FEB. 14
Panahon na naman ng mga chocolates and flowers , este panahon na naman ng pagmamahalan , araw na naman ng puso at pagmamahalan. Araw din ng mga nagmamahal, minamahal, mapa one sided lang yan , mga bitter pa yan,paasa, pinaasa, iniwan, sinaktan.
Hindi lang naman pang couple ang valentine's day syempre paano naman yung mga single diba , ung nag-iisa , walang kasama. Lahat tayo ay araw natin ito, huwag natin kalimutan na isang rason ang pagtibok ng puso natin na tayo ay may karapatan mag mahal, at mahalin gaano man kasakit ang magiging kaakibat nito. Tandaan din na may paniguradong nagmamahal sayo walang iba kundi ang mismong naglikha sayo.
"HAPPY VALENTINE'S DAY! Mga bes." Sigaw na bati ni Carmela sa mga kaibigan at kaklasi niya pagkapasok na pagka pasok niya sa kanilang classroom. Binati naman siya pabalik ng mga ito. "mukhang maganda ang gising natin ngayon ah?" tanong ni Sofia sa kaibigan na kaka upo lang sa tabi nito. "as always haha." Masayang sagot nito.
Masayang silang nagku-kwentuhan nang biglang pumasok na ang kanilang adviser. "goodmorning ma'am and happy valentine's day po" Magalang na pag bati nila sa kanilang guro. "likewise students, please seat I have announcement to make." Utos na sabi nito. Nagsi-upo naman ang lahat at nakahanda ng makikinig sa adviser nila.
"we all know na bukas na ang Prom right, and exactly 8:00 will start the event mauuna ang mga junior and to follow naman kayo. Then after the cotillion, kainan muna then after that magkakaroon ng students party so nasa inyo if you want to enjoy it and if ayaw you go home, but if nag decide ka na mag attend ng student party bawal nang umuwi unless may magsusundo sa inyo and make sure guardian niyo talaga, hindi pwede yung makiki-tito at tita lang kayo. If wala sundo , you can stay here in our room to take a rest if you want dahil 6am palang bubuksan ang gate for you to go home. That's all, are we clear students?" mahabang sabi nito sa mga students niya.
"Yes ma'am." Sabay sabay na sagot nila. "okay sa lahat ng mag- aatend make sure mapapirma yung mga waiver na ipapamigay mamaya ng president niyo. By the way sino ang willing mag volunteer na tumulong sa pag decorate sa stage and sa quadrangle?" tanong nito. May mga nagtaas naman ng kamay. "Cher kami po all in." wika ni Marian sabay turo sa mga barkada niya. "Thank you guys , I'll wait for you later for now I want you to cooperate to your dance instructor maya-maya lang ipapatawag na kayo." Pinalidad na sabi ng guro.
Hindi nagtagal ay pinatawag na sila sa may quadrangle. "Okay tatawagin ko muna ang sa room1 then ung mga hindi natawag sa room2 . Bawal mag sama sa isang room ang magpartner, dahil hiwalay kayo maglalakad papunta sa stage, ung isa sa kabilang hagdan dadaan sa opposite naman ung isa so magkikita lang kayo kapag nasa stage na then punta sa center kung saan may arko na pa heart shape for picture taking then sabay na kayong baba papunta sa assign place niyo.' Anunsiyo ng dance instructor.
Nagsimula naman agad sila, pinapasok na ang iba sa isang room at ang iba ay sa kabila naman. Sa room1 ay napakainit dahil sa electic fan lang gumagana dahil sa sira ang aircon. Kaya habang ang naghihintay pang matawag ang pangalan nila para makalabas na ay hindi nila maiwasan na magreklamo dahil sa init sa loob ng room. "Bes lagay mo nga itong towel ko sa likod ko." pasuyong sabi ni Sofia sa kay Celine. After naman niya nagpalagay ng towel sa likod ay bumalik na siya sa pwesto nito.
Nang bigla may tumabi sa kanya, "happy valentine's day." Nakangiting bati ni Prince kay Sofia. Binati naman din siya pabalik ang binata. A moment of silence ang nangyare matapos ang palitan na batian. "Ahh ano wala ka bang panyo?" ackward na tanong ng binata napansin kasi nito na ang pawis ng dalaga. "Meron kaso nasa bag ko e, yung towel ko naman sa likod ko na." nahihiyang sagot nito at akmang pupunasan niya sana ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad ng pigilan siya ng binata.
