Ito na naman si ako
Kumikinding-kinding parang gago
nagpapadala na naman sa mga kilos mo
sadyang marupok lang, pasensya na po.
May napapansin ako sayo
nitong nakaraan araw biglang may bago
tinatanong mo'ko ng kung ano-ano
para bang nagbibigay motibo.
Nagtatanong ka pa kung papanoorin ko
ang papalabas na pelikula sa Pebrero
na saktong-sakto sa Araw ng mga Puso
Palagay ko, paraan mo yun para yayain ako.
Palihim ka pang kumukuha ng litrato,
minsan pa ang ginagamit mo ay VIDEO.
Kung totoo o hindi itong palabas mo,
wala akong pakialam, basta kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PuisiFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...