CHAPTER TWENTY-NINE

5.8K 137 12
                                    

Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya at paggaan ng pakiramdam niya nang madatnan ang dalaga na abala sa kusina.

Agad na naramdaman nito ang paglapit niya.

"Good morning.." nakangiti bati niya rito at sumandig sa gilid ng bukana ng kusina.

Bigla napahinto sa pagtibok ang puso niya ng gumanti ng ngiti ang dalaga sa kanya.

Malambing ang ngiti na tinugon nito sa kanya.

"Goodmorning din!"

"Oh bakit? Para kang nakakita ng multo diyan?" sita nito sa kanya sa bigla niya pagkatulala.

Agad na natauhan siya.

"Uhm,ang ganda kasi ng salubong mo sakin eh," namamangha niya saad.

She chuckled.

Lumapit siya sa center island na hindi inaalis ang tingin dito.

"Kain na tayo!"

Gusto niya isipin na baka maganda ang umaga nito dahil sa nangyari kahapon.

Napangisi siya.

Pinaglagyan pa siya nito ng sinangag sa plato niya.

"Sana lagi ka na ganito..sweet.." amuse niya turan.

"Malay mo naman.."

Natigilan siya. Ayaw niya mag-assume pero baka naman may sagot na ito sa confession niya.

"Ayisha.."

"Hmm?" pag-angat ng mukha nito sa kanya.

"May sasabihin ka ba?"

Saglit ito napaisip. Hindi siya makakain hanggat hindi nabibigyan ng kasagutan ang inaakto nito.

"Uhm,pumapayag na ko maging girlfriend mo..."

Hindi na inisip ang maaari isipin ng dalaga sa mabilis na paglapit niya rito. Isang iglap nasa tabi na siya nito nakita niya ang pagkabigla nito pero hindi na ito nakareak nang sakupin niya ang bibig nito.

"I love you.."

Natigilan sila pareho at nagkatinginan sa isa't-isa .

Kita niya sa mga mata ng dalaga ang pagkabigla nito.

"Thank you,baby...you make me happy.."

Tipid ito ngumiti sa kanya.

She search it. Nasa harapan siya ngayon ng laptop niya. Nakatitig sa isang article na binabasa niya tungkol sa mga kakaibang nilalang.

Nag-eexist nga ba ang mga werewolf sa mundong ibabaw?

She search for the image. Hindi naman ganun nakakatakot ang mga wolf. Isang uri ng mabagsik na hayop. A wild animal.

May katuturan ba ito ginagawa niya? Masyado malaki ang nakita niya iyun at wala sa mga imahe na nasa screen ang hinahanap niya.

Naningkit ang mga mata niya ng may maaninag siya mula sa screen ng isang imahe ng tao.

Bigla siya napalingon.

Isang nakangiti hindi pamilyar na lalaki ang nalingunan niya.

"Hi!" nakangisi nito turan.

Sinara niya ang laptop.

"Sino ka?"

Tinitigan niya ang lalaki. Gwapo ito. Nanunuot ang kulay brown nito mga mata kung makatitig sayo.

"I-Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito?" hinuha niya.

"Hindi,pasensya na pumasok na ko nakabukas kasi ang pintuan kaya dumeretso na ko.."nakangiti na nito saad.

Sino naman ito kung ganun?

"Zei?"

Sabay sila napatingin sa gawi ni Ariel na galing sa back door.

"Kamusta kama--,uh,mahal kong kaibigan.." pagbati nito sa unang sasabihin ng panlakihan ito ng mga mata ng binata.

Napatingin naman siya sa tinawag nito Zei. He chuckled.

"Uhm,Ayisha..this is my friend,Zei.."

Bumaling sa kanya ang lalaki.

"Kamusta,Ms Ayisha?"

"Mabuti naman.." maikli niya tugon.

"Naligaw ka ata dito?"

"Uh,Oo...gusto ko lang icheck kayo.."

"Sa labas lang kami.."baling ni Ariel sa kanya at paggiya na nito sa bisita nila.

Nakangiti na tumango sa kanya ang lalaki.

She sighed. Dinampot niya ang laptop mamaya na lang siya ulit magriresearch.

Prince of Green Wolves Series 10 : ARIEL URILLIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon