"Lilipat na lang ako ng mauupahan!" untag niya sa lalaki bago ito makasakay ng kotse.
Humarap ito sa kanya. "Bakit pa? Ayaw mo ba dun?" salubong ang kilay nito turan.
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Hindi mo ba naisip na nakatira tayo sa iisang bubong? Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan mo ay ng mga tagahanga mo na kasama ka babae sa bahay mo?"
Nanatili wala reaksyon ang lalaki. Mukha hindi man lang ito nag-aalala na baka maeskandalo ito.
Pero siya,Oo!
"Hindi tama na magkasama tayo sa iisang bahay," aniya.
"Alam ko,hindi naman ako palagi mag-iistay dun kaya wala ka dapat ikabahala at wala ako pakielam kung ano sasabihin nila tungkol satin," anito.
Napanganga siya sa sagot nito.
Satin? Ano yun parang sila lang?
"Sige,kapag ako napagkaisahan ng fans club mo,I swear papatulan ko sila!" aniya ng maalala ang grupo iyun.
He sighed. "Hindi ko naman sila hahayaan na masaktan ka nila.."
Sumakay na ito ng kotse at sumakay na lang din siya.
"Maglunch muna tayo nagugutom na ko eh," untag nito maya-maya.
"Sa bahay na lang ako kakain.." aniya. Saka wala sya budget para kumain sa labas.
"Don't worry,it's my treat.." sulyap nito sa kanya.
"Hindi na baka may kapalit yan.."
Napabuntong-hininga ito at pinarada ang kotse sa isang parking Area.
"Talaga bang ganun ang tingin mo sakin? Magiging magkatrabaho na tayo magmula ngayon baka pwede maging magkaibigan na tayo mula ngayon?" seryoso nito saad.
Bigla tuloy siya naguilt sa klase na paratang niya rito.
Bakit ganun?! Inosente ba talaga siya?!
She sighed. "May trust issue ako,Mr.Urillio.."
"Ganun ba kaseryoso?"matiim nito saad.
Iniiwas niya ang tingin sa labas ng bintana na nakabukas .
" Namatay ang magulang ko ng sabay..nawala ang lahat ng pinaghirapan nila dahil high school pa lamang ako noon pati ang bahay nawala sakin..dahiL sa panlilinlang ng mga kamag-anak ko.."
Napapitlag siya ng maramdaman na may mainit na kamay ang humawak sa ibabaw ng nakakuyom niya mga palad.
Napalingon siya sa binata na mataman na nakatitig sa kanya.
"Ngayon batid ko na kung bakit mahirap makuha ang tiwala mo dahil sa mga tao nanakit sayo.."
"Siguro dahiL hindi naman talaga totoo ang pag-ibig.." aniya.
"Hindi,Ayisha..totoo ang pag-ibig ninyo mga tao..nakakamangha yun at hindi ko inaasahan na ganun kahanga-hanga ang pakiramdam nun.."
Nahimigan niya ang katotohanan nito tungkol sa bagay na yun.
In love na ito ngayon o na in love na ito?
Pero kanino naman?
You care,Ayisha?
Tumikhim siya ng matauhan.
"Uhm,treat mo di ba.."
Agad naman ito ngumisi.
"We're friends now?"
Do you,Ayisha?
Mukha naman ito sinsero na gusto nito makabawi.
"Sige..pero di ganun ka close.." aniya at nauna ng bumaba ng sasakyan.
Naulinigan pa niya ang pagtawa nito.
BINABASA MO ANG
Prince of Green Wolves Series 10 : ARIEL URILLIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Kurt Adam#Prince #Greenwolf # Romance #Mate