Pilit na Nagbabalik

32 0 0
                                    


Naalala ko na naman, sa atin ay nagdaan

bawat halakhak, at bawat tawanan

Mga panahong lagi tayong nagbibiruan

Buong gabi tayong nagkukuwentuhan.


Kalungkutan ngayon ang aking nadarama

Kaya gusto ko sanang makausap ka

Kahit dito man lang sa "social media"

Kung saan ang lahat ay nagsimula.


Ngunit, tibay ng loob tila ako'y iniwan

sapagkat hindi ko magawang ika'y lapitan

kahit sa chat, natatakot pindutin ang iyong pangalan

natatakot na baka hindi mo maintindihan.


Nakakalito, nakakahibang

Nakakabaliw, nakakapanghina ng kalooban

Bakit pilit na nagbabalik ang ala-ala

Kung kailan, handa na ako na bitawan ka.


Hanggang Dito na Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon