Habang iniisip ko ang aking karupukan
natatawa na lang ako sa kagagahan
ngunit hindi ko yun pagsisisihan,
kahit ang landi-landi ko pakinggan.
HAHAHAHA ang nasa isipan
nakakatawa isipin ang aking kagagawan
ang bilis nagpadala sayo, parang ewan
kahit hindi alam ang tunay na dahilan.
Oo, nakakatawa pero may natutunan
masuring pag-intindi ang aking kailangan,
upang mas maiintindihan
kung bakit iba ang pinaparamdam.
Subalit ayokong matapos itong kahibangan
kasi nakakakilig kahit paminsan-minsan
Kilig at saya na may dalang kaginhawaan,
Ibang-iba ang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PoetryFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...