Kinuha naman ni Prince ang kanyang sariling panyo sa bulsa nito at siya na mismo ang nagpunas sa mukha ng dalaga. "Ayan , sayo muna yan pahiram ko muna sayo." Nakangiting sabi nito matapos niyang punasan si Sofia. "paano ka?" tanong ng dalaga. "don't worry okay lang ako medyo presko naman dun sa pwesto ko hehe, cge paano balik na ako , lumapit lang talaga ako para batiin kita in person." Nahihiya pang sabi nito habang napa kamot pa sa ulo. Ngumiti naman ang dalaga sa kanya at nagpasalamat.
FAST FORWARD ...
Tapos na ang kanilang pag practice para sa kanilang introduction and sa pag akyat sa stage. Handa na talaga ang lahat para bukas. Tumulong na din sila sa pag decorate sa quadrangle may mga ibang tinatapos pa ang iba, pero kaya na daw ng mga ibang boys yun. Ang Adakrab Forever naman ay umakyat na sila sa kanilang classroom para makapag pahinga bago sila umuwi.
Sa may hagnan naman ay naka upo ang isang lalaki may gitara na para bang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. "Kaya mo yan dude." Moral support ng kaibigan niya. Ilang sandali pa ay inihanda na niya ang sarili sa mangyayari taimtim pa siyang nagdasal sana makaya niya. "Bro pababa na sila Sofia" sabi ng kaibigan ni Prince.
Agad naman nag strum ng Gitara nito, tanda na nagsisimula na ito. Pagkakita naman niya sa dalaga ay agad siyang nagsimula kumanta, pangarap lang kita ang napiling kantahin nito para sa dalaga. Nabigla naman ang dalaga sa pag harana ng binata sa kanya at sa harapan pa niya at mga barkada niya. Na speechless pa siya dahil sa boses na naririnig mula sa binata na crush niya. Nagtitigan naman sila habang kinakantahan siya ng binata para bang ang mga mata nila ang nag uusap.
Pagkatapos naman siyang kantahan ni Prince, ay nilapitan agad siya ng binata at ibinigay ang flowers and chocolate na may kasama pang maliit na teddy bear. "para nga pala sayo happy valentine's day Sofia" nahihiya pang sabi nito. "s-salamat dito happy valentine's din sayo." Sabi naman ng dalaga at hindi pa rin fully recover sa nangyari na hinarana siya ng crush nito. "Pasensya kana kung medyo panget ang boses ko kinakabahan kasi ako , babawi ako sayo bukas" torpeng sabi nito kay Sofia. "okay lang maganda nga ee actually may talent ka" sabi ng dalaga.
"ayiiiihh" tuksong sabi ng kaibigan habang kilig na kilig pa. Bigla naman napatingin si Sofia sa mga kaibigan nakalimutan niya kasama nga pala niya ang mga ito. "hoy ano yan?" tanong nito kay Carmela dahil nakita niya itong may hawak na cp at kumukuha ng video. "hahaha souvenir bes, thanks me later Prince hahaha" tuksong sabi nito sa dalawa.
Nahihiyang nagtinginan naman sina Sofia at Prince na parang nag uusap pa din ang kanilang mata. Nang may biglang napangiti si Sofia ng may maalala, "so tama ako ng hinala? Holycow yihhhh" anito sa sarili matapos makumpirma na tama ang na-isip nito. Sabay-sabay na sila lumabas ng school para umuwi habang naglalakad ay pinag uuspan nila kung ano isusuot nila bukas at kung gaano sila na eexcite sa kanilang JS Prom.
Ano kaya ang mangyayare bukas? Ano ang ibig sabihin ni Prince na babawi siya bukas?
A/N: gaano kahaba ang buhok ni Sofia? Hahaha
YOU ARE READING
ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBER
RomanceSYPNOSIS: Kabilang si Sofia sa samahan ng mga NBSB, isa din siya sa mga babaeng single pero marami ang crush kumbaga para sa kanya crush lang sapat na. For her hindi na niya kelangan ng boyfriend dahil naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang pakiki...