Sa mga sandaling ikaw ang kasama
Ninais ko na panghabang buhay na sana
kahit hindi ko man maipakita
asahan mo, sa akin, ikaw ay mahalaga
Sa mga ngiting iyong laging dala,
na sa isip ay di mawala-wala
Sa bigkas ng bawat salita,
Di maiwasan ang puso ay lumigaya
Mga araw na nagdaan na nandito ka,
Walang ibang nadarama kundi saya
Sana hindi mawala na parang isang bula
Dahil nabigyan mo ng kulay ang bawat pagtawa.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito na Lang.
PoetryFeelings expressed through poem. Ang istorya nito ay tungkol sa isang lalaki na umibig at naguguluhan sa sitwasyon na kinakaharap nya. Sa isang komplekadong mundo ng pag-ibig, siya ay naligaw at patuloy na naghanap ng daan palabas sa mundong iyon...