Bagong Mundo

25 0 0
                                    


Sa araw na ito,

nagkaroon ako ng panibagong mundo

Isang mundo na wala ang "ikaw at ako"

at hindi ikaw ang laman ng isip ko.


Nilibang ko ang sarili sa mundong ito

dahil dito, hindi ko iniisip ang tayo

Hindi ko iniinda ang nararamdamang gulo

sapagkat dito natagpuan, isang kakaibang mundo


Posible palang gumawa ng panibago

kung saan wala ang iyong anyo

hindi mahahagilap maging ang iyong anino

kahit ang mga bagay-bagay, di ko matanto


May napansin lang ako

Bakit ang lungkot ng  mundong kinaroroonan ko

Siguro ganito kapag wala ka sa tabi ko,

napupunta ako sa madilim na mundo.


Hanggang Dito na Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon