Hanap ang Dating Ikaw

107 1 0
                                    


Ngunit sa mga araw na nandito ka,

Biglang napawi ang naramdamang saya

napalitan ng lungkot sa mukha

Sapagkat ang dating ikaw ay naglaho na


Nung una kang nakilala

Bugso ng damdamin ay biglang sumisigla

Pero ngayon, biglang nag-iba

Wala na ang tibok sa tuwing nakikita ka


Sa aking isip ay napagtanto ko na

Tayo ay sadyang hindi para sa isa't isa

Kaya tibok ng puso'y nilimot at binura

Katumbas man ay masakit na ala-ala.


Pero bakit bulong ng puso ko'y iba

Tila nakikipagtalo sa aking bawat sambitla

at kumakapit pa rin sa isang pag-asa

Na ang dating ikaw ay muling makilala




Hanggang Dito na Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon