Nagising ako sa aking pagkakatulog
biglang ang lungkot, hindi ko na alam
Pinilit kong muli ay makatulog
Di pa rin mawari kung bakit ito ang ramdam.
Gusto kong takasan ang lungkot
Tatakas dahil hindi alam paano lalaban
Nadadala sa aking iniisip na takot
Paano lalaban kung hindi alam ang dahilan
Umiiyak, isipa'y balot ng kalungkutan
ano itong nararamdaman, di ko mapagtanto
Sinubukan pagaanin ang aking kalooban
Ngunit pag-iyak ay hindi ko mahinto.
Bakit, ano nga ba itong nangyayari?
Kay lungkot, puno ng tanong ng isipan.
Bakit, ano nga ba itong nangyayari?
Paano lalaban kung hindi alam ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PoetryFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...