CHAPTER 4: SHOULDER TO LEAN ON

12 2 0
                                    

  Matapos puntahan ang Barasoain Church , sunod na pinuntahan nila ang Fort Santiago sa Intramuros , Ngayon ay nasa Mall of Asia na sila na siyang pang 4th longest shopping mall dito sa Pilipinas. Kasalukuyan silang naka pila papasok sa Nido Science Discovery Center which is the first technology-based, highly interactive Science center in the country. Ilang sandali lang naglilibot na ang lahat ng students sa loob , habang hinihintay ang oras bago magsimula ang planetarium show.


Bukod kasi sa planetarium show may mga iba bang exhibits and galleries ang makikita sa loob. May ibang nag eenjoy sa mga 3d interactive games, may iba naman na sinubukan ang Nido Science Discovery Center's earthquake simulator system kung saan mararamdaman mo at mararanasan mo ang mga iba't-ibang intensities of earthquakes, at kasabay nito meron din isang informative video na kung saan mapapanuod ang mga ilan tips kung anong dapat gawin kapag may earthquake.Hindi mo na din kailangan mabasa sa pag dive to see different sea creatures in Nido Science Discovery Center's virtual reef. 


Samantalang ang Adakrab Forever naman ay si Mr. T ang napag tripan nila. Si Mr. T ay isang talking titan fish, na pwede mong tanungin ,whether in tagalog or English ,about underwater creatures and sea life.


"tignan nga natin kung matalino talaga si Mr. T" ani Sofia. "Anong fish ang hindi marunong magmahal?" tanong niya kay Mr. T. Wala naman nakuhang sagot ang dalaga. "Ano ba yan ang dali lang naman edi FISHball hello sino pa ba? e fishball nalang ang di nagmamahal." Seryoso sabi pa nito. "Baliw! Wag mo na nga isama pa si Mr. T sa kalokohan mo," sabi ni Marian habang may hampas pang kasama. "uy guys nagtext si class president , bakit daw wala pa tayo ? nasa loob na sila ng Digital Planetarium Theater ilang minuto nalang daw mag sisimula na ang show." Mahabang sabi ni Gia habang binabasa ang text ng kanilang class president.


Dali-dali naman silang tumakbo papunta sa Digital Planetarium Theater , Pero nang dahil nga sa nahuli sila iilan na lang ang mga vacant seats na natira kaya napilitan silang maghiwa-hiwalay. Habang si Marian at Sofia ay patuloy pa din naghahanap ng mauupuan, hanggang may marinig si marian. "psttttttt dito" mahinang paswit ni Jordan na kasama si Prince na naka-upo sa may gilid ng hagdan.


"Sofia bes ,tawag tayo ng pinsan mong si Jordan ayun oh kasama si Prince" tawag naman ni Marian sa kaibigan . Agad naman nilang pintuntahan ang mga ito. "Dito nalang din kayo umupo ,mukhang na late din kayo kaya naunahan kayo sa mga seats" ani Prince. 


At nagsimula na nga ang Planetarium Show, everyone's mesmerized while learning the amazing facts about the universe. 3d ang palabas di maiwasan na titingin sa may itaas ng ceiling dahil may iilan planets ang nandoon. Dahil nga sa walang comfortable seats sina Sofia ay biglang nangalay ang batok nito kakatingin sa itaas.


Then Prince offered her a shoulder to lean on. "dito oh, para hindi ka mangalay" sabi ng binata habang tinuturo ang kanyang balikat para pasandalin siya. "Naku wag na , tignan mo naman yan si Jordan,sarap na sarap sa tulog habang naka-unan sayo haha" natatawang sabi ni Sofia habang tinuturo pa ang natutulog na pinsan habang nakasandal kay prince .


"free naman yung balikat ko ,kaya okay lang yan haha" sabi ni Prince at sabay abot sa ulo ni Sofia at siya na mismo ang nagsandal sa ulo nito sa balikat niya. Nahihiya man ay hindi naiwasan ni Sofia kiligin dahil sa pinakitang sweet gesture ng binata sa kanya. 


Natapos na ang palabas kaya nagsimula ng magsi tayo ang mga students. Hindi naman nakalimutan ni Sofia na mag pasalamat kay Prince "Thank you" naka ngiting pasasalamat niya bago sila tuluyan na tumayo. Isang ngiti naman ang sinukli ng binata.


"Grabe ang ganda ng Show , isa sa unforgettable experience din yon ah" mangha sabi ni Celine na may pag ka Science Lover, may balak pa nga atang pumunta sa ibang planeta so sobra gusto niya sa Science. "eto na naman si Bes in Science hahaha, ano kayang unforgettable don hahaha e mga planets lang naman yung show" tanong ni Jelly. "Bakit hindi niyo tanungin si Sofia kung ano unforgettable experience niya dito sa Digital Planetarium Theater haha" nakakalokong sabat ni Marian. Kinulit naman agad siya ng mga kaibigan niya kung anong ibig sabihin nung sinabi ni Marian sa kanila.


Nag kibit-balikat lang ito "unforgettable experience nga ang pag lean on sa shoulder ng crush ko hahaha" anito sa sarili na parang baliw pa siyang pangiti-ngiti habang inaala nito ang nangyari kanina. "tara na sa bus, baka maiwan pa tayo" anito sa mga kaibigan at hindi pinansin ang pagtatanong nila. Ilang minuto lang nasa bus na ang lahat at naka handa na umalis patungo sa pinaka last destination nila.


Saan kaya sila pupunta? Ano kayang mangyayare sa pupuntahan nila?  


  A/N: Hi readers ...bitin na naman ba? Haha sorry na, hindi ko naman sinasadya bitinin kayo ...May sinusundan lang kasi akong plot ng story ,dahil din sa real life story nga siya kaya diko na nilalagyan ng mga maraming palabok haha ...nyway pansin niyo ba na puro kiligness ang peg ng mga nauna chapter till now? handa na ba kayo paiyakin at apihin ang ating mga bida hahaha ?Relax lang muna tayo at I enjoy muna natin ang kiligness nila ,at darating din tayo sa chapter na yon haha ...Sana sama-sama pa rin tayo hanggang sa malaman natin ung twist ng story nila. .. thankyou lovelove ... 

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now