang puso niya ng tila naririnig pa rin niya ang huli sinabi ng lalaki.
Gusto siya nito. Pero lasing lang siya?!
Hindi ba kapag lasing daw ang isang tao nakakapagsabi ng totoo?
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Kalma lang,hindi niya alam kung ano simasabi niya.." saad niya sa hangin at tinungo na ang driver side.
Bago niya buhayin yun,nilingon muna niya ang binata na nakahiga sa back seat.
"Hindi pala magpapakalasing huh," saad niya at nakasimangot na binuhay na niya ang kotse.
Hindi niya alam kung naulinigan nga ba niya na tumawa ito o hindi dahil nakapokus na siya sa pagdadrive sa unahan.
__,
Thank you to IceIce1221 sa maganda komento. Salamat at sorry di ako makareply kaya dito ko na lang isiningit. Salamat sa pagbabasa. Of course sa iba pa na nagkokomento at sa iba nagmimessage,thank you guys. Mabilis talaga natapos ng series na ito dahiL ginaganahan ako dahiL sa inyo. Salamat uLit.
BINABASA MO ANG
Prince of Green Wolves Series 10 : ARIEL URILLIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#Prince #Greenwolf # Romance #Mate