CHAPTER TWENTY-SEVEN

6K 151 3
                                    

"Saan tayo pupunta?"untag niya sa nagmamaneho si Ariel.

Nakangiti na sinulyapan siya nito.

"You will know.."

Inismiran niya ito. Itinuon niya ang tingin sa labas ng nakabukas na bintana. Puro puno ang dinadaanan nila. Wala siya ideya kung saan nga ba sila papunta hanggang sa may matanawan siya dagat.

Napatingin siya sa binata na noon ay nakangiti na sa kanya.

Huminto sa tapat ng isang malaki bahay ang kotse.

"Pag-aari ito ng isang Prin-- I mean ng kaibigan ko doktor.." saad nito ng makababa sila ng sasakyan.

"Bakit tayo nandito?"

"Nandito tayo para magtwo days vacation.."

"Tayo dalawa lang? Susunod ba sila?" tukoy niya sa dalawa nila kasama nila sa banda.

"Nope..tayo lang dalawa..solo natin ang lugar na ito.." nakangisi nito sabi.

Napatingin na lang siya sa likuran ng binata na naunang pumasok sa bahay.

She sighed.

Sila lang dalawa ang nasa lugar na ito.

Clam down,Ayisha! Para naman hindi kayo nakatira sa iisang bubong.

Nilingon niya ang karagatan. Kalmante ang dagat at naaakit siya na lumangoy dun pero masyado pa maaga.

High school pa siya noon ng huli siya nakakita ng dagat ulit.

"Get inside,mainit diyan sa labas.." pukaw ng binata sa kanya.

Agad naman na pumasok na siya.

Bago magdilim naisipan niya maglakad-lakad sa dalampasigan. Masarap sa pakiramdam ang pinong buhangin na nasa ilalim ng talampakan niya. Lumulubog siya roon.

Iniwan niya ang suot na tsinelas sa di kalayuan.

Humarap siya sa karagatan at nilanghap ang hangin-dagat.

Sobra namiss niya ang scenery ito. Nakaharap sa dagat habang pinapanuod ang banayad na pag-alon ng dagat at ang mga ibon na lumilipad sa may himpapawid at ang araw na nagsisimula ng bumaba sa dulo bahagi ng karagatan.

"Ngayon lang ulit ako nakakita ng dagat.."

Napalingon siya sa nagsalita. Hindi niya naramdaman ang pagdating nito.

Minsan pinagtatakhan na niya ang kinikilos nito.

May pagkakataon na nakikita niya na maliksi ito kumilos. Minsan nakasagi siya ng vase sa bahay pero maagap yun nasalo ng binata,he's too fast. Alam niya wala sa paligid ang lalaki ng mga oras na iyun.

Ngayon ang bigla na lamang nito pagsulpot na hindi man lang niya namamalayan.

Agad na bumalik sa alaala niya ang nakita niya noon nakaraan linggo. Pilit niya iyun kinakalimutan pero walang gabi bago siya matulog na hindi niya nakikita sa isip niya.

She sighed. Tama ba na paghinalaan niya ang tunay na pagkatao nito?

Paano naman ang nakita niya iyun?

Natauhan siya ng maramdaman ang paghawak nito sa kamay niya.

"You look bothered this last few days.."matiim nito saad.

Nag-iwas siya ng tingin pero sinapo nito ng kamay ang pisngi niya kaya nagtama muli ang mga mata nila.

" Dahil ba yun sa sinabi ko na gusto kita o dun sa hinalikan kita?"

Hindi niya alam ang isasagot ito. Iyun ang iniisip nito sa kanya.

"It's true,Ayisha..gusto naman talaga kita.." seryoso nito saad.

Nahigit niya ang hininga.

"Binili ko ang bahay na yun para sayo,Ayisha.."

Natuon ang mga mata nito sa bibig niya na bahagya napaawang. Nakita niya ang bigla pagdilim ng mga mata nito roon.

"Ariel.."

Umigting ang panga nito at napasinghap na lang ang nagawa niya ng siilin siya nito ng mariin na halik.

Ito ang pangalawa beses na hinalikan siya ng binata at ito din ang pangalawa beses na tumugon din siya sa halik nito.

Prince of Green Wolves Series 10 : ARIEL URILLIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon