Matapos sabihin ng principal na pumila na by section dahil ilang minuto nalang aalis na, mabilis naman sumunod ang mga students. Madali naman nahanap ni Sofia ang mga kaklasi at kaibigan niya.
"Omyyyy Girls, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko", agad na chika nito sa mga kaibigan niya. "hindi pala kami maniniwala e, wag mo nang sabihin haha" pambara naman na sabi Gia na mahilig mamilosopo. "che panira ka naman, haha what I mean is hindi kapani-paniwala na sasabihin ko sa inyo na body partner ko yung isa sa mga crush ko and take note girls kakilala na niya pala ako last year pa, and take note ulit kilala ko na siya at hindi lang yon omyyy may pa shakehands pa si kuya hahaha" mahabang wika nito at kinikilig pa.
"wew level up si ateng haha, anong pangalan aber?". tanong naman ni Alice pangalawang panganay sa lahat. "Prince" maikling sagot naman nito. "teka-teka you mean Prince Sandoval ng section C?" sabat na tanong ni Charm na pinaka bunso sa kanila. "hindi ko natanong ang apelido pero oo section C daw si Prince, you know him?" balik na tanong naman nito.
"wala naman ibang Prince sa section C, oo kilala ko siya. Siya yung boyfriend ng pinsan ko" sagot naman nito. "what?" sabay-sabay na tanong naman ng kaibigan niya , samantalang biglang natigilan si Sofia na para bang may naramdaman na kirot sa kanyang puso. "you mean taken na siya?" walang gana tanong nito. "Got yah! Hahaha I was just kidding . oo kilala ko siya, pero hindi siya bf ng pinsan ko, kilala ko siya kasi ka barangay ko lang siya and church mate ko din siya haha" natatawang birong sagot naman ni Charm sa kanya.
Parang nabunutan naman siya ng tinik sa dibdib matapos malaman na pinagti-tripan lang siya nito. "Buset ka, ang sarap mong tirisin alam moba yon?, haha pasalamat ka maganda umaga ko" gigil na anito kay charm.
"Ok class get ready , pila na natin ang susunod sa bus no. 6 tayo". agaw atensyon naman ng kanilang adviser. Agad naman nag plano ng seating arrangement ang Adakrab Forever na pinangu-ngunahan ni Marian na siyang tumatayong leader dahil siya ang pinaka panganay ng grupo.
"ok ganto naisip ko dahil 10 tayo lets divide ourself in to 4, bale ganto ako,Sofia,Carmela, next Chelle,Charm,Celine, next Gia and Diane and for the last Jelly and Alice , ano ok lang ba?" paliwanag na sabi ni Marian "yes nanay haha" halos sabay na sagot ng lahat na parang tuwang-tuwa pa sa pag seating arrangement. "ok its final then" anito. "Class lets go" sabi ng kanilang adviser.
BUS
Pinili ng grupo Adakrab Forever na umupo sa may bandang dulo, Pinili ni Sofia umupo sa may malapit sa bintana at pagka upo naman niya ay agad na nag handa para umidlip . "girls pano tutulog ko muna to mga 3hrs din ang byahe" antok na sabi nito sa dalawang katabi.
FAST FORWARD ...
Parehong nag babasa ng wattpad ang dalawa katabi ni Sofia, habang siya naman ay parang mantika kung matulog. Nang biglang may naramdaman niya na kumakalabit sa kanya na naging dahilan para magising siya "Ano ba carmela natutulog yung tao e kalabit ka ng kalabit" inis na sabi nito sa katabi "napano ka? ang ayos kong nagbabasa dito" sagot Carmela habang nakataas pa ang kilay.
"e sino yun?" tanong ulit niya "ba malay ko" sagot naman ng katabi ... Binale wala nalang ni Sofia kung sino ang kumalabit sa kanya at napag pasyahan niya bumalik nalang sa pagtulog, Pero hindi pa man siya nakakabalik sa kanyang pagtulog ng may marinig siyang bumulong "Sorry di ko kc alam na natutulog ka" mahinang bulong na kung sino. Gulat man, agad sumilip si Sofia sa likod mas lalo siyang nagulat sa nakita niya si Prince na naka peace sign pa.
"Ano ginagawa mo dyan?" tanong niya "kasi dito ako nakaupo?,hehe biro lang sinusunod ko lang si Sir principal na much better na alam kung nasaan ang body partner kaya yown, umupo ako malapit sayo" mahabang paliwanag ni Prince. Isang ngiti ang sinukli naman niya sa lalaki , at umupo agad ng maayos. Habang nag sisikuhan ang dalawang katabi na para bang tinutukso siya. Hindi naman mapakali si Sofia sa kanyang upuan matapos malaman na nasa likod lang niya si Prince.
A/N: Hi readers , I would like to say thank you for your support. Sa mga naka-appreciate ng story ni Sofia,and sa mga nag co-coment ... Anyway next pa ba ?
YOU ARE READING
ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBER
RomanceSYPNOSIS: Kabilang si Sofia sa samahan ng mga NBSB, isa din siya sa mga babaeng single pero marami ang crush kumbaga para sa kanya crush lang sapat na. For her hindi na niya kelangan ng boyfriend dahil naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang pakiki...