CHAPTER 24: SINO SI CJ?

6 2 0
                                    

Matapos mag perform ang dalawa ay hindi agad sila nakababa sa stage dahil sa marami sa mga nanuod ng performance nila ay nais na maka pag pa picture sa kanilang dalawa. Malugod naman nila itong binagbigyan para maging pasasalamat na din nila sa tiyang panunuod nila sa kanilang performance.


Huling nagpa picture ang mga ka batch mate nila at ang kasa-kasama nila sa booth. "great job guys, hindi nga tayo nagkamali na papatok sa masa pag silang dalawa ang ipapain hahaha." Pagbati at pasaring ng class president ng section A sa dalawa pati na sa lahat ng 4th year. "wala ba kaming bonus haha?" Pabirong tanong ni Prince.


"well wala haha pero let see after natin mag submit ng pera sa school treasurer so everyone please pray hard haha." Natatawang sagot naman ng Class President. "Amen!" sabay sabay na sabi ng lahat bago sila nagbabaan sa entablado upang magligpit na sa mga ginamit sa gym at ang iba naman ay magbibilang na ng perang kinita nila mula nung nagsimula na ang booth nila. Ang mga treasurer ng every section ng 4th year ang naatasan upang magbilang sa kanilang kita.


Hindi nagtagal ay nasa loob na ang lahat sa isang classroom habang hinihintay nilang matapos ang 4 na nagtutulungan sa pagbilang. "okay guys, were done." Anunsiyo ni Jana. "and ang total na nalikom natin from the start is 23 580 pesos." Dagdag na sabi ni Flor. Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa malaki-laki din ang nalikom nilang pera sa kanilang booth. 


"Okay guys, dahil sa sina Sofia at Prince ang pinaka naging dahilan upang tumaas ang kita natin me as Class President of Section A, I would like to say formally to them na thank you so much guys, and gusto ko sila ang humawak ng pera upang sila na mismo ang mag submit sa treasurer. Agree guys?" masayang pagbati at sabi ng class president. Sumang ayon naman anng lahat na may kasama pang palakpakan.


Kinuha ng dalawa ang pera upang I submit na nga nila ito , tamang tama naman sila ng dating sa faculty office dahil sa 4th year nalang ang hindi nag sasubmit. Matapos nilang maibigay ang pera ay agad silang pumunta sa quadrangle kung nasaan ang mga kasama nila. Meron kasing ini handa ang school principal ng simpleng closing program at para na din sa awarding.


FAST FORWARD


"And now, pumunta naman tayo sa pinaka last ng program ang nanalong section sa fund raising contest. Are you ready students?" tanong ng principal sa lahat. "yes!yes!" sabay sabay na pagsagot ng lahat. "and the winner is ...." Pabitin na sabi nito. Abang na abang naman silang lahat na marinig kung sino ang nanalo kahit ang iba ay may hula na kung sino ang mananalo. 


"is .... But wait there's more , kung sino ang mananalo sila ang mabibigyan ng chance na ma meet ang mga bata sa orphanage na paglalaanan ng lahat ng pera nalikom niyong lahat. 3 days and 2 night with them and you have 2 days to prepare then sa Friday ang alis natin together with the faculty members. Now, are you excited to know who's the winner?" mahabang dagdag nito. Nagsigawan na silang lahat at lalo silang ginanahan na mag abang sa announcement of winner. 


"and now, the winner is .... Is 4th year students!" Masayang anunsiyo ng principal. Agad na nagsitayuan naman ang lahat ng 4th year at madaling nagsi akyat papunta sa stage upang kunin ang kanilang certificate and para sa picture taking.


Nang maka akyat na sila sa stage ang mga kaibigan ni Prince ay biglang gumawa ng eksena, bigla nalang nilang binuhat ang binata na para bang isa syang trophy na pinagmamalaki sa lahat ng manunuod. Natawa naman ang lahat sa ginawa ng mga binata sa kaibigan nila. "mga gago kayo! Bakit ako? Dapat si Sofia." Sabi nito habang binibigyan niya ng tig iisang batok ang mga kaibigan niya.


Akmang bubuhatin naman nila ang dalaga ng pigilan sila ni Prince. "sige subukan niyo!" pagbabantang sabi nito. Nataas naman sila ng kamay tanda ng pag suko nila. Lumapit naman ang binata sa dalaga , at bigla nalang niya itong binuhat na para bang bagong kasal ang mga ito. "at pumaparaan na naman po siya hahaha," malakas na sabi ni Jordan para marinig ng lahat. Kaya umulan na naman ng tuksuhan mula sa madla.


Pinagsawalang bahala nalang ng binata ang sinabi ng kaibigan pati nan g tuksuhan at maingat na binaba niya si Sofia. "okay, quiet that's enough guys haha, well prince parang bagong kasal lang ah?" tuksong sabi ng Principal. "true indeed sir haha, kaka-kasal lang po nila kanina haha." Sabat na sagot naman ni Carmela. "wow, I smell something haha, congrats to the both of you." Pagbibigay pagbati nito sa dalawa.


Fast forward again


Halos nagsi uwian na ang lahat pero ang grupo ni Sofia at ni Prince ay nasa may School Canteen padin at kumakain, bigla kasing nagkayayaan ang mga binata at naisipan na ilibre na din ang mga dalaga kasama nila mula kanina. 


"alam mo dapat makilala ka ni CJ haha mahilig kasi sa libre yun e." bigla sabi ni Sofia kay Prince. "Sinong CJ?" Tanong naman ng binata. "secret haha, you'll see." Tugon ng dalaga. Hindi naman pinilit ng binata tanungin kung sino ang tinutukoy nito, pero maraming tanong ang nasa isipan niya tulad nalang kung sino si CJ , kaano-ano niya ito at kung ano/sino si CJ sa buhay niya.


Matapos nilang kumain ay nagyayaan na silang umuwi na, dahil sa papagabi na ay naisipan ni Prince na ihatid na ang dalaga sa bahay nito. Una hindi pumayag ang dalaga sa gusto ng binata dahil nag wo-worry ito na baka makita siya ng parents nito medyo may pagka strikto kasi ang mga ito ngunit sa bandang huli ay pumayag nito dahil sa pagpupumilit ng binata.


Pagkarating nila sa may gate nila ay agad na nagdoor bell ang dalaga. Pagkabukas ng gate ay agad na nagulat ang dalawa. "umuwi kapang babae ka ,Bakit ngayon kalang? Saan ka galing? Anong oras na ah ganyan ba ang uwian nang matinong babae? at Sino yang kasama mo? Buntis kaba kaya nandito siya para mamanhikan? Ano babae sumagot ka, at ikaw lalake sino ka? anong pangalan mo?" galit na bungad na sabi ng taong nag bukas ng gate para sa dalawa.


Hindi naman malaman ni Sofia kung saan siya magsisimula ng isasagot ganun karaming sunod na sunod na tanong. Lalong kasi itong kinabahan dahil sa bungad nito sa kanila pati na din sa mga sunod na sunod na tanong nito. Ganun din ang binata na biglang nakaramdam ng takot.


Sino nga kaya si CJ? Sino kaya ang nagbukas ng gate? Meet the parents na nga ba ang kasunod?


A/N: hi readers, kamusta naman? Spread love guys lovelove..

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now