Ngayon ay lubos ko nang tinalikuran
Mundo ng pag-ibig na walang katuturan
Dahil may nais patunayan
Sa sarili ko'y kailangan panindigan
Trabaho ang ginawang kasiyahan
Pangarap ang ginawang puhunan
Sa pagsulong sa bagong mundong ginagalawan
kahit mahirap paminsan-minsan
Isang araw nakipagkita sa mga kaibigan
upang sila ay aking damayan
malungkot man, pero pilit pinakikinggan
dahil may problema sa kanilang pag-iibigan
Ako ang naging takbuhan
kahit niminsan hindi ko pa nararanasan
pinarinig ko ang aking pangaral
sa alam kong matimbang na paraan.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PoetryFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...