CHAPTER 14: STUDENT NIGHT PARTY

7 2 0
                                    

Matapos kumain ng Adakrab Forever ay nagpakuha muna sila ng pictures sa may photo booth. Pagkatpos nilang kuhanan ang kanilang souvenir ay agad na silang nagpalit ng damit, dahil sa bigat ng kanilang suot na gown at para mas maging komportable sila sa pagsayaw sayaw ng mga makabagong tugtugin na talaga nga naman mapapa sayaw ka.


"bes dikapa ba lalabas dyan bilisan mo ng makasunod na tayo doon." Tanong ni Celine kay Sofia na nasa loob ngayon ng toilet room na kasalukuyan nagbibihis na, ang tinutukoy nito ay ang makasunod agad sila sa iba pa nilang kaibigan na sumasayaw nasa dance floor. "eto na wait lang, excited? Haha" sagot naman ng dalaga na nakuhang pang magbiro.


Hindi nagtagal ay lumabas na si Sofia. "wow bes ah kabog ang aura natin ngayon." Bolang sabi ng kanyang kaibigan pagkakita-pagkakita nito sa kanya. Nakasuot kasi ito na floral dress na kulay yellow at may black sa may bandang leeg nito pababa sa kanyang dibdib. "hahaha bagay ba?"  Tanong naman ni Sofia tila natuwa sa sinabi ng kaibigan. "oo bes baka nga tumulo pa ang laway ng stalker po pag nakita ka." ani Celine.


"che , bakit naman siya na pasok sa usapan aber? Tsaka wala na yun lumagay na ata sa tahimik haha." Tanong naman niya na nag taka pa kung bakit naisali ito sa usapan nila. "anong lumagay sa tahimik na sinasabi mo? You mean to say na patay na siya? Ikaw ah bes bad ka haha." Pagtanong naman ulit ni Celine. "hindi sa ganun what I mean is tumahimik na siya at hindi na nagpaparamdam .. buti nga ee at sana magtuloy-tuloy na para naman mapanatag na ako." Seryosong sabi naman ni Sofia.


"sus nagdrama pa, hayaan mo nandyan naman si Prince ihhh." Mapanuksong sabi ng kanyang kaibigan. "ihhh ano ba." Waring kinikilig na sabi nito. "ayan ayan dyan ka magaling hahaha pag crush na usapan para kang kumain ng kamias sa kaka kilig mo , tara na nga pumunta na tayo doon baka dito kapa mangisay hahaha." Pang aasar na sabi ni Celine. Hinampas naman agad siya ng dalaga habang naglalakad sila papunta sa dance floor.


Walang silang sinayang na minuto pag ka tungtong nila sa dance floor ay agad silang nakihalubilo at nakigulo sa mga iba nilang kaibigan na parang baliw kung sumayaw. Remix song dance ang nakasalang ngayon kaya may mga ibang nag he-headbang ang iba naman ay tumatalon pa sa sobrang energy. "4b!" sigaw ni Jonas na kaklasi nila Sofia. "ahooooo!ahooo!" sagot na sigaw naman lahat ng section proverbs or 4b.


Natigil ang kanilang pagsasayawan at pagsisigaw ng bilang nag change music na turns out sa God gave me you. Tanda na pang couple na ang dance floor dahil sa sweet dance na ang tugtog. Agad naman nagsi alisan ang Adakarab sa dance floor upang makaupo at makapag pahinga na din.


Subalit, hindi pa man tuluyan nakaka upo si Sofia ay agad naman sumulpot sa tabi niya si Prince. "pwede ba kitang maisayaw?" malambing na tanong nito sabay offer ng kamay niya. Hindi naman nakapag salita si Sofia. Kinuha naman ni Chelle ang kamay ni Sofia at ibinigay sa kamay ni Prince kaya ang dating ngayon ay magka hawak kamay na sila.


