💚Thanks to Ayisha Jade sa papagamit ng name for our Prince of Green Wolves District.💚
Nagtipon-tipon ang mga prinsipe at ang mga Anda ng bawat distrito sa tuktok ng tore kung saan nakalagak ang banal na Propesiya.
Nasa gilid ng bahagi ang mga pamilya ng bawat prinsipe.
Masuyo nginitian ni Prince Ariel ang kabiyak na si Ayisha na kasama ang ibang kabiyak ng mga prinsipe ng bawat distrito.
Agad na tinuon niya ang atensyon sa pagsisimula ng pagtitipon iyun sa pangunguna ng mga Anda.
"Labi namin kinagagalak ang inyo pagbabalik sa ating mundo mga mahal namin Prinsipe!"pagpupugay ng mga Anda para sa mga Prinsipe.
Pagkaraan niyun ay sinimulan na ang dahilan ng pagtitipon iyun.
" Malinaw na ang bagong sinasaas ng propesiya.."anunsiyo ng Puting Anda.
Lahat ay inaabangan ang Propesiya iyun.
Binuklat ng Anda ang hawak nito matingkad na papel na kulay Ginto.
Ayon sa mga Anda,ginto daw ang kulay ng kanila Diyos.
Ilang minuto katahimikan ang bumalot sa loob ng tore.
Humarap ang mga Anda sa mga naghihintay na mga Prinsipe pagkatapos ng mga ito basahin ng bawat Anda ang nakasulat sa ginto Papel.
"Ang propesiya ay patungkol sa atin Diyos. Ang kanya muli pagbabalik sa atin mundo.."
Nakahinga ng maluwag ang lahat sa maganda balita iyun.
Kung ganun magpapakita na muli ang kanila panginoon pakaraan ng matagal na panahon.
Pagkatapos ng anunsiyo na maaari na sila mag-usap-usap agad na nagsilapitan sa kanila ang kanila mga kabiyak.
"Kinabahan ba kayo?" tanong ng kabiyak niya si Ayisha sa kanila mga Prinsipe.
"Sa totoo lang,Oo.." sagot ng Pulang lobo Prinsipe.
"Iniisip kasi namin baka nakatakda kami muli sa ibang babae pa.." Maloko tugon naman ng Prinsipe ng mga asul na lobo.
Nagkatawanan na lang ang lahat.
Lahat sila kampante na sila lamang ang itinakda sa isa't-isa.
Masuyo nya niyakap ang asawa si Ayisha na napakaganda nito sa suot nito kasuotan na kulay berde at ang bulaklak na kulay berde din na nakaipit sa nakabuhol nito buhok na ngayon ay mahabang mahaba na.
Lumapit ang mga Anda. Isa-isa sila binati ng mga ito.
"Maraming salamat sa inyo mga mahal namin Anda..lalo na sa banal na alak na nakatulong din sa amin lahat!" aniya na sinang-ayunan ng iba pang prinsipe.
"Banal na alak?" pagtataka ng isang Anda.
"Opo,Mahal na Anda..ayon kay Zei ang bawat isa sa amin ay pinadadalhan niyo ng banal na alak para sa aming sa mga babae itinakda sa amin..."tugon niya.
Nagtataka naman nagsitinginan ang mga Anda.
"Ngunit ang banal na Alak ay pinagbawal na ipainom sa mga lobo mula ng kayo ay ipadala sa mundo ng mga tao...matatagpuan na lang iyun sa templo ng ating panginoon.." sagot ng puting Anda.
Sabay-sabay na napamaang ang mga prinsipe.
"Kung ganun nagpupunta sa templo ng Diyos ng mga lobo si Zei?" baling niya sa ibang prinsipe na bakas sa mga mukha ang pagkamangha at katanungan.
"Siya ay nasa mundo pa ng mga tao..malalaman natin iyan sa oras na magbalik siya rito.." anang ng itim na Anda.
"Ano pa ho ang ginagawa niya sa mundo ng mga tao?" kuryusidad niya tanong.
"Hiniling niya na bigyan pa siya ng dalawapu't-siyam na araw na manatili roon bago namin tuluyan isara ang lagusan.." sagot ng puting Anda.
"Hindi niya sinabi ang dahilan dahil naging maayos naman ang kanya naging tungkulin sa inyo mga prinsipe ay pinagbigyan na namin siya.."Dugtong nito.
Nakabitin pa rin ang katanungan sa utak ng Prinsipe ang tunay na katauhan ni Zei.
BINABASA MO ANG
Prince of Green Wolves Series 10 : ARIEL URILLIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Lobisomem#Prince #Greenwolf # Romance #Mate