Ayoko na, Pero Gusto ko pa!

66 3 0
                                    



Sabi ng isip ko'y ayoko na,

Ngunit sabi naman ng puso'y gusto ko pa 

Ang hirap pumili sa dalawa

Tanong ko, "Bakit nga ba?"


Kung piliin ay kalimutan ka

ito nga ba sa akin ay magdulot ng saya

sapagkat sa isip rin lang ay mawawala

na minsan tayo ay magkasama.


O hatid lang ay luha

Dahil gusto pa kita na laging kasama

Makasama sa araw-araw at sa twina

Kahit paminsan-minsan lang masaya


Pipiliin ko'y alin nga ba sa dalawa

isip at puso ko ay gulong gulo na

Kaya sasabihin ko ayoko na

kahit gusto ko pa.








Hanggang Dito na Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon