CHAPTER 20: UNDER ARREST

7 2 0
                                    

Maingay, magulo, pakalat kalat ang mga studyante sa loob ng campus, last day na kasi ngayon ng kanilang foundation day, kaya naman puspusan na ang pagiging abala nila lalo na ang mga konti palang ang nalilikom na funds mula sa kanilang booth. Kanya-kanya silang diskarte para mas dumami pa ang kanilang maipasok na funds.


Sa ngayon ay mas lamang ang 3rd year student na ang nangunguna sa may madami nalikom na funds mula sa kanilang jail and wedding booth. Mayroon nala lamang silang 5 oras bago isara lahat ng booths at magkaalaman na kung sino ang nananolo sa paramihan ng funds. Mamayang hapon kasi ay agad na sisimulan naman ang battle of the bands na siyang pinaka huling programa ng event. 


"gusto kong ipakulong sina Prince Sandoval ng 4th Leviticus at si Sofia Bautista ng 4th Proverbs, walang pwede mag pyansa sa kanila gusto ko after nila sa jail booth ay agad silang ilalagay sa wedding booth, maliwanag ba?" maatoridad na bilin ni Carmela sa dalawang kausap na siyang nag ha-handle ng mga kaso sa mga gusto ikulong sa jail booth.


"okay po ma'am, bale 150 po 50 sa jail booth and 100 sa wedding booth." Paliwanag ng lalaki sa presyo babayarin ni Carmela. "Ok no problem, but can I have another favor?" tanong ulit ni Carmela. "sure po, ano po?" tanong ng lalaki pabalik. "pwede bang sila ang pinaka huling ipakasal sa lahat ng nakakulong at makukulong pa sa jail? Basta mas okay na pinaka huli sila makaka laya bago sila mag handa sa wedding booth." Request ulit ng dalaga.


Tumango naman ang lalaki tanda ng pag sang ayon nito sakanya, kaya naman nagka final deal na sila huhuliin na ang dalawa at magtatagal sila palayain sa jail booth dahil sila ang huling ikakasal bago isara ang wedding booth. Nag ambag ang mga Adakrab pambayad sa jail and wedding booth habang ang kaibigan nilang si Sofia nandun sa kanilang booth ay walang kaalam alam. 


"here 200 pesos, dahil mabait naman kayo at pinagbigyan niyo ako sa favor ko , keep the change." Nakangiting sabi ni Carmela habang inaabot ang bayad nito. "wow thank you po maam." Sabat ng lalaki. "paki pirmahan nalang po ito ma'am then after that huhuliin na po naming sila." Sabi ulit nito sabay abot sa isang note book at ballpen kung saan pwede pumirma ng kasunduan.


"done, thanks and last favor promise, kung maari lang wag niyo sana ipaalam sa dalawang yun kung sino ang nagpakulong sakanila hanggang hindi pa sila nakakalabas at nakakasal." Huling paghingi ng pabor ni Carmela. "Sure po ma'am, thank you din po." Magalang na pasasalamat ng lalaki. Ngumiti naman si Carmela at pagkatapos ay binalingan niya ang mga barkada at sabay-sabay pa silang nagngisihan at halatang kinikilig pa para sa mangyayare maya-maya sa kanilang kaibigan at sa binatang crush nito.


"Prince Sandoval you are under arrest , you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. Mas maganda pong sumama na kayo samin sa jail booth." Wika ng lalaking naka police uniform, kasabay ng pag bibigay ng arrest warrant ay kinuha nila ang isang kamay ng binata at madaling pinosasan. Ganun din ang ginawa kay Sofia kaya ngayon ay magkasama sila sa iisang posas , kanan na kamay niya ang nakaposas samantalang kaliwa kamay naman ang kay Prince.


Nagtaka man ay wala ng nagawa ang dalawa kung hindi sumama ng kusa sa mga umaresto sa kanila. Madali silang pinapasok sa jail booth, maalinsangan at siksikan sa loob dahil sa daming nakakulong sa loob. May mangilan ngilan pa sumisigaw pa humihingi ng tulong sa mga kaibigan nasa labas. Pero tulad nalang ng kaibigan ni Sofia ay parang wala silang naririnig.


Nagsawa na siyang magsisigaw sa kakatawag sa mga kaibigan niya pero kahit isa sa kanila wala pa din pumanpansin, kaya ganun nalang kadali para sa kanya na isipin na sila ang may pakana kung bakit siya nasa loob ng jail at kasama pa si Prince. Tahimik lang ang dalawa habang paminsan minsan napapatingin si Sofia kay Prince pero agad naman itong nag baba ng tingin dahil sa nakakasalubong niya ang tingin ng binata sakanya.


"Jordan!" sigaw na tawag ni Prince sa kaibigan niyang nasa labas ng jail booth. "bakit pre? , hindi kita pwede ilabas dito." Madaling sabi agad nito pag kalapit niya sa kaibigan. "ulol! Alam ko naman." Sabi ni Prince kay Jordan sabay binatukan niya pa ito gamit ang isang kamay pa niya na malaya dahil isa lang naman ang naka posas. "pahiram ako ng pamaypay." Mahinang bulong nito sa kaibigan at nginuso pa niya ang dalaga na pinagpapawisan na dahil sa sikip sa loob ng jail.


Matapos pahiramin ng pamaypay ni Jordan si Prince ay agad din itong nagpaalam na babalik na ito sa kanilang booth. Pinaypayan naman agad ni Prince ang dalaga, dahil kanina pa niya napapansin ang pagpaypay nito gamit ang kanyang kamay dahil sa wala itong dala na kahit anong pwedeng maging pamaypay "thank you." Masayang sabi ng dalaga. Nginitian naman siya ng binata.


Ilang minuto na din simula ng ikinulong sila sa loob kaya naman hindi maiwasan na mangalay ang mga taong nakakulong ngayon sa jail. Bumaba naman ang tingin ni Prince sa baba kung saan napatingin siya sa gawi ng kamay nila ng dalaga na naka posas. Napansin niya ang dalaga na binubukas sara ang sariling kamay na para bang nangangalay na ito o namamanhid.


Kaya pasimple niyang kinuha ang kamay ng dalaga at pinagsiklop niya ang mga kamay nilang naka posas, dahil sa nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata ay bigla siyang napatingin dito na may pagtatanong sa mga mata nito kung bakit ginawa iyon ng binata, naintindihan naman ni Prince ang tingin na binigay sa kanya ni Sofia. "para hindi ka masyadong mangalay, pwede mong paglaruan yung mga kamay natin." Nakangiting pagpapaliwanag nito. 


Hindi naman nag protesta ang dalaga dahil tama naman ang binata, mas naging komportable kasi ang kamay nito kesa kanina. Tahimik lang ang dalawa habang magkahawak kamay sila at ang isang kamay naman ng binata ay ginagamit niya upang paypayin ang dalaga. "akina yung pamaypay ako na muna salitan nalang tayo." suggest na sabi ni Sofia. Umiling naman ang binata. "Nope ako na kaya ko na ito." Pagsisigurado sabi nito.


Hindi na nagpumilit pa ang dalaga na kunin ang pamaypay sa binata, nagpasyahan nilang magkwentuhan nalang muna sila upang hindi nila masyadong maramdaman ang pangangalay at ang tagal ng paglipas ng oras. Hanggang sa iilan nalang silang pares natitira kaya mas naging komportable na sila dahil sa hindi na masikip sa loob ng jail. 


"Sofia Bautista, Prince Sandoval humanda na kayo dahil kayo na ang susunod na ikakasal!." Pagbibigay bilin ng lalaking may role na police. Nagulat silang pareho dahil ang buong akala nila ay makaka labas na sila pero yun pala ay hindi pa tapos. Bigla din silang nakaramdam ng kaba dahil sa gulat na nalaman nila at hindi malaman kung ano gagawin nila dahil ilang minuto nalang ay ikakasal na sila.  


  A/N: hi readers ,  Shoutout pala sa mga Nag message Lovelove ...

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now