Agad naman napatayo ng tuwid si Sofia dahil sa hawak na nga ng binata ang kamay niya at niyaya na siyang pumunta sa dance floor. Habang naglalakad na magka hawak kamay sila with pa sway-sway pa ay hindi napigilan ni Sofia sa likod kung saan niya iniwan ang mga barkada niya. Binigyan niya ang mga ito na isang Tiger look. Para bang nagsasabing "buset kayo! Lagi niyo nalang akong pinagkakaisahan" ngumiting may ngisi naman pabalik ang mga kaibigan niya.


Ng makapunta na sa dance floor ang dalawa, ay parehong mukhang kinakabahan ang dalawa. Si Sofia kasi ay first time niya ang makipagsayaw ng sweet dance kaya hindi siya mapakali, habang si Prince naman ay bigla tumiklop na para bang naging pipi dahil sa lapit ng dalaga sa kanya ilang dangkal lang kasi ang layo nila sa isa't-isa.


Kinuha naman ni Prince ang kamay ng dalaga at siya na ang lagay sa may bandang batok nito. Habang siya naman ay humawak na sa may bewang ng dalaga. Nagsimula silang gumalaw na sobra slow dahil nga sa sweet dance ito. Hindi sila nag uusap literal pero ang mga mata nila ay parang nangungusap na naman,nung una ay tila nahihiya pa silang pareho sa isa't-isa, nang lumaon na ay mas naging komportable na sila.


"uyyyyyy dalaga ni Sofiia" bilang tuksong sabi ni Cynthia na kaklasi din niya at malapit sa kanya. "tabi ka babs maapakan mo yung buhok ni Girl hahaha." Dagdag naman na tukso ni Airen na kasa-kasama din ni Cynthia. "haha tara na nga bye girl enjoy" makahulugan bilin ni Cynthia sabay kindat pa. Namula naman ang dalaga sa panunuksong ng dalawang baliw niyang kaklasi. Patagong natuwa naman ang binata nang mapansin niyang pinamulahanan ng pisngi ang dalaga which is he think na mas kinaganda nito.


Tahimik ulit silang nagsasayaw ng mapansin ni Prince na tahimik ang dalaga. "Hey, what's wrong?" pag aalalang tanong nito. Umiling naman ang dalaga at ngumiti ng tipid. "pagod kana ba? gusto mo na bang maupo na?" sunod na tanong nito. Nahihiyang napayuko ito at agad na tumango din. "Oo medyo kasi nangangalay na yung paa ko." nahihiyang sagot nito habang nakayuko at tinitignan ang kanyang paa na may suot na heels na medyo mataas kaya naman nangalay siya.


Ngumiti naman ang binata at kinuha ang kamay ng dalaga upang hawakan. "that's ok, by the way gusto ko lang mag thank you kasi pumayag ka na isayaw ko , kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya this night." Nakangiting sabi nito at hinalikan pa likod ng palad ng dalaga. Nagulat man ang dalaga pero ang puso nito ay nagtatalon na sa tuwa dahil sa ginawa ng binata. Agad naman hinawakan ni Prince si Sofia upang ihatid niya ito kung saan niya kinuha kung saan ang mga kaibigan nito.


Nang makaupo na si Sofia, ay nagpaalam na si Prince sa mga kaibigan ng dalaga at pinaka huli ay kay Sofia. Akmang aalis na siya ng pumihit ulit siya paharap sa dalaga na tila ba may nakalimutan. Agad naman niyang nilapitan ang dalaga at binigyan niya itong isang halik sa may tuktok ng ulo at sa pinaka noo nito, pagkatapos nito ay ngumiti siya sa dalaga at biglang kumaripas ng takbo habang iniwan niya ang dalagang gulat na gulat sa ginawa niya pati na ang mga kaibigan nito.


Sa kabilang banda naman ay may estrangherong lalaki ang nakakita sa ginawa ni Prince sa dalaga. "hindi maari! Damn you Prince ! magbabayad ka!"  gigil na gigil na anito sa sarili.


Sino kaya ang estranghero lalaki? Ano kaya ang magiging papel nito sa ating mga bida?


A/N: hi readers ..

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now