Tinapos ko na ang aking laban
Laban sa puso at isipan
Sa simula mahirap, pero kayang labanan
Sarili ko lang ay kailangang ipaglaban.
Pero bakit ako nalalabuan
Sitwasyon ay parang may gustong patunayan
kaya ngayo'y muling naguguluhan
ano ba talaga itong pinagdadaanan.
Paglimot ay kinaya ko naman,
Pero bakit ako pa rin ay nanghihinayang
Parang lahat ng iyon ay akala ko lamang
"Kaya ko kahit wala ka" sabi ko kailan lang.
Kaya ko kahit wala ka
Sinabi ko sa sarili itong mga kataga
Subalit sadyang magulo ang aking tadhana
Kulong sa pag-ibig na animo'y isang selda.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PoetryFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...