Nakarating na sa bus ang Adakrab Forever, sinadya talaga nila bumalik na kahit may isang oras pa bago umalis. Napagpasyahan kasi nila na kumain muna bago umalis, para mamaya ay makatulog sila habang nasa byahe pa. Habang nag hahanda sila para magsimula na kumain ay siyang dating naman nila Prince kasama ang mga kaibigan nito.
"ahh, ano tara kain tayo?" pag anyaya ni Sofia sa kanila. "ayun sakto! gutom na ako" sagot naman ni Jordan na pinsan nito nagkataon na kaklasi din siya ni Prince. "lagi ka nalang gutom" anito sabay binatukan pa ang kaibigan. Binalingan naman niya si Sofia "Sige , kakain din naman kami kaya sabay-sabay na tayo" anang binata sa dalaga.
Samantalang si Marian at Carmela naman ay umupo sa ibang upuan. "Prince tabi na kayo ni Sofia, dito na muna kami habang wala pa yung iba." tuksong sabi ni Carmela sa binata. Hindi naman tinanggihan ang alok ng dalaga, at maya-maya pa masaya silang nagsalo-salo sa mga pagkain na meron sila, matapos kumain ay siyang pag dating naman ng mga ibang students ,tanda na nalalapit na ang oras ng kanilang pag alis.
"kamusta nga pala ang pakiramdam mo?" tanong ni Prince kay Sofia. "Maayos na, thank you din pala kanina, ang sabi sakin binuhat mo pa daw ako kanina, ang bigat ko pa naman haha." pasalamat na wika nito. "ayos lang kahit naman sigurong lalaki makakita sayo kanina gagawin yun" anang binata.
"sulit ang fieldtrip ano? Daming adventure kahit around Manila lang haha" sabi ng dalaga. "wala naman kasi yan sa lugar haha nasa mga taong kasama natin yan,yung kahit saan pa yan ang importante kasama natin ang mga taong mahalaga satin" makahulugan na sabi ng binata habang nakatingin pa sa dalaga. Wala naman nasabi ang dalaga kaya isang ngiti nalang ang ginawad niya sa lalaki.
Nang bigla dumating na ang mga nakaupo kung saan umupo muna sina Marian at Carmela kaya bumalik na sila kung saan talaga ang pwesto. Nang biglang may naisip si Carmela. "paano kaya kung makipag palit ako ng seat kay Prince? Pagtabihan natin yung dalawa." Bulong niya kay Marian habang papalapit na sila sa kanilang upuan. Ngumisi naman si Marian tanda ng kanyang pag payag sa plano ng kaibigan.
"Ahh, Prince pwede bang palit tayo ng upuan? Makiki pag kwentuhan lang ako kay Jordan." Tanong ni Carmela sa binata. "ahh e , kung okay lang kina Sofia at Marian." Nahihiyang sagot pa ng binata. Ngumiti naman si Marian , at agad naman niyang binalingan si Sofia tumango naman ito. "ayun payag sila, paano dyan ka at dito ako sa likod." Loko-loko sabi nito sabay na nakikipag apir pa sa binata. Nagtataka man si Prince ay nakipag apir din naman ito.
Pumagitna naman si Sofia sa dalawa habang si Marian na ngayon ang naka upo sa tabi ng bintana. "kelan pa naging close yung dalawa?, wala naman nabanggit si pinsan sakin na pinopormahan niya ung kaibigan natin." Bulong na tanong ni Sofia kay Marian, parang hindi talaga napansin na set up lang ang ginawa ni Carmela. "Hahaha malay ko sa dalawang yun" natatawang sabi ni Marian.
"Okay students, nais kong mag pray muna tayo bago tayo umalis." anang tour guide nila. Nagdasal naman sila, at pagkatapos nito ay umandar na ang sasakyan. Bigla naman pinatay ang mga ilaw sa bus , tangging sa bukas tv nalang ang pinagmumulan ng liwanag ngayon sa loob ng bus.
Hindi pa inaantok si Sofia kaya nagpasya siyang magbasa nalang ng wattpad,dahil na iinip siya. Tulog na kasi ang kaibigan nito habang ang binata naman ay tutok sa pinapanuod. "Hindi kaba mahihilo nyan ? nagbabasa ka habang sa byahe?" Tanong ng binata sa dalaga ng mapansin busy ito sa pagbabasa. "Hindi naman , ee nakakainip kasi haha" sagot naman niya. "ayaw mo ba ng palabas ?" sabay nguso nito sa movie nakasalang ngayon.
"Hindi ko kasi trip ang mga action movie hehe" sagot nito habang binalingan niya ng tingin ang binata na ngayon ay sakanya nakatingin hindi na movie. May kinuha naman si Prince na pagkain sa bag nito. "Gusto mo ?" tanong ng binata. Hindi naman tumanggi ang dalaga. "Kwentuhan mo nalang ako para hindi ka mainip." Anang binata. "Tungkol saan naman?" tanong naman nito. "Kahit ano, basta yung tungkol sayo." Sagot ng binata.
"sige, well wala naman iba sakin normal na tao lang ako kahit na mukhang abnormal lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko hahaha, pero kahit baliw ang mga yun napamahal na ko sa kanila, pati na sa mga pamilya nila. Para na nga kaming magkakapatid ,dahil sa hindi kami naghi-hiwalay ,sa sobra tagal na din namin magkaka kilala, marami na kaming kabaliwan, pagsubok na pinag daanan but still friendship goals pa din haha. Minsan hindi lang talaga maiwasan ung may mag aaway well normal lang naman yun sa mga magkakaibigan basta we make sure na mas mahalaga pa din ung mga pinagsamahan namin." Mahabang kwento ni Sofia tungkol sa mga barkadang meron siya.
"alam mo swerte kayo sa isa't isa, bilib nga ako sa inyo e kahit na puro kalokohan kayo education is life pa din haha". Anang binata. "ganun talaga haha, ako din pala yung tinagurian na ma drama sa grupo hahaha, ewan ko bakit pag dating sa kanila lagi nalang akong nagda- drama minsan nag sasawa nila sakin pero tignan mo naman natitiis at napag tiyagahan nila ako haha that's why I love them haha." Patuloy na pag kwento nito sabay humikab pa .
Hanggang sa nakaramdam na itong antok, Binalingan naman agad siya ng binata, at nang makita niyang inaantok na ito ay inalalayan nito ang ulo ng dalaga upang isandal ito sa kanyang balikat para magsilbing unan nito. "sige matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag malapit na medyo malayo pa din naman tayo e" mahinang sabi nito sa dalaga. Ngumiti nalang ang dalaga kay Prince.
"oo nga ,malayo pa dahil ito na ata ang pinaka matagal na biyahe at longest trip sa buhay ko dahil sa hindi ko namamalayan ang oras lalo na at katabi kita." Mahinang bulong naman ng dalaga sa sarili. "huh? May sinasabi ka?" tanong ng binata sakanya. Umiling naman ang dalaga at pumikit na ito upang hindi na makapagtanong ulit ang binata sa kanya.
Ano na kaya ang mangyayari ngayon matatapos na ang kanilang field trip? Matatapos na din ang pagiging mag body partner nila.
A/N:hi readers . I know im not that good author haha buti nalang nadadala ng story ko hahaha . kaya Thank you sa mga nagbabasa pa rin nito mula umpisa until now, masaya ako dahil sa pag continue niyo pag support sa story. Love Love
YOU ARE READING
ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBER
RomanceSYPNOSIS: Kabilang si Sofia sa samahan ng mga NBSB, isa din siya sa mga babaeng single pero marami ang crush kumbaga para sa kanya crush lang sapat na. For her hindi na niya kelangan ng boyfriend dahil naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang pakiki...